Mr. Jeon

207 5 6
                                    

Nanginig ang paa ko pagtuntong ng unang step ng hagdanan na kailangang baybayin para makarating sa entrance ng prestiryosong eskwelahan na ito. Huminga ako ng malalim at lumingon sa paligid. Lahat sila ay bumababa ng sasakyan at pinagbubuksan ng mga drivers. Shit, hindi talaga ako bagay dito. Hindi ko alam ano ang pumasok sa kukote ko ng humingi ako ng scholarship grant sa school na ito. Tumingin ako sa suot kong plain white shirt at denim pants. Isang simpleng rubber shoes lang ang suot ko na iniregalo ng Mama ko sa akin last Christmas. Hindi sya luma pero alam kong out of style na ito.

"Excuse me, Miss." Isang malalim na boses ang gumising sa lutang kong diwa. "Sorry po." Agad akong tumabi ng nakita kong tatlong itim at naglalakihang sasakyan ang nagpark sa harap ng school. Mula sa unang sasakyan ay may lumabas na tatlong lalaki, isang may bitbit na payong at dalawang naka shades. Bakit sila naka suit? 

"Ayan na ata si Trisha."

"Si Trisha yan. Alam mo naman yuon e."

"Yaman talaga, ano?" 

Pinagbuksan ng lalaking may payong ang gitnang kotse. Ang dalawang lalaki naman ay nakatayo sa magkabilang parte ng pintuan. Mula sa nakabukas na pintuan ay bumaba ang isang maganda, makinis at mayaman na babae. Ang suot niyaay sumisigaw ng karangyaan. Pinayungan agad sya ng isang lalaki at agad may lumabas galing sa likod nya. Maid. Naka uniform pa talaga ano? Inabot sakanya ang bag nya at tumango sya at may sinenyas. Dahan dahan syang naglakad na parang inaangkin ang buong school. Grabe, ang ganda nya. Sobra.

"Are you blind or something?" Natulala ako ng nag materialize sya sa harapan ko. Shit! Shanaiah Miracle, kinakausap ka nya! "S-sorry." Halos mag bow pa ako ng patakbo akong pumunta sa pinakagilid ng hagdan atumakyat. Tumaas ang kilay nya at umirap. Haaaay! Mga mayayaman nga naman talaga.

Pumasok na din ako sa school ko dahil alam kong late na ako ng 5 minutes.

"Sorry Sir, I'm late." Dahan dahan akong nag bow at pumasok sa first class ko. Lumingon ang nasa 40's na lalaki sa akin at ibinaba ang pentel. "Who are you and why are you late?" Malas naman o! Papagalitan ba ako? "Ah sir, I'm Shanaia-" pinutol ako ng muling pagbubukas ng pintuan. Tumingin ang lahat sa kakapasok lang at kitang kita ko ang pagkinang ng mata ng mga babae at pagseseryoso ng mukha ng mga lalaki. Bakit? Ano yun?

"Mr. Jeon, you're late." Matigas na ingles ang ginamit ng teacher ngayon. Tila galit na galit sya sa pumasok. "I know." Umupo ang lalaki sa bandang likod, hindi ko sya makita dahil halos lahat ng babae ay napatayo habang naglalakad sya. Bakit? Hindi ko nga sya makita pero amoy na amoy ko ang pabango nya na agad kumalat sa air conditiones classroom. "You may sit down too, Miss..." umere ang sentence na binubuo ng professor. Alam ko, hindi niya alam ang pangalan ko. "Shanaiah Miracle Cruz po." Mahina ang tinig ko dahil lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin. Tumango ang professor at umupo ako sa likod, iyon lang kasi ang may space. Tatlong silya mula sa 'Mr. Jeon' kanina.

"Today, we'll discuss article I of the Philippine Constitution, as we all know, it's already 2nd week of the academic semester so I'm expecting that..." dumaldal ng dumaldal ang instructor namin at wala akong nagawa kundi mag take ng notes at umintindi sa sinasabi nya. Gusto kong magaral, ng mabuti.

"He's really damn perfect."

"Yep. I heard he is the University's top student. Flat one. Kahit yung biology at trigo."

"Let's go to core later, andun yan for sure. It's Marie's party."

"Not sure. Di naman sila close nung Marie e." 

Napailing ako sa usap usapan ng mga babae. Anong meron sa lalaking iyon ba? Oo, naging busy ako sa pag sort ng notes ko kaya di ko namalayan na tapos na ang klase at tanging mga chismosa na nagaayos na lang ang natira dito!

"Sha!"Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Akisha. "Uy." Isa siya sa mayamang kaibigan ko. Hindi naman kasi ako mayaman. Si Mama ay nagtratrabaho lang sa maliit na kompanya bilang clerk... si Papa? Ah, wag na natin syang pag usapan. "Did you saw him?!" Umiling ako. Sino? "What iling? You mean no?! Galing sya sa room mo!" Umirap sya at nag cross arms. Huh? Anong sinasabi neto? "Sino ba?" Nagtanong na ako at tumingin sa paligid. "Josseff Jeon. The star player of soccer, badminton at basketball, even swimming and University's top student!" Jeon? Sya nanaman? "Hindi, sorry." Nagkwento lang sya ng nagkwento tungkol sa lalaking iyon, sa kwento nya naman ay parang Diyos ito at napaka gwapo. Sus, hindi ba sya nasanay kay Jin at kay Jimin? Ang mag kuyang iyon, yun ang perpekto at gwapo. Magkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na kami sa isat isa dahil may next class pa.

Bumili muna ako ng mineral water dahil... iyon lang ang kaya ng pera ko. Lintek! May tubig bang 50?! Ano yan, may ginto?! Nakakainis, kung hindi lang ako inuuhaw ay hindi ako bibili nito. Bukas, magbabaon na akong tubig ko.

"What the-" nalaglag ang panga ko ng may nabuhusan ako ng iniinom kong tubig. Hala, bakit ang malas malas ko naman?! Kakalipat ko lang o! "S-sorry po." Kinuha ko yung panyo ko at agad agad na pinunasan ang puting long sleeve ng lalaking natapunan ko. "Stop." Tumigil ako sa lamig ng boses nya. Dahan dahan kong inangat ang paningin ko. Ang tangkad naman neto? Ngunit hindi ko pa sya nakikita ay nagwalk out na sya.

"Fuck, my day is ruined." Matigas na ingles ang ginamit nya, sa amoy palang ng pabango nya ay nakilala ko sya. Si 'Mr. Jeon'. Shit, kahit nakatalikod ito ay gwapo nga. At ano yun? Sinira ko ang araw nya!

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon