CHAPTER 9
Akiryn's POV
Nasa loob na kami ngayon nakaupo lang kami sa sofa habang kinakain yung dala naming cake at ice cream.
"Ijo, kamusta naman kayo ng anak ko?" Tanong ni papa, napatigil naman si Shio dahil doon
"Ok lang naman po kami" nahihiyang ani nito, tinanguan iyon ni papa pero bakas sa mukha nya ang pagdududa,
"Nga pala ma, nakapagluto kana po? Tutulong kami" sabi ko sabay baba sa maliit na lamesa ang platong pinaglagyan ng cake ko, saka tumayo, sumunod din naman si Shio sa ginawa ko at tumayo.. kanina pa talaga ako naiinis kay Shio pero di ko lang talaga pinapahalata.. para kasi itong buntot na sunod ng sunod sa mga ginagawa ko,
"Tamang tama, kailangan ko pa kasing mag sibak ng kahoy para may gamitin sa pagluto" sabi ni mama at tumayo din, naglakad kami papunta sa kusina..kahoy kasi ang gamit namin para magluto, meron naman kaming kalan kaso ayaw gamitin ni mama.. ewan ko nga kung bakit eh..
Lumabas kami at pumunta sa likod, nandoon ang mga kahoy at kailangan pa itong putulin, napangisi naman ako...mwahaha mukhang umaayon ang lahat sa plano...
"Naku ma! Si Shio~ ay este 'tong asawa ko nalang po ang pasibakin mo ng kahoy, naalala ko kasing nagsabi sya saakin na gusto nya daw tong subukan" masaya kong ani sabay baling kay Shio, nakita kong inis syang napatingin saakin, pero agad naman itong nawala nung lumingon si mama sa kanya, nginitian naman nya ito ng peke..pftt
"Ay ganon ba ijo? Cge, iwan ko na muna kayo dito ha? Ihahanda ko muna ang mga sangkap sa pagluto" sabi ni mama saka iniwan kami, agad namang lumapit si Shio saakin na nakakunot ang noo,
"What the heck was that?" Inis nitong ani saakin nginisihan ko naman ito.. bwahahaha sa wakas makaka ganti na rin ako..
"Nothing.. I just want some revenge, oo pinatawad na kita pero di ibig sabihin nun na di ako maghihiganti.. and besides you better do this now..my father is watching" nakangising sabi ko, di naman maipinta ang mukha nya habang sumusulyap kay papa na nakamasid lang saamin sa malayo,
Bumuntong hininga ito bago kinuha yung itak, natatawa ko syang tinignan habang nahihirapan ito sa ginagawa,
Tawa lang ako ng tawa habang sya ay nakakunot noong nagsisibak, di din naman sya makapag reklamo dahil nakamasid lang si papa..ewan ko nga eh parang sya pa ang takot kay papa
Weird but yeahh, napansin ko na iyon nung makarating kami dito.. I don't know the reason why.. Funny right? A yakuza who's afraid of an ordinary old man...
I was laughing really hard, pawisan na ito sa ginagawa, plus the thought that a Yakuza is doing some work like that... It's just really funny..
Marami rami narin itong naputol na kahoy, nakamasid lang ako at tinuturuan sya kung anong dapat gawin habang nakasimangot nyang sinusunod iyon.. how pity this jerk is..
"Anak, ijo, tama na yan" rinig kong sigaw ni mama, agaran namang tumigil si Shio at napaupo sa lupa habang hingal na hingal, natatawa parin akong nakatingin sa kanya
"Oh eto ijo, tubig" sabi ni mama sabay bigay kay Shio ang tubig, tinanggap naman agad iyon ni Shio at inisang lagok lang..
"Anak anong nangyari jan sa leeg mo? Bat may maliit na pula?" Agad nanlaki ang mata ko kasabay ng paghawak ko sa leeg, shit na tanggal na yung concealer na nilagay ko,
Naglagay kasi ako ng concealer sa leeg para matakpan yung mga kiss mark na ginawa ni Shio kagabi,
"A-ah ki-kinagat lang po ng pesteng lamok" sabi ko sabay baling kay Shio,nakangisi naman itong napatingin sakin...
YOU ARE READING
THE YAKUZA'S WIFE (THE BADASS, AKIRYN AMORES-HIMANA)
CasualeAkiryn Amores is just a simple girl until she meet her grandfather that will ruin her simple life, her grandfather bring her to Japan for her to study and marry a Yakuza name Ezoshio Himana, since then she become a badass girl and loathed her grandf...