Kabanata 20
Pregnancy
Para akong nakalutang habang nagmamaneho palabas ng syudad. Madaling araw akong umalis at ngayon ay mataas na ang sikat ng araw. For some reason, I felt cold and unsure with my own decision. Pakiramdam ko ay wala akong patutunguhan sa ginagawa ko. But then, do I have a choice? May patutunguhan man o wala, ito ang nararapat kong gawin.
Tita Solanna already knows that I wanted to talk to her, kaya ako papunta sa kanilang hacienda ngayon. She said she will just visit Manila so that we can talk, but I insisted to come to her place instead. Ako ang may pakay kaya dapat ako ang bibiyahe. Hindi ako magtatagal kaya sinabi ko na lang na sa lungsod kami magkikita.
Ilang kilometro pa ang layo ko kaya iniisip ko nang ito ang magandang pagkakataon na buohin ang mga salita na sasabihin kay Tita Solanna. Pero sa dami kong gustong sabihin, hindi ko alam kung anong uunahin.
But first, I wanted to apologize for causing an issue that involves their name. I should be talking to Dean too, in which I'm going to do after. I wanted to talk to her first because she's always been good to me and to my so-called family.
At malaking kahihiyan ang mga nagawa ko, kahit sabihin nating hindi ko ginusto. Hindi mapapantayan ang magandang reputasyon ng mga Andrada. At ang isipin na tanging ako lang ang makakasira sa reputasyon na iyon ay halos hindi ko matanggap.
Sa pagkakataong ito, wala na akong pakialam sa pangalan na mayroon ako. The only thing I want right now is to save the names of the people who got affected with this issue.
I don't know how I can exactly resolve this. Hindi ko basta-basta mababago ang mga iniisip ng mga tao sa akin. But I'm too desperate to resolve this now. Kaya magtatagumpay man ako o hindi, kailangan ko pa ring subukan.
Pagkatapos nito, lalayo ako para matahimik ang lahat. I will live by my own, and I will try to find a job that can sustain for myself. Hindi ko alam kung anong trabaho ang mayroon sa probinsya kaya kung ano na lang ang mayroon, doon na lang ako.
I have money, but I still need to work. Bahala na kung maliit ang sweldo, ang mahalaga ay may ginagawa ako. I need to distract myself and I need to try to learn the new life I'm going to have sooner.
Gusto ko na mamuhay ng tahimik at mag-isa. This is the life that I wanted, a simple and a life that I can manage on my own. I'm done with being controlled.
Sa dami ng mga nangyari, nakakatawang ngayon ko lang napag-isipan ang lumayo. Ngayon ko lang naisipan at sa kumplikadong rason pa.
This is the only thing I knew to save the names of the people around me. Huhupa ang isyu kung lalayo at mananahimik ako.
If the Andradas or maybe Ares would like to release a statement about the issue to clear their names, I will support them with that. Whatever views they have, they can spill it to the media. I don't care if it will benefit me, or it will just ruin my name more. Sa tindi ng mga naging isyu na damay sila, hindi ko na iintindihin ang magiging epekto sa akin.
I glanced at my phone beside me. I must be crazy for expecting to receive a call from him when my phone is off in the first place. I should stop myself from thinking about him from now on.
Matapos ang mahaba-habang biyahe, nakarating ako sa lungsod. I parked my car in front of a hotel and went inside the building.
This is nothing compared to the hotels of Manila, but this is the tallest building here in the city. You can't expect skyscrapers here. The city is too small for that. At saka mas mabuting panatilihing ganito ang lungsod para mapanatili rin ang presko at payapang pamumuhay na gusto ng mga tao.
YOU ARE READING
DM #4: Ares Madriaga
General FictionAres Madriaga has carved out a formidable reputation as Asia's prominent and most desirable surgeon. His intense demeanor, coupled with his fame and expertise, has opened countless doors for him. Renowned for his toughness and ambition, he is accust...