CHAPTER 16

1 0 0
                                    

CHAPTER 16

Akiryn's POV

Naalimpungatan ako nung makarinig ako ng parang mga yabag sa labas, napakunot ako ng noo at tumingin sa orasan, alas onse na ng gabi..gising parin sya?!

Napagdesisyonan ko nalang na lumabas at tignan iyon, dahan dahan akong tumayo mula sa kama at pumunta sa may pinto..walang ingay kong binuksan yung pinto at maingat na sumilip,

Bumungad saakin yung apat na bugok na nasa may sala at parang may tinitignan, napakunot naman ako ng noo.. anong ginagawa nila dito?

"Diko alam kung bakit ayaw isama ni Ezo si Akiryn..mukhang mas magaling pa yun saatin eh" rinig kung sabi ni Yricks habang may tinitignan sa hawak nya, dahan dahan na akong lumabas at lumapit sa kanila, mukhang di naman nila ako napansin,

"Oo nga, muntik pa nga nya ako matamaan nung dagger sa first day natin syang nakilala" sabi ni Zeph

"U huh, sigurado along mas magaling pa sya kesa kay Drake" pangiinsulto naman ni Eros kay Drake

"Yeahh, pero mas cool parin ako sa kanya" sangayon ni Drake sabay ngiwi, napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig.. seriously?!

"If you're cooler than me, doesn't it means I'm hotter than you?" Taas kilay kong tanong sabay pameywang, naagaw ko naman ang attention nila kaya sabay sabay silang napatingin saakin, nakita ko namang nagulat yung tatlo habang si Drake naman ay napangiwi

Agad silang napatayo at pilit na tinatago sa likod nila yung mga gamit na kanina pa nila tinitignan at kinukulikot, mas lalo pa akong napa taas ng kilay dahil doon..

"O-oyy ikaw pala, kanina ka pa jan?" Nag aalinlangang tanong ni Zeph habang di maka tingin saakin ng only diretso, mas napataas naman ako ng kilay at lumapit pa sa kanila,

"Ano pala ang ginagawa mo dito? Haha" napangiwi nalang ako sa tono ng boses ni Yricks..bakit ba parang di sila mapakali? Sigurado akong may tinatago sila saakin..

"Diba dapat ako ang mag tanong sa inyo nyan?" Sabi ko at mas tuluyan ng lumapit sa kanila, akmang titigilan nila ako kaso tinitigan ko sila ng masama, natinag naman sila dahil doon.. tsk wala naman pala sila sakin eh tsk tsk,

Napa tigil ako nung makita ko ang tinatago nila saakin, biglang nagning ning  ang mga mata ko nung makita ko ang iba't ibang klase ng baril, puro ito mamahalin at magagandang kalidad,

"A-ano... si Ezo ang bumili nyan di kami, wag kang ma galit samin" parang natatakot na sabi sakin ni Drake, lumingon naman ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.. teka si Shio bumili nito? Para saan?

"Saan nyo naman gagamitin to?" Mataray kong tanong, nag siiwasan naman sila ng tingin saakin at di ako sinagot, kinuha ko yung isang baril, isa itong magnum 357 (di ako sure pero ang sabi ni papa malakas daw ang baril nato..hehe)

Kinasa ko yung baril sabay tutok sa apat na bugok, nataranta naman sila dahil sa ginawa ko at itinaas nila ang dalawa nilang kamay na para bang susuko na,

"T-teka lang, dapat si Ezo tinatanong mo nyan..di namin alam, pinapunta lang kami dito" natatarantang sabi ni Drake sabay luhod, napailing iling nalang ako..

Napatingin ako sa gilid nung lumabas sa kusina si Shio, nakasabit sa katawan nya ang isang mahabang baril, medjo nagulat ito nung makita ako, ngunit nawala din ang expresyon nya nung makita ang mga kaibigan nya na nakataas ang mga kamay habang yung isa naman ay nakaluhod,

"Sigurado kanang sila ang pababantayin mo sakin?" Nangiinsulto kung tanong sa kanya, nag 'tsk' lang sya saka lumapit saamin, inagaw nya sa akin yung baril na hawak ko saka iyon inilagay ulit sa mesa

THE YAKUZA'S WIFE (THE BADASS, AKIRYN AMORES-HIMANA)Where stories live. Discover now