You're so tricky

23 0 0
                                    


Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko at tahip tahip ang kaba ko habang hinaharap ko si Kade. Ngumisi ako at may tumulong luha sa aking mata. I never felt this special before. Hindi ko matandaan ang huling selebrasyon ko ng birthday ko. 10 years ago na ba? O mahigit pa? Ngumisi rin siya at humakbang sa akin ng isa. Inilahad nya sa akin ang ang aking kamay at agaran kong inilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kanya. Hinila niya ako ng bahagya kaya nasubsob ako sakanyang dibdib. "Do you like it?" Suminghap ako at tuluyan siyang niyakap. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking luha. Humigpit pa lalo ang yakap ko sakanya. 

Ilang minuto kaming ganon bago kami kumain at byumahe pabalik ng Manila. Halos alas dos na ng madaling araw ng nakauwi ako. Tulog na si mama kaya ipinagsabukas ko nalang ang pagpapaliwanag. Inayos ko rin iyong mga regalo ni Kade. Agarn ko siyang tinext ng nakauwi na ako. Thank you so much! Ngayon lang ako na sorpresa ng ganito. Ilang minuto na ang nakaraan at hindi parin sya nagrereply. Nagpasya na akong matutulog na kaya't nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Nakita ko ang pangalan niya sa screen.

"H-hello?" Medyo nanginginig pa ang boses ko at kinagat ang aking labi. Natutuwa ako. Hindi ko alam kung para saan. Umiling ako ng isa ng narinig ko ang buntong hininga nya. "I miss you." Narinig ko pa ang pag ubo niya sa kabilang linya na para bang hindi siya sanay na ginagawa at sinasabi niya ito. Pinamulahan ako at umikot sa aking kama sabay hablot ng teddy bear na bigay nya. "Kakakita lang natin, ah?" Maliit ang boses ko ng sinabi ko ito. Tumawa siya ng bahagya at narinig ko ang pagtayo niya. "You won't even say it back, would you?" Niyakap ko ang teddy bear at tumawa na rin. "Asan ka?" Tanong ko. "Balcony. I just saw you but two hours makes it feels like days." Now I can hear frustration in his voice. Kinagat ko ang labi ko at lalong niyakap ang teddy bear. "Papasok ka ba bukas?" Hindi ko alam kung bakit para kong iniiba ang topic at idina divert sa iba ang atensyon nya. "Would you want to see me, Miss?" Tumango ako ng tila nakikita niya ngunit dahil sa pagod ay humikab ako. "Right. You have an early class. You wanna sleep right now?" I kept my lips in a straight line. Hindi ko ata alam ano ang uunahin ko ang antok ko o ang tuwa na kausap ko siya. "Ha? A-ah... Oo. Good night, Kade." Tumango ako ng isa at huminga ng malalim. Narinig ko ang singhap nya. "Good night, my Miracle. Sweet dreams. Put the phone down now." Ngumiti ako at dinugtungan siya. "I missed you too. Have a nice dream." Kinagat ko ang labi ko at tumili pagkatapos kong ibaba ang telepono! Hay! Buhay! 

Busy ako ng sumunod na araw at saglit ko lang nakita si Kade. Mukha rin siyang busy at bihis na bihis para lang pumasok sa eskwelahan. Naka full white tuxedo siya at maraming sumusunod sakanya. Luminga linga lahat ng babae at mayroon pang nagtangkang lapitan siya ngunit hinarangan ng kanyang mga body gurads. May hinahanap siya sa kabuuan ng field at ng nakita niya ako ay tyaka lang nakapag pahinga ang kanyang mga mata. Saglit siyang ngumisi at itinoon ang pansin sa cellphone. Nakatanggap ako ng isang text na ikinabigla ko.

From: Kade Jeon

You already see me right? I would love to talk to you but I got meetings. Text?

Tumango ako at tinignan siyang sumulyap sakin bago siya sinundo ng isa pang lalaking naka suit. Umalis sila ng eskwelahan at agad kong nireplyan ang text ni Kade. Buong maghapon, kahit nasa klase ay magkatext lang kaming dalawa. Hindi naman ako nalulutang at nagagawa ko lahat ng aking school requirements. Tapos na ang huling klase ko at hindi pa rin nagrereply si Kade, itinanong niya anong oras ang uwian ko, e. Baka busy iyon. Kanina ay naka attend na siya ng tatlong meeting habang katext ako. Sabi niya pa pagod na pagod na siya. "I want home." Iyon ang isang text niya na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin... Maaaring ang bahay nila ang tinutukoy niya o isang tao. Binitbit ko ang bag ko at naglakad palabas ng classroom. 

Laglag ang panga ko at halos mabingi ako sa tilian ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng aming klase. Nakasandal siya sa dingding, ang isang kamay ay nakapamulsa at ang isa'y may dalang isang bouquet na rosas.  Umiling ako at halos pagkaguluhan na siya ng mga babae. Medyo natatawa ako dahil ng nakita niya ako ay kumindat siya at umayos ng tayo ngunit dahil sa dami ng tao ay hindi siya makalapit sa akin. "Excuse me." isang matigas na ingles ang nagpahawi sa mga tao. Kinagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Nagbubulungan ang mga babae at ang iba ay humahagikgik. May nahimatay pa dahil may girlfriend na daw ang prinsipe nila! Hindi ko na talaga alam. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko at pakiramdam ko ay lalabas na ito sa ribs ko! bwisit! Ano ba naman itong pakulo niya! 

Nakita ko sila Nikolla at ngumisi lang sila sakin. Si Joanna naman ay tumango lang at hinigit paalis ang aming kaibigan. "Hey." tawag ni Kade sa akin at sabay lahad ng rosas na mukhang mamahalin. Right, we're talking about a living bank here. "K-kade... Thank you." Sabi ko sabay kuha sa rosas sa kamay niya. Hinigit nya ako paalis sa kumpol ng mga tao at natawa ako. Anong nangyari dun? Bakit ganon? Parang lumulutang ang mga paa ko. Wala akong nagawa kundi magpahila sakanya... syempre sasama ako sa isang 'to!

"I've been wondering... on how it feels to have you in public, in school, in malls, in cinemas... everywhere." Sabi niya sabay bukas sa pintuan ng kanyang Cayenne na kulay pula. Ibang sasakyan nanaman! Naamoy ko agad ang pamilyar na bango at nanginginig pa ang aking kamay sa pagsusuot ng seatbelt, kumakalabog pa rin ang dibdib ko. Ngayong dalawa nalang kami ay nakita kong casual na ang suot niya. Naka puti siyang tshirt, ripped jeans, at isang sapatos na may malaking tsek sa gilid. Lumunok ako. Bakit ang gwapo niya pa rin? Ang daya naman e... "It feels surreal. Like you aren't really mine." Tumango siya at nilingon ako ng isang beses atsaka pinaandar ang sasakyan. 

Umubo ako at umayos ng upo. "Hindi naman talaga ako iyo." Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig. Agad kong tinuptop ang labi ko pero narinig ko ang halakhak niya. Eto yun, yung tawa niyang nakakatawa... nakaka hulog. Ang sarap niya talagang kasama. "You are." Ngayon ay tumaas na ang kilay ko at natawa na rin. "Hindi kita boyfriend." Matama ko itong sinabi sakanya at kinagat niya ang labi nya. Tamad siyang nagdadrive at pasulyap sulyap sakin. "Right. You're really dense." Ikinagulat ko iyon kaya napairap ako. "I'm courting you." Ngayon ay halos malaglag na ang panga ko. Umiling ako. Paano? "H-hindi naman... may mga babae ka! Ang dami noon! Ano yun? Lahat kami nililigawan mo?" Matabang na ang boses ko at halos kutusan ko ang sarili ko.

"I won't fetch you if I'm not owning you, Miss. And I did my efforts! Come on, we're not even friends Miracle. Wag mong saktan ang feelings ko." Habang sinasabi nya ito ay umaarte pa ang mukha niya. Tawa ako ng tawa! Siraulo, ang cute niya talaga. "Oo na, sige na!" nanlaki ang mata niya at nalaglag ang panga. Lumingon siya sakin. "W-what was that?" Medyo cracky pa ang boses nya at sobrang excited ng tunog. Tumaas nanaman ang kilay ko. "Y-you're saying yes?" Ako naman ngayon ang nalaglagan ng panga! Ay! Baliw nga ang isang to! Hinampas ko siya ng rosas na dala niya at narinig ko ang singhap niya. "Was that your way of showing love?" Umiling ako at bumuntong hininga. "Oo na sige na... Pinapayagan kitang manligaw! Tungaw na 'to!" Narinig ko ang dahan dahang tawa niya at mumunting mura. "Right. You hard headed girl." Umiling ako at ngumisi. 

Hindi ko alam kung dapat ganito ako kasaya. Ang isang tulad ko ay hindi dapat sumasama sa isang katulad niya. Sobrang yaman niya at lahat sakanya ang nagsusumigaw ng pera. Samantalang ako... halos mamatay na si Mama kakatrabaho para lang mabuhay kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko. "Let's go baby?" Marahan niyang sambit pagkatapos buksan ang pintuan. Ilegal siya, sa sobrang tikas, gwapo, talino, galing, at yaman ng isang to ay dapat hindi siya pinapatapak sa lupa! Ilegal siya kung gayon ay ilegal ang sayang nararamdaman ko para sakanya. Tumikhim siya ng isang beses at nag squat para magtama ang paningin namin. "You're scaring me. What are you thinking?" Tinagilid niya pa ang ulo niya na tila ba nahihirapan siyang basahina ko. Iniwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko tunaw na tunaw na ako ngayon. Hindi ko kayang aminin na natatakot ako! "Miracle." Narinig ko ang frustration sa boses niya , hinawakan niya ang baba ko at dahan dahan niyang iginiya ang mukha ko para magtama ang tingin namin. "It wasn't that fast right? It took me months to confess. Come on..." Ngayon ay hinawakan nya na ng marahan ang pisngi ko. Tumango ako at ngumisi. I realized that there are things we need to risks. Your fears won't take you anywhere. This would just hinder you and your happiness. It's better to cry for trying so hard than to regret all your life why you didn't even try. 

"Ako ang manlilibre." Nalaglagan siya ng panga sa sinabi ko at agarang umiling. "No! What the fuck?" Ngayon ay umirap na siya at tumayo. "Kade naman! Ikaw na nga sa gasolina oh! Para tipid, diba?" Napanganga siya saglit at sinamaan ako ng tingin. "Gasoline? Really? Damn, I'll purchase a gasoline station right now Shanaiah! I can even buy you this mall! And you'll tell me para tipid? What the hell Miracle? I'm not poor! Don't you insult me!" Natawa ako sa reaksyon niya dahil para siyang batang nagmamaktol. namumula ang kanyang tenga. Umilaw ang light bulb sa ulo ko at hindi ko mapigilang mapangisi sa naisip ko. Alam ko papayag siya dito. Tinignan niya lang ako na parang naguguluhan kung bat ako tumawa. "Sige hindi ako sasama kung ikaw ang magbabayad." Ngayon ay lalo siyang nalaglagan ng panga. "Damn, girl! You're so tricky! I hate it sometimes!" Bulong bulong niya pagtapos tumango at sinipa pa ng isa ang gulong ng kotse niya. Kinagat ko ang labi ko at sinusulyapan siyang busangot ang mukha habang sumusunod sakin. I know Kade... Hayaan mo ako. Kasi kung hindi mo ako hahayaan ay baka hindi na talaga ako sumama sayo gawa ng konsensiya ko at pagdududa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon