PROLOGUE
AKIRYN'S POV
Im here at my bestfriends wedding, kakatapos lang nito at nandito na ako sa reception area.
Kakarating ko lang kaya di ako nakadalo sa ceremony, dumeritso na ako sa reception area, nagulat nalang ako nung may biglang tumabi sa kinauupuan ko,
"Aki!! I miss you! Kailan ka pa nakauwi? Buti naman at naka attend ka sa wedding ni Shann." Nakangiting sabi ni Emily sabay yakap saakin, si Emily ay bestfriend ko din, bale tatlo kaming magkakaibigan,
Yumakap din ako pabalik sa kanya, "Kanina lang ako nakarating kaya di ako nakaattend sa ceremony" sabi ko, galing kasi ako sa Japan,
Simula nung grumaduate ako ng Senior high ay napunta ako sa Japan at doon nag aral ng college, naiwan ko silang lahat dito, ang mga kaibigan ko at ang mga magulang at kapatid ko dahil sa pesteng lolo ko..
Ang lakas nyang magpakita saamin, matapos nyang iwan ang lola ko dati ay magpapakita lang ito basta basta at kukunin ako, pinagbantaan nya pa kami dati na kapag di ako sumama ay papahirapan nya kami
Wala akong nagawa nun at sumunod nalang, makapangyarihan si lolo at kaya nya itong gawin gamit ang pera nya, simula nun ay sa Japan na ako nanirahan, lahat ng ginagastos ko ay galing lahat kay lolo, yun din ang dahilan kung bakit....
"Aki, wahh nakadalo ka!" Masayang sigaw ni Shann, ang bride, agad nya akong niyakap
"Of course ako pa ba? Di ko hahayaang di ako maka attend sa kasal mo no" sabi ko habang natatawa, subrang namiss ko ang mga loka lokang to.. kahit na nasa Japan na ako ay mayroom parin kaming communication, palagi kaming nag vi-video chat..
Ff
Nagusap usap lang kami at nagsaya, kinukwento namin ang mga nangyari sa buhay namin
"Sayang no? Di tayo nagkasabay mag college" sabi ni Emily, nalungkot naman ako dahil doon, sayang talaga nagplano na kami na sabay sabay dapat kaming gra graduate, kaso di natupad dahil pumunta ako sa Japan..
Napatigil ang lahat nung biglang napatay ang mga ilaw, pati ang music ay napatay din, ang tanging nagbibigay ilaw nalang ay ang malaking screen sa harap,
"Bridge. Now. -Ezo" yan ang nakalagay sa screen, naguguluhan ang lahat kung ano ang ibig sabihin nito,
Nung una ay di ko iyon maintindihan pero nalaman ko iyon dahil sa 'ezo', so nandito na rin pala sya? Nag effort pa talaga ang gago,
Ilang saglit pa ay nabalik na ang mga ilaw at ang music, binaliwala nalang nung lahat ang nangyari at nagpatuloy sa mga ginagawa nila,
"Shann, Em, mauna nako" paalam ko sa kanila, kailangan ko ng pumunta sa tulay,
"Huh? Bakit? Ang aga naman" reklamo ni Shann, nginitian ko nalang ito at tumayo,
"Nag iintay ang asawa ko" sabi ko nalang, bigla namang nalukot ang mukha nila,
"Asawa?! Kasal kana?!" Gulat na sabi nilang dalawa, napatawa nalang ako sa itsura nila
"Sa susunod ko nalang iku kwento sa inyo.. byee" paalam ko at lumabas na, dumiretso ako sa sasakyan ko at pinaandar iyon, binilisan ko ang pagpatakbo nito at nagmadaling pumunta sa tulay,
Gusto ko sanang inisin si 'ezo' pero wag nalang, wala ako sa mood... Btw 'Ezo' is my Yakuza husband..
And yes I'm a Yakuza's wife...
YOU ARE READING
THE YAKUZA'S WIFE (THE BADASS, AKIRYN AMORES-HIMANA)
RandomAkiryn Amores is just a simple girl until she meet her grandfather that will ruin her simple life, her grandfather bring her to Japan for her to study and marry a Yakuza name Ezoshio Himana, since then she become a badass girl and loathed her grandf...