Try doing that

144 4 2
                                    

"Ano? At sino iyon? Kung sino man siya, ay nakakaawa siya. Kawawa ang babae na mamahalin o gugustuhin mo. Marami kang iba at hindi ka marunong makuntento. Only want to own one woman, Kade? Kaya ba kung makalandi ka sa ibang babae, wagas?" Saglit syang nalaglagan ng panga pero agad nagseryoso ang titig nya. Shit, yung tono ko ay tonong nagseselos. Mali ka ng iniisip Kade. I won't fall for you. Ever. Naramdaman ko ang hawak ni Johanna sa balikat ko. "Let's go Shanaiah." Maliit ang boses nya at ramdam na ramdam ko ang sakit ng makita niya ng ganto kalapit si Kade. Umatras ako ng onti ngunit hindi ko binitawan ang titigan namin. "Hindi Johanna e. Kota na 'to sakin. Ang hilig... manakit." Kumislap ang mata ng Johanna ng nilingon ko sya. Agad kong inangat ang tingin ko at nakita kong nakatingin si Kade sakanya.

"Tss." Iyon lang ang sinabi nya at umiling. "I told you right?" Ngayon ay bumuntong hininga si Kade at naramdaman ko ang paninigas ni Johanna sa tabi ko. "I don't like girls, like you." Nalaglag ang panga ko. Tangina, direkta iyon ah? Masakit iyon! "Hoy Kade, sino ka ba sa tingin mo at ang lakas ng loob mong manakit?" Tinulak ko sya ng bahagya kaya nagstay ang tingin nya sa parte ng polo niyang itim na hinawakan ko. Humakbang sya ng isa at tinagilid ang ulo. Umatras si Shanaiah dahil sa ginawa nya. Onting lapit nya pa sa akin at halos mahimatay ako sa bilis ng takbo ng puso ko. "You're using my perfume." Kung nakaupo lang siguro ako ay nalaglag na ako sa upuan. Kumalabog ang puso ko ng dahan dahan siyang lumayo sa akin. Umiling ako. "I'm sorry." Narinig ko ang pagsinghap ni Johanna sa likod ko. Gulat na gulat siguro sya at nag sorry itong si Kade. Nilingon ko sya ng onti at nginitian. Ngumiti rin sya ng bahagya ngunit bakas sa mata nya ang luha.

"Not because I've hurt her but because I need to go. Talk to you soon, Miss." Umalis siya ng parang walang sinabi at kinabit ang earphone sa kabilang tenga. Ano?! Shit, lalong namuo ang luha sa mata ni Johanna at napaupo sa gitna ng corridor. Humagulgol ulit sya habang umiiling. I feel so guilty. "Sorry Johanna." Sya na nga lang ang potential na kaibigan ko ngunit pakiramdam ko ay mawawala pa sya. "Sorry talaga." Umiling lang sya at nagpunas ang luha. "Shit... it's really hurting. I can't even look at him! I feel so hurt and degraded and belittled. I spent 3 years admiring him Shanaiah! I know he's really cruel but, damn it, direct quotations always hurts like hell." Tinahan ko lang sya at hindi na lang pinansin ang mga taong nagtitinginan samin.

I know, pagkatapos umiyak ni Johanna ay nakwento nya sakin ang lahat. Paano niya nakilala si Kade and all. Ako din, napakwento paano ko niakilala ang hayup na yun. Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako. Hanggang ngayon nanghihina ang tuhod ko sa huling sinabi nya sakin. Nagpasalamat si Johanna at kinuha nya ang cellphone number ko para naman daw makapag lunch kami minsan. Binigay ko na, sya na nga lang manghihingi, pagkakaitan ko pa? Hinatid ko sya sa taxi bay ng school (meron nga, grabe sa yaman ano?) at nanatili ako sa field para manood ng mga nagprapraktis ng soccer.

Lumipas ang ilang linggo at araw araw ko pa ring nakikita si Kade. Madalas sa classroom, tulog, naglalaro sa cellphone o kaya ay nagsusulat nang kung ano ano. Minsan ay nagbabasa basa sya. Araw araw ko din syang nakikita na may kasamang babae. Ngayon naman ay wala sila kahit anong pyhsical contact at hindi na rin sya ngumingiti. Tumtango na lang. Hindi ako stalker pero pansinin sya dahil talagang angat sya kung ikukumpara sa ibang tao.

Pumasok ako ng cafeteria at naghanap ng upuan. Ang cafeteria nila ay may all around the world buffet menu. Oo, mayaman talaga. Pinag ipunan ko talaga ang araw na ito dahil tatlong quiz ang natapos ko. Reward ba. 1500 ang isang tao kung kakain ka dito. Syempre, first time ko! Hm, ano kaya masarap kainin? Hindi na talaga ako nahiya at talagang buffet kung buffet. Lahat ng pagkain tinikman ko, lahat inubos ko. Sa sobrang tuwa ko sa chocolate mousse ay kinain ko ito habang naglalakad. At kung sineswerte ka nga naman may natapunan akong tao. "Oh my God!" Isang nakakarinding tili ang bumalot sa buong cafeteria. Nalaglag ang panga ko dahil sa ganda ng babaeng nasa harap ko. Pinapaypayan nya ang sarili niya mula sa pagkairita.

"Sorry." Inabot ko ang panyo ko sa bulsa at tinangkang punasan sya ngunit sa lakas ng pagkakasampal nya sa kamay ko ay natapon sa sahig ang plato ng mousse at lumipad ang panyo ko sa kung saan. "Sorry? Really? DO YOU THINK YOUR SORRY CAN CLEAN MY DRESS?!" Mataas ang boses nya at naiintindihan ko iyon. '"God!" Inirapan niya ako at may nagabot sakanya ng tissue. "Hindi ko sinasadya." Hindi koalam ang idadahilan ko. Shet, anong gagawin ko? "You know what, first time mo bang kumain ng Choco Mousse?" Her question stinked. Oo, first time ko sa cafeteria pero nakakain na ako nun! Mga dalawa o tatlong beses. Sa bahay nila Jin! Umiling ako. Lahat ng nasa cafeteria ay nagbubulong bulungan. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa kahihiyan. Spot light on. Shet. Hindi lang ako laughing stock o ano pero ramdam ko na hindi maaalis ng isang araw ang issue na ito.

"Oh, it's my first time seeing you here in cafeteria. So first time mo nga?"Iniyuko ko lang ang ulo ko dahil ang daming flash sa paligid. 

"Tsk. I pity the girl."

"Oh God, sa lahat ng tatapunan si Trisha pa?"

"Kawawa ka girl. For sure you'll be in hell."

"Are you a scholar?" Tumango ako. Sa lahat ng bagay ay marunong akong mahiya ngunit sa mga bagay na alam kong pinaghihirapan ko ay handa akong ipagmalaki ito. "So I'm right. It's your first time." Nagtawanan ang tao sa paligid at narinig kong may inutusan sya upang kumuha ng kung ano. "Next time bitch, you need to know who owns the place. And where you stand, okay?" Mapang asar ang tinig nya at nakita ko sa kamay nya ang isang platong puno ng chocolate mousse. Tumingin ako sa white tshirt ko, leggings at vans. Shit, favorite ko 'to. "Why? You think your old shirt and pants and fake vans will be stained by this? Then ask me, my limited edition Dolce & Gabanna dress is poorly stained by you! You poor filthy disgusting rat!" Nakita ko ng inangat nya ang plato kaya pumikit na lang ako. Wala akong laban. Kahit nakanina ko pa gustong ipagtanggol ang sarili ko ay wala akong nagawa. Narinig ko ang singhapan ng mga tao ngunit wala akong maramdaman sa aking mukha o katawan. Narinig ko rin ang paglaglag ng plato sa sahig.

Pagdilat ko ng mata ko ay nakita si Kade na nakatingin sa akin. Galit ang mga mata nya at seryosong seryoso akong tinitignan. "S-sorry Josseff." Narinig ko ang pag alma ng mga tao at tinunton ng mga mata ko ang katawan ni Kade. Sa kanyang puting long sleeves ay nakakalat ang chocolate. May iilang talsik sa kanyang pisngi at ilang pumatak sakanyang sapatos. "Kade?" Iyon lang ang nasabi ko. "I'm sorry I'm a bit late." Sinabi nya iyon at ngumiti ng kaonti. Umiling ako at namuo ang luha sa aking mata. Hindi ko alam pero parang biglang uminit ang puso ko. Hinarap nya sa Trisha na ngayon ay nakalaglag pa rin ang panga. Humanap sya ng panyo sakanyang mga kasama at akmang pupunasan na si Kade.

"Why?" Malakas at buo ang boses niya. Narinig ko ang ilang pagtili mula sa mga babae ngunit agad nilang kinontrol dahil may tensyon. "She..." hindi mahanap ni Trisha ang tamang salita. "Josseff she..." Tumaas ang kilay ni Kade. "She what, Trisha?" Umiling si Trisha. "She spilled choco mousse in my dress." Pumikit si Trisha na parang napapahiya. Umiling si Kade. "No Trisha, I am asking you why did you call her names and degrade her in front of all these judgmental people." Nalaglag ang panga ng mga tao at may narinig pa akong nalaglag na baso. "What's happening Josseff? You don't meddle with our fights dude, why now?" Isang lalaki ang nagtanong nito ngunit agad syang dinugtungan ni Trisha. "That's it Josseff! She ruined my dress." Maliit ngunit palaban na ang tono ni Trisha parang naalala niya lahat bakit nya ito ginagawa. "And? How about this..." Pinulot ni Kade ang isang salsa sa isang table. Dahan dahan niya itong inangat sa ulo ni Trisha. Pina ere nya ang kanyang kamay at dahang dahang tinagilid ang tasa. Lahat ng laman ng tasa ay unti unting tumapon sa buhok ni Trisha. Binaybay ng salsa ang buhok nyang mahaba at makintab. Kitfang kita ko ang paglaglag ng panga nya kasabay ng panlalaki ng mata ko. "Kade!" Ngunit wala na akong nagawa. Tinapon ni Kade ang tasang walang laman at nabasag ito.

"Oh my god." Isang salita lang ni Trisha at umiyak sya sa ginawa ni Kade. "Don't you call her poor, first timer or any names. And please, the word bitch suits you the most. Spoiled stupid brat." Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Kade. Ngayon ay nalaglag na ang panga ko at hinatak ko si Kade. Kumirot ang puso ko. Para sa akin ay nakatanggap sya ng sampal. Hindi dapat e. Hindi ata ako karapat dapat. Pero, bakit nya ba ako pinagtanggol? Shit, naiinis na ako kay Trisha. "Tama na." Hinarap ako ni Trisha at inambahan niya ulit ako ng sampal. "Now bitch try doing that to my girl and you'll see hell."

Ten Thousand ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon