CHAPTER 17

1 0 0
                                    

PS: GOGGLE TRANSLATION PO ANG GINAMIT KO PARA I TRANSLATE ANG MGA JAPANESE WORDS SA CHAP NATO SO SORRY IF MAY MGA WRONG GRAMMAR

CHAPTER 17

Akiryn's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung mangyari yun, mula din nun ay di na ako lumalabas ng kwarto at nagkulong lang, ayaw ko munang makita ang mga bugok na yun, tangina kung pwede lang sana ay nag pakain na talaga ako sa lupa dahil sa hiya na naramdaman ko

Ako lang mag isa dito sa buong top floor, umalis kasi si Shio, ewan ko kung san sya pupunta basta narinig kong sinundo ni Drake si Shio,

Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng pagkain, nagugutom na kasi ako, nasanay ako na dinadalhan lang ako ng pagkain ni Shio sa kwarto, bwesit kasi bat ba kasi umalis tsk,

Ilang minuto lang ay tapos na akong magluto, hotdog saka fried rice lang ang linuto ko, inilagay ko na iyon sa lamesa at kumuha na ng plato.. tangina naglalaway na talaga ko, gusto ko ng isubo lahat ng kanin..

Nung nakuha ko na yung plato ay dali dali akong lunapit sa lamesa saka nilagyan yun ng fried rice, akmang susubo na sana aki nung biglang nag black out, tangina naman ohh..

Napalingon lingon ako sa paligid, medjo may nakikita pa naman ako, hapon ba kasi kaya di na ganon ka maliwanag sa labas, napangisi nalang ako, walang black out ang makakapag pigil saakin sa oagkain mweheheh,

Akmang susubo na sana ako ulit nung tumunog yung fire alarm ng hotel, doon na ako napatayo at nataranta, tangina may sunog!!, Dali dali akong tumakbo papa akyat sa roof top, dali dali akong pumunta sa may railings saka tumingin sa baba, doon ko nakuta ang makapal na itim na usok at ang mga nagtatakbuhang tao sa labas, rinig na rinig ko rin ang mga sigawan at busina ng mga sasakyan,

Tinansya ko kung saan nanggagaling ang sunog, mukha itong nasa mga first floor ng building, kung di ito maapula kaagad ay sigurado akong aakyat yung apoy papunta dito... Shit nasa roof top pa naman ako..

Kaagad akong tumakbo pababa ulit, akmang lalapit na sana ako sa elevator nung maalala kong black out pala, isa pa ay bawal gumamut ng elevator kapag may sunog.. arggg bwesit bat ba ngayon nangyari to kung saan ako lang mag isa dito...

Hinanap ko agad ang fire exit, mabuti nalang at nahanap ko ito, malapit lang sya sa kusina, speaking of kusina, nahagip ng mata ko ang linuto ko kanina.. tangina nagugutom ako, lumapit ako doon at kukuha na sana kaso naalala kong may sunog pala, tangina mo Akiryn, may sunog na nga inuuna mo pa yung pagkain..

Napailing iling ako para mawala sa isipan yung pagkain, tumakbo na ako sa fire exit saka binuksan yung pinto. Bumungad saakin ang hagdanan, napakataas na hagdanan.. doon lang pumasok ulit sa isip ko na nasa top floor paka ako... ARGHHH BWESIT KA SHIO!!

Wala na akong sinayang na oras pa at tinahak na ang hagdan, di pa ako nakakalahati ay napagod na ako, idagdag pa na wala pa akong kain.. bwesit talaga ang malas ko!

Tumatakbo lang ako habang pababa, mukhang ako nalang ata ang taong naiwan dahil wala na akong naka salubong ni isang anino,

Ang bawat floor na nadadaanan ko ay tahimik, yung iba ay nakabukas pa yung pinto ng fire exit.. hingal na hingal na ako pero kinaya ko talagang makababa,

Habang papaliit ng paliit ang number ng floor na natatahak ko ay unti unti naring umiinit at umuusok, nauuhaw na rin ako at tagak-tak na ang pawis,

Napahinto ako nung marating ko na ng sixth floor, diko na kaya.. hingal na hingal na ako.. napaupo ako sa hagdanan nung bumigay ang mga tuhod ko, masakit na ang paa ko, malapit na ring mapigtas ang tsinelas ko..

THE YAKUZA'S WIFE (THE BADASS, AKIRYN AMORES-HIMANA)Where stories live. Discover now