If it was for you

72 0 0
                                    

Pero mali e. Parang... ang bilis? Huminto ako sa pagsunod sa paglalakad nya kahit na naka hawak sa sa palapulsuhan ko. Napahinto rin sya at agad kong nakita ang nakakunot niyang noo pagka harap nya sakin. "What?" Alam kong masungit talaga sya kaya sanay na ako sa mga linya nya. "Kasi ano..." hindi ko masabi. Nahihiya ako. Ano ba kasi kami? Friends? Ni hindi naman ata ah? Shit, classmates? Groupmates? "What? Damn, it's really hot." Napasinghap nalang ako at napatalikod ng bigla niyang hinubad ang jersey nya. Narinig ko ang marahang tawa nya kasabay ng paghalimuyak ng kanyang pabango. "Hold this for me, please." Nakita ko sa tagiliran nya ang kanyang jersey. Basa. Basang basa. Shit, ang sarap... amuyin.


"I'm good." Tumango ako at humarap sakanya ngayon ay nagpupunas sya ng iilang pawis at may suot na syang vneck na white shirt. Shit, I love him in white! "What is it again?" Humakbang sya ng isa sa akin at agad kumalabog ang dibdib ko. Please, hold on a little longer heart. We need this clarification, okay? "Ano ba tayo?" Katahimikan. Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. May nagdaan pang iilang estudyante at kinuha na ang kanilang sasakyan dito sa parking. Tinagilid niya ang ulo niya kalaunan. Ano? Hindi rin sya makasagot. Lalandi landiin nya ako at ipahuhulog tapos eto? Heart breaker nga sya! I should have known better. "Mali . Sige, eto nalang..." I rerephrase ko ang question ko para naman kahit papaano ay hindi nakaka pressure. Baka isipin nya nag dedemand ako ng sobra. Humakbang ulit sya at ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng mga demonyitang kulisap sa aking tiyan. Nakikiliti ako. Ang mga titig nya ay tagos at ang kanyang expressive na mata ay lalong dumilim. Dahan dahan nyang pinadusdos ang kanyang kamay sa aking bewang sabay hapit sa akin palapit. "Ano ako sayo?" Kahit na hinang hina ako sa kanyang ipinapakita ay buong buo ang boses ko. Ayoko sa magulo, pwede ba.


"We are not kids anymore." Iyon ang nasabi nya kaya tumango ako. Tama sya. Hindi na kami bata. I'm 18 and he is 18. Well, I just turned one. "I don't play." Medyo napaatras ako mula sa pagkakayakap namin at natawa. Oh yeah? Hindi na daw sya naglalaro. "What?" Tumaas ang kilay nya pero lalo akong natawa. Nako, Kade. Wag ako. "Ah okay, the girls." Tumango ako ulit at yumuko. Ineeksamin ang lahat ng pwedeng maeksamin sa malinis na lapag ng parking. "You are..." Napaangat ako ng tingin ng higitin nya ako ulit palapit sakanya. Tama na, hindi na ata kaya ng puso ko e. "Jealous and scared? I have never been committed Naiah. And until I met you I believe I would never be. But you are my game changer, baby." Nalaglagan ako saglit ng panga sa sinabi nya. Baby...


"Dude." Isang boses ng lalaki ang nagpabalikwas sakin. Narinig ko naman ang mumunting mura ni Kade. "Yeah?" Pasinghal sya kung magsalita kaya agad ko syang binalingan. Hiyang hiya na nga ako ay dadagdagan niya pa. "Sama ka? After party." Napangiwi ako. Insitorbo nya kami dahil dun? Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Kade kaya agad na din akong humarap. Nanlaki pa ang mata ko ng makitang ito iyong lalaki sa soccer field. Iyong magaling. Marfori. Tinignan niya nanaman ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nanliit ako sa sarili ko. "Since when did I care about winning?" Humakbang ng isa si Kade kaya agad akong nagpapansin sakanya. Iba ang tensyon e. "Sasama ka ba? Alis na tayo?" Ngumiti ako ng malapad. Oo, nakakahiya man aminin pero nagpapa cute ako. Nanliit ang mata nya sa akin at dahan dahang kinagat ang labi. Parang nagpipigil ng ngisi. "Aryt, baby." Inakbayan nya ako at tinapunan ng tingin si Marfori. Hindi na ako lumingon. I don't think I need to.


"Where do you wanna go?" Hindi ko alam pero tulala ako sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko kasi ay may mali sa tingin ng Marfor na iyon. "Ah Kade..." napatingin ako sakanya at kumunot ang noo niya. "I don't like your look." Umiling ako at medyo natawa. "Ipark mo diyan." Tinuro ko yung gildi ng Plaza Morga. "What? Here?" Tumango ako at lalong ngumisi. Sumunod naman sya pero hindi sya lumabas kahit naka park na kami. "Ano? Baba na!" Tinignan nya lang ako ng naguguluhang tingin kaya lumabas na ako. Pinagbuksan ko din sya ng kanyang pinto. "Tara!" hinigit ko sya pagkatapos niyang mapatunog ang alarm ng kanyang sasakyan. Iba ito ngayon, ngunit ganun pa rin kabango. "Are we really going to stay here?" Nilingon ko sya at huminto ako sa harap nya. "Ayaw mo ba?" Nakatingin lang sya sakin at ginala ang tingin sa paligid. Maingay, maraming bata, madaming magkasintahan at mausok. "Buti pala naka Beetle ka lang ngayon. Hehe." Lalo pang kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Basta, libre ko kasi nga diba thank you token? Lika na!" Hinila ko sya sa kamay at una kaming pumunta sa mga inihaw. Umorder ako ng bbq, isa ng baboy at manok, adidas at dugo. "Oh, tikman mo." Medyo nalaglag pa ang panga nya tsaka bayolenteng umiling.


"Wag kang pa rich kid ha? Masarap to!" Alam kong Rich Kid talaga sya pero live a little naman po. "Eto. Isaw ang tawag dito." Sinawsaw ko pa sa suka at saka pilit na pinakagat sakanya. Hindi ko maipinta ang mukha nya pero kinain nya naman lahat ng isinusubo ko sakanya. Ayaw nya nga lang iyong adidas. Nakakdiri daw. Hahaha. "Kade! Eto oh." Bumili ako ng gulaman at pinainom sakanya. "What's this?" Uminom ako atsaka sumagot na gulaman nga. "Eto pa dali." Hinila ko sya sa mga chicharon at pinatikim ng kung ano ano. Last is yung kwek-kwek. "Sarap no?" Tanong ko habang nakatingin kami sa papalubog na araw. Kumakain netong 'orange ball'. "It's alright." Alam ko namang hindi ganito ang mga kinakain nya. "Thank you sa pagsama ha?" Tinignan ko sya at halos malusaw ako sa nakikita ko. Ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng parke at papalubog na araw ay gumuhit ng kakaibang ganda sa kanyang mukha. Ang mga mata nya ay nagsalamin ng kahel na kalangitan. "No. Thank you." Lumingon naman sya kaya nagkatinginan kaming dalawa. Kumalabog ng malakas ang puso ko. Pero para itong kinukurot. Alam ko, pagkatapos nito ay hindi nanaman kami maguusap. Ilang linggo? Ilang buwan? Walang nakakaalam.


"What is this place called?" Tanong niya habang nasa sasakyan na kami. "Plaza Morga." Agad syang tumango at medyo napangisi. "Do you wanna go home already?" Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na mag a-alas siyete na. "Ikaw?" Ayoko. Ayokong umuwi. Ayokong matapos yung araw. Ayokong mawala sya ngayon. Ilang linggo nanaman ang hihintayin ko bago ko maramdaman ito? "You don't wanna go home either? Good. Let's eat proper food." Tumango nalang ako. Wala ata akong lakas makipagtalo. "Kumakain ba ng mga yun?" Medyo natawa sya sa tanong ko kaya kumunot ang noo ko. "I don't even park my cars along cheap parks." Aray naman sa cheap parks ha? Oo, mayaman nga pala sya. Mayaman na mayaman na mayaman. "But if it was for you, I'll fuckin' do it."


AN: Sorry late update. New Fanfiction: FOR THE LOVE OF BANGTAN. OTPs dyan. Namely, TaeKook x YoonMin x NamJin and a little bit of VHope

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon