CHAPTER 1: A Crush?!

11 1 0
                                    

ZAYPHIA'S P.O.V

Napa-dilat ako ng maramdaman kung may humahaplos sa kamay. Nakita ko si Shean walang emosyong nakatitig sa kamay ko.

Nang mag-salita ako at tinawag ang pangalan niya agad siyang lumingon sa akin gulat ang mukha na may halong kasayahan.

"Maxz!" Sigaw niya at napa-yakap sa akin. Lumaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang katawan niyang nakayakap sa akin.. Humiwalay lang si Shean ng umungol ako dahil masakit ang likod ko. Tumingin siya sa mukha ko sinabing.. "Namumula ka yata maxz." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.

Ngumisi siya "Joke" saka tumawa,sinampal ko siya sa braso dahil Hindi ako natutuwa sa joke niya what if totoo 'yun?. Well I'm not comfortable with Shean alone in this room. Kinakabahan ako sa tuwing tumitingin siya sa akin o hina-hawakan niya ako.

Umupo ulit siya sa upuan. "I t-text ko sina Millo tita at Tito na gising ka na." Anita nito at dinampot ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya.

While Shean was texting in his phone luminga-linga ako sa loob ng kwarto at tumingin ulit sa kanya naka tutuk pa rin siya sa phone niya he stops ng kuhitin ko siya.

"Shean.." I stated

"Hmm?"

Bakit ko nga ba siya tinawag?.

"Ilang araw na ba akong naka ratay dito?" I asked Wala na kasi akong matandaan after the accident.  Napa isip muna siya bago niya ako sinagot. "Mga three days ata.."

"Bakit?" Dag-dag pa niya.

"Huh?—err. Uh. Akala ko kasi katapusan ko nung manyari ang aksidente na iyon. Akala ko patay na talaga ako.." Sabay tawa. Klaro namang Hindi natawa si Shean sa akin. "Seriously!. Joke lang yun hindi pa ako kukunin ni Lord!" Inirapan lang niya ako binalikan ng tingin ang phone niya.

Ilang sandali kumunot ang noo ko dahil malapad ang ngiti niya while staring at his phone.

It's the first time I see him smiling like that..

To my confusion I tried to sit in the bed pero parang hindi pa kaya ng katawan ko kaya.."Sino 'yang t-netext mo d'yan?" Usisa ko imbes na sekretong titingin. "Si Kenzie." He smiled while saying that name.

Kenzie? Sino 'yan? I've never heard that name.

"Kenzie?" Pag-uulit ko.

"Uhuh."

"Sino siya?"

"Wala"

"Sino nga siya?"

"Wala nga,Tao syempre." Pag-bibiro pa niya but did he think tatawa ako doon?. I am confused to that Kenzie girl na ka text niya ngayon.

Nainis ako kaya.. "Sige!,Kapag hindi mo sinabi sa akin kung sino 'yan si Kenzie tatanggalin ko talaga itong dextrose sa kamay ko!" Panakot ko sa kanya para sabihin niya sa akin.

Alam kung madaling matakot ito si Shean because I knew him to well. "Okay,okay. Kenzie was my new friend" Napipilitan niyang sagot.

"May new friend bang ganyan?" Kung maka banggit siya Kay Kenzie Alam ko na! May gusto siya sa babaeng iyon.

"Tss!. Ikaw Shean say the truth to me! You like her right? Totoo ako no?!"Napilitan ako ngumisi habang inaasar siya, Deep inside natatakot ako na baka may gusto talaga siya sa babaeng iyon.

He did not answer me. I grin "Silent mean yes! Crush mo nga 'yun si Kenzie!" Sinampal ko ang braso niya kaya napa-aray siya. Hinawakan niya ang bandang sinampal ko. "Aray naman Maxz—oo! May gusto nga ako Kay Kenzie!—saka wag mong ipagsabi na may nagugus...." Uulitin ko sana ang pangungulit sa kanya ng aminin niya iyon.

Natahimik ako bigla umiwas ako ng tingin sa kanya after what he says to me ang mga kasunod nun hindi ko na masyadong napakinggan. Parang naging sirang plaka ang utak ko dahil pabalik pabalik lang na nag-p-play 'yung inamin niya na gusto niya si Kenzie.

Ngumiti ako habang may sinasabi parin siya. While sinasabi niya iyon I can see that he was so open about me telling about her. Why he likes her.

I smiled even though I knew that I was just pushing my self

Two weeks had passed,Mabuti nalang na wala akong na miss na class dahil nangyari iyong accident in summer kung hindi tad-tad talaga ako ng mga homework at missed lessons.

Lalo na 'din na, namimiss ko na ang bestfriend ko!.

"Maxz!" Sigaw niya.

"Hati!" Nag-kasulubong kami sa School gate kababago lang niyang dumating.

We both giggled and hug each other. Ngayon ko lang nakita si Hati dahil nung summer nag-bakasyon kasi sila ng pamilya nila sa isang penthouse niya sa probinsya.

Nabalitaan na 'din ni Hati ang nangyari sa akin,uuwi nga sana siya para dalawin ako kaso hindi ko siya pinayagan I wanted her to relax and enjoy that summer kasi alam kung may mga pinag-dadara-anan siya,and ayaw Kung dunag-dag doon kaya I said I was fine.

"Why she's here?"Bungad ni Shean. Napa-hiwalay sa yakap si Hati ng Makita niya si Shean 'ulit' like usual mag-aaway na-naman sila.

Ang mukha ni Shean as usual inis na nakatingin Kay Hati—sa totoo lang bakit ganyan ang turingan nilang dalawa dahil hindi naman talaga kami best friends ni hati noong mga bata pa kami.

She always bullied me when we were so young. Magkatabi kang kasi ang mga bahay namin ni Kati at Shean sa village. Nang bagohan ako naging unang kaibigan ko si Shean at si Hati naging kaaway ko.

Sa totoo lang 'din ang maldita talaga ni Hati kaya umiiyak ako kapag uuwi ako sa bahay kundi kay Shean kapag nalaman Naman ni Shean na inaway na naman 'ulit' ako ni hati magkikita silang dalawa sa backyard ng bahay ko at doon mag-aaway.

Year later.. Umalis sila hati dahil sa trabaho ng papa niya sumunod naman si Shean na umalis pero hindi pa rin 'yun hadlang para hindi kami mag-kita dahil nasa iisang school kami parehong pumapasok.

Until bigla nalang kumausap sa akin si Hati. Nag-sorry. I forgive her dahil mga bata pa Naman kami noon.

But Shean doesn't looks like may hindi pa talaga maka move on.

And I really did thought na magkakatuluyan itong dalawang 'to.

Akala ko lang.

Sinagot naman siya ni hati na naka-taas ang kilay. "Why?,This is a Campus Bro talagang nandito ako." Ngumisi sa kanya si Hati na para bang hinahamon niya si Shean, Nang away..

Here we go again..

"Bro ba ang pangalan ko?" Lumabas na naman ang pag-ka pilosopo ni Shean.

Agad akong humirit sa harapan nila kasi Alam ko na Kung saan ito hahantong. At saw na sawa na ako nito.

"Hay~~ Naku!. First day ng klase tapus panibagong away na naman!?. Malayo talaga sa salitang katotohanan na maging kayo talaga.." Tumingin silang dalawa ng sabay sa akin.

"Anong Sabi mo?!" Sabay nilang tanong sa akin. Maya-maya lang tumingin silang dalawa sa isat-isa at pagkatapos napa-hawak sila sa bibig nila na para bang masusuka.

"Kakadiri!. Hindi talaga mangyayari iyan! Kadiri Maxz! Ang arte n'yan slash kumag!" Inis na sumbat ni Hati. Nilingon siya ni Shean pinan-liitan ng mata he scoffed while saying.."Tch!,Did you think matatablan mo ako sa kumag kumag mo? And even you!. You're not absolutely my type! Kaya nga umalis 'yung ex—" I pushed myself to laugh hindi ko pinatapos si Shean sa sinabi niya because it was private for Hati at baka masaktan pa siya..

Kumapit ako sa braso nilang dalawa.. "Mas Mabuting hanapin nalang natin ang mga rooms natin baka ma late pa tayo dahil sa away ninyo okay?" I looked shean then Hati.

They both looked at each other then nag bitch eye roll paya kaya napa-tawa ako..

They really won't change..

But I'm thankful dahil kahit alam kung ayaw nila ang isa't-isa nagawa parin nilang pakalmahin ang sarili nila dahil sa akin..

She Will Be Loved (A Rodriguez Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon