Hi there

48 3 0
                                    

Syempre, katulad ng dati ay nagkatotoo nga ang hinala ko. Tatlong buwan. Oo, tatlong buwan na kaming hindi nagpapansinan. Pagkatapos ng dinner namin sa Almon Marina at pagte-take out nya para sa aking pamilya na pinagawayan pa naming dalawa ay hinatid niya ulit ako sa street namin. Hanggang dun lang ulit, dahil masikip at nakakahiya kung ipapasok nya ang kanyang mamahaling sasakyan sa kakarampot na daan patungong bahay. Nakikini kinita ko sya sa school. Ngayon ay wala ng kasamang babae. Naglalakad magisa, madalas nakapamulsa at nakikinig sa ipod nya o minsan ay natyetyempuhan ko syang nakikipaglaro kay Marfori ng soccer. Dalawang beses lang iyong nangyari, at hindi ko alam kung mauulit pa. Paminsan na lang din sya pumasok sa mga subjects na magkapareha kami. Ang rinig ko, pabalik balik sya sa labas ng bansa dahil na rin sa kanilang negosyo. June ng nakilala ko sya, kalagitnaan na ng October at bukas na ang birthday ko. Alam niya kaya? Ano kung hindi niya alam Shang? Hindi rin naman mahalaga. Ngumisi ako ng nakita ko si Johanna at Nikolla sa pintuan. Si Nikolla, kagaya ko ay transferee. Iyon lang, may kaya ang kanyang pamilya at hindi siya isang scholar katulad ko.

"Saan tayo?" Tanong ko habang inaayos ang nagulong ponytail ng buhok ko. Narinig ko ang singhap ni Nikolla at agad akong lumingon upang makita ang naglalakad na Kade, naka puting button down shirt at bukas ang unang dalawng butones habang ang coat ay nakasabit sa kanyang likod at inaalalayan ng isang kamay, magulo ang ayos ng kanyang buhok at inaalon ito ng umiihip na hangin. Para akong hindi makahinga. Parang lahat ng hangin ko ay napupunta at umiihip sa buhok nyang malayang nakakagalaw. Diretso ang lakad nya papunta sa amin. Papunta sa akin. Huminto sya ng bahagya ng nagtama ang aming mata. Kumalabog ang aking dibdib at nabuhay ang kulisap na tatlong buwan ko ng hindi nararamdaman. Para silang galit, nauuhaw sila sa atensyon ng lalaking naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. "Josseff..." Naunahan ako ni Johanna, natawag nya na si Kade bago ko pa mabanggit ang pangalan niya. Napadaan na sya at langhap na langhap ko ang parehas na amoy na sakanya ko lang natagpuan. Shit, amoy Kade. Nilingon nya ng bahagya si Johanna at kitang kita ko ang pagpula ng kanyang pisngi. Si Nikolla naman ay nalaglagan ng panga. Napairap ako dahil sa epekto niya sa aking mga kaibigan. 

"Tara na. Ginugutom ako." Nilakasan ko ang pagkakasabi nito upang magising sila sa pagpapatansya sa kay Kade. "Nikolla, Johanna." Tinawag ko pa sila bago nila pinalis ang tingin nila sa naglalakad ng palayong si Kade. "Ang gwapo!" Tumili si Nikolla at napailing ako sa rekasyon ni Johanna, nakatulala sya at tila maiiyak nanaman. "Tama na Johanna. Kalimutan mo na sya." Tumango sya ng isang beses bago ko siya hinila patungong field. Ngayon, pinagluto ko sila dahil wala naman kaming pasok bukas. "Hindi ko kayo malilibre kaya eto na lang ha? Atsaka dito tayo sa field kasi ang mahal sa cafeteria." Ngumiti ako ng bahagya at medyo nakipagkwentuhan na kay Nikolla. Tulala pa rin ang isa naming kasama kaya kinalabit na namin para kumain. Chicken Pesto, Cordon Bleu at Rolled Choco Cakes ang niluto at binake ko para sakanilang dalawa. Tuwang tuwa si Johanna sa pagkain dahil miss na miss nya daw ang lutong sinadya para sakanya. "Happy Birthday!" Sabay na bati nilang dalawa at pakita sa akin ng dalawang maliit na box. Ang kay Johanna ay may ribbon na pula at kay Nikolla ay may card na maliit na nakatupi at kumikinang. "Uy, ano ba? Sabi ko wag na kayo magabala." Medyo napailing ako habang natatawa. Sa bahay ko na ito bubuksan. Pagkatapos namin kumain ay hinatid ko na sila sa taxi bay.

Naglakad ako pauwi ng araw na iyon. Lagi naman. Napadaan din ako sa Plaza Morga kung kayat kumain na rin ako ng kung ano. Nakakamiss naman ito. Naghintay ako ng papalubog na araw atsaka umalis sa parke. Kinagabihan ay tinulungan ko lang si mama sa pagaayos ng bahay. Tuwing birthday ko ay wala masyadong nakakapansin maliban sa amin ni Mama. "Good night Ma. Katok ka bukas bago ka umalis." Tumango sya at hinalikan ako sa noo. "Good night Miracle, happy birthday." Ngumisi ako atsaka sinarado ang aking pinto. Bukas, pupunta akong library para magaral. Malapit na rin kasi ang finals. At gusto ko sanang mapataas ang Top 10 na record ko. Kung pwedeng pumasok sa ikalima ay gagawin ko. Syempre, ang nangunguna ay si Kade. Sino pa ba? University's Top Student nga diba? Huminga ako ng malalim pagkatapos magdasal. Sana, sana kahit paano ay maalala nya. Kahit imposible.

Kinabukasan ay nagising ako sa katok ni mama. Papasok na sya sa trabaho pero bago iyon ay may binigay syang sobre sa akin. Ayaw kong tanggapin dahil hindi ko naman kailangan ng extrang pera, kung hindi lang sa gusto ko siyang pagbigyan ay hindi ko na sana tatanggapin. Limang libo ang laman ng sobre. Agad kong iniwan ang apat at hinulog sa aking alkansya. Sinilip ko ang relo at nakita kong 10:00 na ng umaga. Chineck ko ang phone ko na isang linggo ko na atang hindi nabubuksan. May isang mensahe doon mula sa hindi naka register na number at ang iba ay galing sa aking mga tiya at tiyuhin. May isang galing kay Mama.

"Hi there." Binasa ko ang laman ng message at napairap ako pero masaya naman. Hindi ko alam kung bakit nanangati ang kamay ko para replyan ang mensahe. Kinakabahan ako at nangingiti. "Sino to?" Iyon lang ang inereply ko. Naligo ako kalaunan at nagbihis ng tshirt, ripped pants at favorite vans shoes. Nilock ko ang bahay at nagiwan ng sticky note bago umalis. Pumunta ako sa school at dumiretso sa library. Gagawin ko iyong mga assignments at pagkatapos ay kakain ako sa isang fastfood chain, tatambay sa Fort Santiago at bibili ng isang rubber shoes. Iyon ang plano. Nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.

From: +639051783751 

Come with me.

To: +639051783751

Baliw ka? Huwag ka ng magtext. Hindi kita kilala.

From: +639051783751

You didn't missed me? I missed you alot. Come on, I'm waiting outside the library door.

Dali dali akong lumingon sa buong library. Sa hamba ng pinto ay may nakasandal na Kade. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin at hawak ang cellphone. Ng nakita nya na nakita ko sya, umayos sya ng tayo at humalukipkip. Naglingunan ang mga babaeng busy kakagawa ng thesis. Kumalabog ang dibdib ko.

To: +639051783751

Anong meron?

From: +639051783751

Should I drag you out of there?

Umiling ako. Ayoko ng iskandalo. Sinikop ko ang mga notebook ko at nilagay sa backpack. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sakanya. Ilang hakbang nalang ay lalo ko pang niliitan ang mga hakbang na ginagawa ko. Hinuli nya ang kanang kamay ko at hinila papunta sakanya. Nanlaki ang mata ko ng pinadausdos nya ang kanyang kamay sa aking bewang. Ng magkaharap na kami ng husto ay tumingala ako sakanya. Ngumiti syang bahagya at kinurot ang dulo ng ilong ko na hindi naman katangusan. Namula ako sa ginawa nya at agad lumingon sa mga taong panay ang suri kung bakit magkasama kami ni Kade. "Let's go?" At saka nya ako hinila papuntang parking. Nakarating kami sa harap ng isang Chrysler na kulay itim at heavy tinted. Binuksan nya ang back  seat at nalaglag ang panga ko sa laman nito.

May isang hindi kalakihang teddy bear, paper bags ng mga boutiques, isang bouquet ng red and white roses at maliit na cake na naka box. "A-ano to?" Ngumisi si Kade at medyo natawa. "Uh, I don't know if you'll like this but I saw this on facebook..." Yumuko sya ng bahagya at nagkamot ng ulo. Shit, ang cute! "Kade naman? Para saan to?" Bumilis pa lalo ang takbo ng puso ko ng inangat nya ang paningin nya sa akin. Naginit ang gilid ng mata ko sa sayang nararamdaman. "Happy birthday baby girl." Sinabi niya ito habang dahan dahang binalot ang aking katawan ng kanyang yakap mula sa likod. Hinalikan nya ang tuktok ng aking ulo at napasinghap ako dahil tumulo na ang aking mga luha. "Spend the day with me." Binulong nya yun at kasabay ng pagihip ng kanyang hininga sa aking tenga, ay para ring hinihipan ang puso ko sa sayang nararamdaman.

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon