As far as I am concerned

121 2 1
                                    

Tumahimik ang paligid sa huling sinabi ni Kade. Umiling lang si Trisha at ibinaba ang nakataas na kamay. Umiyak sya lalo at dinaluhan ng kanyang mga kaibigan. May iilang nagaabot kay Kade ng panyo pero lahat ito ay tinatanggihan nya. Nagulat ako ng nahawi ang buong crowd na nanonood sa mala teleseryeng eksena. "What is happening he-" Nalaglag ang panga ng Presidente ng school ng nakita nya si Kade na may chocolate sa katawan at pisngi. Naglakbay ang tingin nya sa mga basag na plato at tasa at baso, may nakataob pang lamesa. Pumalakpak sya at agad tumakbo ang dalawang tao sa likod nya. "Mr. Jeon, are you alright? Why? What happened?" Humakbang ang matandang babae ngunit agad lang nagsenyas si Kade ng stop.

Hinarap nya ang pulutong ng mga tao upang siguro ay pagalitan ngunit tumigil ang tingin sya sa babaeng umiiyak at gulo gulo ang buhok na may tumutulo pang sabaw ng kamatis. "Oh my God! Miss Trisha? Are you okay?" Narinig ng lahat ang sigaw ni Trisha at pagpadyak nya, lalo syang tinahan ng mga kasama at narealize ko na mukha akong tanga na walang ginagawa. Nakita ko ang panyo ko sa di kalayuan at agad ko itong nilapitan at pinulot. Nang makabalik ako sa pwesto ni Kade ay mag apat na lalaking naka suit ang dumalo sakanya. Inabutan sya ng mga tuwalya at kung ano ano pang pampaalis at pampalit sa damit nya. Nanlaki ang mata ko ng hinigit nya ang kamay ko. "I'm sorry. You okay?" Marahan ang tanong niya ng nilagay nya sa balikat ko ang tuwalya. Wala akong nagawa kundi tumango at inabot sakanya ang panyo ko na agad niyang tinanggap at pinang punas sa pisngi. Tahimik ang lahat pati ang paghikbi ni Trisha ay naputol.

"Josseff dude, si Trisha yung tinapunan mo." Isang lalaki ang sumabat at nilingon ko sila. May tuwalya na sa balikat si Trisha at mag nagpupunas na din ng buhok nya. "I want them in detention Ms. President." Sinabi iyon ng Trisha at agad akong nilagay ni Kade sakanyang likuran. Nagpa balik balik ang tingin ng President sa akin, kay Kade at kay Trisha. "What exactly happened Ms. Trisha?" Sinilip ko si Kade at kitang kita ko ang pag balik ng tingin nya sakin. "You don't need to know, I want them in detention!" Nagulat ako sa pagtaas ng tono ni Trisha sa president ng school. Tinignan ko si Kade at agad umangat ang labi nya. "I want her expelled. Seriously expelled. Not suspended." Ano?! Nilingon ko ng marahas si Kade at pinandilatan. Alam kong salbahe si Trisha ngunit tingin ko ay sobra na iyon. At anong karapatan nya na hilingin iyon?

"Mr. Jeon..." Tumingin si Kade ng seryoso sa president at pinadaanan ko ng tingin si Trisha. Tulala sya at parang naga-analyze ng nangyayari. Ang titig ng mga babae sa akin ay kasing talim ng dila ng Trishang iyon, lahat naman halos ng kaibigan ni Trisha ay pinasadahan din ng tingin ni Kade. Nalaglag ang panga ko ng dahan dahang tumango ang Presidente. Pumayag sya! Sinunod nya si Kade! "You can't. We're a stockholder." Tumapang lalo ang ekspresyon na pinapakita ni Trisha, umangat ang labi nya at nag ngiting tagumpay kalaunan. "I just bought the whole school..." Pinasa ere ni Kade ang pangungusap nya. "That's why I'm late from your stunt because I had just signed the contract." Nalaglag ang panga ni Trisha at kitang kita ko ang pamumutla ng ilan sa mga kaibigan nya. "No. Why would a Jeon be interested in education?" Tumawa ng mapakla si Kade. Anong nangyayari? Naguguluhan ako. "I don't need explanation for spending my money Trisha. You're expelled. Yes, fresh announced, from the new President."

Lumipas ang ilang linggo at tama si Kade. Wala si Trisha. Masama pa rin ang tingin ng mga babae sakin at wala ng kumakausap sa akin. Nakapag lunch na din kami ni Johanna ng ilang beses. Napagtanto ko sa pangyayaring iyon na may kabaitang taglay si Kade. At eto ha, alam kong mayaman siya pero hindi ko alam na ganoon siya kayaman. I mean, mayaman na mayaman na mayaman! Kaya niya atang bilhin ang kahit ano. Kung tatanungin niyo anong nangyari pagkatapos ang kaguluhan ay wala. Oo, wala. Hinatak lang ako palayo ni Kade doon, naligo sya sa locker room at pinagantay ako sa kanyang sasakyan. Hinatid nya ako hanggang street ng bahay namin. Nagmamadali kasi sya dahil tumawag na yung office nya at 5pm na daw. Call time siguro nya ang 5pm no?

Kung dati ay maaga sya lagi sa klase ngayon ay lagi nanaman syang late. Hindi na sya sinisita ng professor at wala na syang pakialam kahit naglalaptop sya at gumagawa ng reports sa office habang nagtuturo ang teacher. Saan ka ba kasi nakakita na ang presidente ng school ay syang estudyante? Understood ko siguro yung anak ng presidente ngunit kung presidente mismo? Nako.

Sa araw na ito ay napagpasyahan kong bumili ng gatorade at tinapay. Hindi para sa akin ngunit para kay Kade na nagpra-practice sa covered court. Malayo pa lang sa pinto ng gym ay maririnig mo na ang tilian ng mga tao. Grabe, aaminin ko ha? Lahat ng varsity players ay gwapo. Pagkapasok ko ay nakita kong Third Quarter na ang laro. "Jeon for 3 points!" Halos mabingi ako at mapaupo ng naghiyawan ang mga tao. Tumayo ako malapit sa pintuan at pinanood sya. Di ako nagtataka kung bakit star player sya. Pag dribble pa lang bole ay alam mo ng magaling. Sunod sunod na tira ang napasok nya hanggang matapos ang Third Quarter. Napapahiyaw na din ako tuwing nakaka shoot sya.

Sa fourth quarter ay pansin kong nage-easy shot na lang sya pero lahat ay pasok pa din. Ilang minuto nalang ang natitira at trip ata sya ng Team Captain dahil todo ang bantay sakanya. Sinubukan nyang dumakdak ngunit kitang kita ko ng tumalon kasabay nya angTeam Captain at tinulak sya. "Kade!" Hindi ko na napigilan ang pag sigaw ko. Marami rin ang sumigaw ng pangalan nyang 'Josseff' kaya takang taka ako kung paano nya nahanap ang kinalalagyan ko. Hindi ko alam kung lalapit ako o ano pero nag time out sya. Agad syang tumayo at nag jog palabas ng court, may iilang medics ang sumunod sakanya. Kitang kita ko na pinapagalitan iyong Team Captain nila. Lumapit ang mga babae sakanya na may dala dalang mga inumin. Agad kong tinago ang akin dahil sinisilip nya ako. Kita ko ang mabilisang paghawi nya sakanila at paglalakad patungo sakin.

"You watched?" Hinihingal pa sya at tumatagaktak ang pawis habang nagtatanong. Amon na amoy ko pa rin ang pabango nya na agad nagpabilis ng takbo ng puso ko. Hindi ko alam pero masaya ako, dahil ako ang unang nyang pnuntahan matapos ang laro nila. Inilagay nya ang dalawang kamay sa kanyang tuhod at yumuko. Pinatungan ng isang medic ng tuwalya ang kanyang ulo at agad nya itong tinanggal. Tinignan ko ang mga babae na nanonood samin at hindi ko napigilang kumunot ang noo. Naiinis ako talaga sa mga babae na lapit ng lapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Tumango ako para sagutin ang tanong nya ngunit halos hindi ko maalis ang tingin ko sa mga babaeng nanonood sakanya habang hinihingal at nakikipagusap sa akin. Naiinis talaga ako! Punyeta. "That's it. So it's the reason I felt like my heart is going crazy." Pabulong ito kaya medyo hindi ko naintindihan. Crazy? Sino? Ako? "Oh eto." Inabot ko sakanya ang isang tuwalya na may "Shanaiah Miracle" binasa nya ang nakalagay sa tuwalya kaya namula ako. Pinamunas nya ito ng kanyang pawis. "Sorry sa towel. Inom ka?" Binuksan ko ang gatorade bago inabot sakanya. Tumango sya at ininom ito at inubos. Tinakpan nya ang bote at hinawakan. Ngumiti sya sakin. Ngiti talaga. Hindi medyo at hindi ngisi. Ngiti. Halos mahimatay ako sa kagwapuhan ng lalaking to. "Thank you token ko." Tumango sya at hinatak ako palabas. "Kidnap nanaman?!" Medyo natatawa ako ng tinanong ko sya nito. Tumawa din sya ng bahagya. "As far as I am concerned, you are mine."

Eto ba yun? Ganito ba yung feeling na sinasabi ni Johanna? Na parang si Kade lang ang nakikita at naririnig mo? Kasi kung oo, ayokong mawala ito. Tangina, ang sarap sa pakiramdam.

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon