CHAPTER 13

4 0 0
                                    

CHAPTER 13

'What the heck was that?! I can't believe him.. he want me to leave?! Sa tingin nya ba ganon lang kadali yun?! Kung pwede lang ay matagal ko na iyong ginawa but I can't, diko kayang kalabanin ang lolo ko..

Nandito lang ako sa kwarto ko at nakahiga, simula nung sinabi nya iyon ay di na ako lumabas sa kwarto ko, walang kain, di din ako pumasok sa trabaho ko.. ayaw ko muna syang makita,

"Ma'am naman, lumabas kana po jan, wala ka pa pong kain simula kahapon" pagpupumilit ni Manang Marie saakin, Hapon na kasi ngayon at kahapon pa sa gabi ako di kumain..

"Ayaw ko nga manang" sagot ko naman pabalik, mukhang napagod na ito kakapilit saakin kaya huminto na ito,

Bumuntong hininga ako bago dumapa sa kama, diko alam pero parang pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa kumdi humiga lang maghapon..

Nalilito na ako kung anong gagawin ko, bakit ba naging ganito ang buhay ko? Sa pagkaka alala ko isa lamang akong normal na estudyante na namumuhay ng payapa.. bakit bigla nalang may isang malaking problema ang lumanding bigla sa buhay ko..

Kung di lang talaga bumalik si lolo, kung di lang talaga sya nagpakita.. Arghhh kasalanan to ni lolo lahat!...

Naalala ko pa nun nung bata pa ako, palagi akong pumupunta sa bahay ng lola ko, kapag magkasama kami ay palagi nya akong binibilinan na sa hindi madali ang pagpili ng makakasama habang buhay, naalala ko pa yung mga sinabi nya saakin

"Sa pagpili mo ay bawal mag inimini mini mo, dahil nakasalalay doon ang buhay at kinabukasan ng magiging pamilya mo, sa pagpili mo ng makakasama habang buhay siguraduhin mong mahal mo at mahal ka nya, dapat kaya ka nyang alagaan at protektahan habang buhay"

Nung una diko iyon naintindihan dahil isa palamang akong maliit na bata, pero habang lumalaki ako ay doon na nagsi sink in saakin ang lahat ng sinabi nya, dahil doon tumaas ang standard ko sa mga lalaki,

Nadagdagan pa iyon nung yung pinsan ni papa na tita ko ay nabuntis at di sya pinanagutan ng nakabuntis..doon ko nakita ang pait ng buhay kapag mali ang napili mong makakasama,

At dahil din doon ay naging curious ako kung bakit ako pinapaalalahan ni lola ng ganon, doon ko nalaman na nabuntis lang din si lola ni lolo tapos ay iniwan lang sya sa di ko malamang rason.

Itinago ni lola saamin kung sino ang lolo ko, pero di nya alam na dati na palang hinahanap ni papa si lolo dahil gusto nya itong makilala, hanggang sa natagpuan nya kami.. pero yun ang pinakamasamang nangyari sa buhay namin... Ang araw na nakilala namin si lolo ay ang araw din na nawala si lola...

Simula ng araw na iyon pilit akong kinuha ni lolo at pinadala sa Japan, diko alam kung ani ang pinaplano nya pero simula palang ay ayaw ko na sa kanya,

Nagulantang ako nung may mga kamay ang sapilitan akong pinatayo mula sa pagkakadapa, nanlalaking mata ko itong tinignan... Si Shio!! Pano sya nakapasok? Ganon na ba talaga ako ka lutang para diko naramdaman o narinig man lang ang pagpasok nya?

"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa trabaho ka?" Gulat na tanong ko, tinignan nya lang ako ng malamig bago nya ako binuhat na parang sako,

Agad naman akong pumiglas ngunit sa kasamaang palad ay bigla akong nahilo, ikaw ba naman buhatin na parang sako tapos wala pa akong kain..

Pinaupo nya ako sa upuan dito sa kwarto ko tapos ay ipinaharap nya ako sa lamesa, doon ko nakita na may nakalagay palang pagkain doon

"Eat" utos nya sakin sabay crossarm, tinignan ko ito at tinaasan lang ng kilay.. ang lakas nya akong utos utosan, diko naman sya boss..

"No" simple ko lang din sabi sabay dekwatro at crossarm din, nakita ko namang nairita sya dahil sa sinabi ko.. kinuha nya ang kutsara saka nilagyan ito na kanin,

THE YAKUZA'S WIFE (THE BADASS, AKIRYN AMORES-HIMANA)Where stories live. Discover now