Kabanata 8

7.4K 272 51
                                    

Kabanata 8

Siargao

We had our breakfast inside the private jet. Doon lang kami nahiwalay ni Ares sa mga kasamahan niya. We ate in a two-seat table beside the small window of the jet. Hindi rin umabot ng dalawang oras nang nakalapag ang private jet sa isang airport sa Siargao.

Nang makababa ay agad kaming sinalubong ng isang van para ihatid sa resort na tutuluyan sa susunod na mga araw. Malapit lang ang resort sa airport kaya hindi rin naging mahaba ang naging biyahe.

We arrived at the resort and I'm a bit shocked when a group of people approached us when we got off the van. Nakihalubilo ang limang kasamahan ni Ares sa mga lumapit.

They are all in their casual clothes that naturally fits the vibe of Siargao. It took me too long to figure out that they are also doctors and nurses. I didn't expect them to be this many. Well, it made sense since they will just stay here for three days, kailangan mabilisan.

All of them are working for Ares, specifically at his hospital. Kaya simula nang makababa kami ay may lumapit agad para batiin siya. His answers are always short, but the doctors and nurses who greeted him looked happy like it's a miracle that he responded.

Many smiled at me and eyed me curiously. Some of them also greeted me, but they didn't ask who I was, which is a little bit strange to me, dahil syempre hindi naman ako doctor o nurse para sumama sa kanila.

They will just look at me and then their eyes will be transferred to Ares. Ganoon lang at hindi na nagsasalita pa tila tahimik nang nasagot ang tanong. Gusto ko sana ipakilala ang sarili kaso baka wala ring interesado.

A male employee of the resort approached Ares, and then I figured out that he's the owner of the resort.

"Greetings, Mr. Madriaga. The villas are ready to be occupied," he said, smiling.

Mahinang naghiyawan ang mga grupo ng doctor at nurses dahil sa narinig. Nagpatiuna sa paglalakad ang owner ng resort sa daan na gawa sa paving blocks.

Inilibot ko ang tingin sa lugar na puno ng coconut trees at berdeng mga dahon. May nakita pa akong dalawang employee ng resort na nakatingala sa isang coconut tree, hinihintay ang paghuhulog ng buko ng isang matanda sa itaas. I watched them laughed when one of the employees almost got hit of a falling coconut.

"Oh, tanga! Muntik ka pang magka-amnesia!" sabi ng kasamang employee sabay hagalpak ng tawa.

I smiled unconsciously while watching them. Narinig ko rin ang tawa ng grupo sa aming likuran.

Nanggaling sa puno ng buko, nailipat ko ang atensyon kay Ares nang maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Ang tawa na narinig ko sa likuran ay awtomatikong tumahimik.

Kanina niya pa hinahawakan ang kamay ko pero ngayon lang ako nahiya dahil sa mga kasamahan sa likuran. Why am I letting hold me anyway? Dagdagan pa na bitbit niya ang bag ko, hanggang ngayon!

I tried to pull my hand, but his hold only tightened. Nakakunot ang kanyang noo nang nilingon ako, halos magtaka dahil sa naging pagtatangka. I glared at him.

"Don't hold my hand," I mouthed.

He raised a brow and ignored my demand. I squeezed his hand, but it didn't work. His hold remained. Nagulat na lang ako nang bitawan niya ang aking kamay at ipinulupot ang braso sa aking beywang.

"Why are you so grumpy?" paos na sabi niya at mahinang humalakhak.

Narinig ko ang agarang ubo at tikhim sa aming likuran. My face heated. This is so embarrassing!

I don't know if he's doing this on purpose on what. Walang mapaglagyan ang kahihiyan na nararamdaman ko. Mabuti na lang ay mabilis nakalimutan ng mga nasa likuran namin ang nangyari nang nakarating na sa nakalinyang mga villas. Kahit ako mismo ay nawala na rin sa iniisip nang napagmasdan ang ganda ng lugar.

DM #4: Ares MadriagaWhere stories live. Discover now