Not my girl

112 2 0
                                    

"Ma! Alis na po ako." Sabi ko at sinuot ang isang flat shoes. Ngayon, naka tattered pants ako at vneck shirt. "Oh, heto ang baunan mo." Ngumiti ako sakanya ng nakita kong nakasimangot sya sa pag abot sa akin nito. "Bakit pa kasi magbabaon ka? 150 na ang baon mo ah?" Sabi nya at inabot ang bag ko. "Ang 150 ay tatlong bote na tubig Ma. Please, hayaan mo na. Hindi na lang ako sa cafeteria kakain." Hinalikan ko siya sa pisngi at dali daling pumara ng jeep papuntang school.

"Today is a special day." Anunsyo ng teacher ko sa Literature, favorite subject. All smile ako samantalang nag irapan karamihan sa mga kaklase ko. "You'll work pair by pairs." Tumango ako pero yumuko din kalaunan. Wala nga pala akong kaibigan. "Everyone pick your partner." Napabuntong hininga ako at lumingon lingon. Lahat sila may kaparehas na. Okay lang ba mag isa? Kaya ko naman siguro. "Sorry, late." Malamig ngunit tila musika galing sa langit ang boses ng nagsalita. Dali dali siyang umupo sa tabi ko dahil iyon lang ang natatanging espasyo. "What do we have here?" Sabay ayos nya sa kanyang black leather bag. "U-uh, may ipapa research ata si Sir, per pair daw." Tumango sya at naglabas ng 1/4 na yellow paper. May sinulat sya at inabot nya sa akin ang papel."Write yours."

Josseff Kade M. Jeon. Kade... kade. Malinaw at parang munting bata ang nagsulat nito. Tinignan ko sya at hindi ko napigilang humanga kung gaano kagandang lalaki siya. Yung panga nya, ilong, labi, pilik mata. Leche, mas maputi at makinis pa sya sakin. Ngumisi ako ng may napagtanto. "Gusto mo akong kapareha?" Ayokong mag assume pero hindi bat ganon na rin iyon? Binigyan niya ako ng papel at pinapasulat nya ang pangalan ko. Tumingin sya sa akin at tumaas ang kilay nya. "I don't have choice." Lalo akong ngumisi. "Sus, deny pa e. Okay lang. Wala din akong ka partner." Sabi ko at sinulat na ang full name ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko."No, miss... Shanaiah..." saglit syang natigilan at binasang mabuti ang pangalan ko. Shanaiah Miracle S. Cruz. "The students in every class is equal. If I won't pair with you, I won't have one." Napakagat labi ako at napakamot sa ulo. Punyeta, nakakahiya. Tama siya dun e. Tsk.

"Jeon-Cruz." Lahat ng kaklase namin ay tumingin sa amin. "Work on Venus and Adonis." Ni jot down ko ang sinabi nya at sumulyap sa partner ko. Kinakalikot nya ang cellphone nya. Nakuha niya naman kaya? Ay, kung hindi bahala sya. "I expect the reports on Thursday." What?! Sa isang araw na ang Thursday. Baliw ba tong prof ko? Ni hindi ko pa nababasa yun e! "Dismiss." Umiling ako at sinulat sa notepad ko na kailangan ko maghanap at basahin ang kopya nun. "Ah, ano... Kade." Mahinang mahina ang boses ko dahil nahihiya ako. Lumingon sya at kitang kita ko ang mga babaeng nagaantay sakanya sa pinto. "Kasi ano, sa isang araw na yung report. Baka pwede ngayon tayo gumawa?" Tinanong ko ito at kinurot ang tagiliran ko. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako at nanliliit habang kausap sya. Nakapag pulbo ba ako? Nakaka concious naman to tumingin. "Okay." Sabi nya at kinuha ang bag nya. Nag umpisa syangmaglakad kaya sinundan ko. "What? I'll eat my lunch and you eat yours. Let's meet somewhere after lunch." Sabi niya habang kitang kita ko na naiirita sya. "S-sorry, sa field na lang." Umalis na ako doon dahil kitang kita ko na ang daggers na nanggagaling sa mga babae nya.

Tangina ah? Bakit ang sungit ng isang yun? Patay na patay sila dun? Okay, klaro at walang duda gwapo nga at mukha talagang matalino at napakabango ng isang yun pero ang sama naman ng ugali e! Umupo ako sa bench sa field, yung nasisilungan ng isang malaking puno ng Mangga. Nilabas ko yung baon kong pagkain at tubig. "Wah! Ang sarap." Di ko mapigilan ang pagtawa ko habang binubuksan ang ulam. Bicol Express! Nasa ikaliamg subo siguro ako ng may narinig akong paglapag ng bag sa tabi ko. Si Kade. "Teka, saglit ha? Kakain lang ako." Naktingin sya sa akin na parang ang weird ko naman daw. "Bakit?" Tanong ko at uminom ng tubig. Yung mukha nya ay parang diring diri. "What is that?" Turo nya sa baunan ko. "Lunch box na may lamang kanin at Bicol Express. Gusto mo?" He cringe his nose at umiling. Shit, ang cute. 

"Masarap kaya. Siguro di ka kumakain ng ganto no?" Tumingin sya sa soccer field at tumango. "E adobo?" Umiling sya. Hala, ano kinakain nito. "Skirt steak? Lasagna? Caviar?" Tumango sya. "You eat those too?" Tanong nya habang nakatingin sa mga nag so-soccer. "Hindi. Yung lasagna lang pag birthday. Hehe. Ano, nabasa ko lang..." Sumulyap sya sakin at tumango. "Goal, Marfori." Pagkasabi nya nun ang may nakasipa nga papuntang goal. "Ay! Ang galing." Sabi ko at inayos na yung baunan ko. "Gusto mo soccer? Edi maglaro ka!" Sabi ko at nilabas na yung notebook ko. "If not for you, I am probably playing right now." Sabi nya at tumaas ang kilay ko. "Bakit? Sasali ka? Alam ko varsity yan e. Tsaka yung Marfori diba nabalita sya sa TV parang international ata sya?" Tumango sya. "I am a varsity. Anyway, let's start. Here's the copy." Nilabas nya yung phone nya at nagtype doon at may pinakita syang pdf sakin. "Read." Kumuha sya ng papel at nagsimulang maglista ng kung ano ano.

"Kaantok." Sabi ko sa kalagitnaan. Alas tres na pala? Sinilip ko sya at kitang kita ko na nagbabasa din sya sa ipad nya at nagjojotdown ng lines. Ako din naman, kaso yun nga lang ang dami ng kanya. "I'll leave at five. You do... double time." Tumango ako pero tinignan ko sya. Umihip yung hangin at tinangay nito ang amoy ng pabango niya. Pucha, bakit ganon? Napapikit ako sa bango at inilapit ko yung mukha ko sa bandang damit nya. "What the fuck?" Nagulantang ang pangaamoy ko sakanya ng nagmura sya. Shit, anong ginawa mo Ainah?! Nakakahiya ka! "Sorry. Uy, sorry. Ang..." Pumikit sya at tumingala. Ng dumilat ulit sya ay halos malaglag ako sa seryosong tingin nya. "...bango mo kasi e." Suminghap sya at umiling. "Unbelievable." Sabi nya at tinignan ako ng mata sa mata. Kumabog ang dibdib ko. Ngayon alam ko na, kung bakit maraming baliw sa kanya.

Kanina pa ako dumadaldal pero sya kakaonti lang ang sinasabi. Hindi sya palangiti at tagos sa kaluluwa kung titignan ka nya. Nakakabaliw nga ang isang ito. Mukha pa lang at amoy niya ay mababaliw ka na. Kung magsalit pa sya? Nako, yari talaga. "Sorry ha? Sorry talaga." Sabi ko at nagbasa ulit. Punyeta, nahihiya ako pero hindi pwedeng di matapos ito. Tumingin ako sakanya at kitang kita ko ang titig ng mata nya sa akin. Nakakalasing. parang may kung ano sa tiyan ko na nagwawala. Kulisap? Butterfly? Dragon? Ano ito? Nakikiliti ako sa bawat segundong lumilipas. Uminit ang pisngi ko. Puta, sa puti kong ito ay malamang mukha na akong kamatis. "I'll go now. Finish this work, if not email me." Tumayo sya at kinuha ang ipad nya. Hindi ko alam kung hahabulin ko sya dahil iniwanan nya ang cp nya o iintindihin ko ang sarili ko dahil hinang hina ang mga tuhod ko...

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon