HAIZEA FERRERNagising ako ng maramdaman kung may yumakap sa leeg ko. Tangina. Sa lahat ba naman ng yayakapan e leeg ko pa?. Teka ng sino ba'tong hudas na katabi ko? Ang alam ko mag-isa lang ako sa kwarto---ko?.
Mabilis akong napabangon at tumingin sa paligid.
Plain white walls.
No galaxy design.
No dim lights.
Light brown side table.
Lamp shade.
Ngayon lang nag s-sink in saaken na andito na pala ako ngayon sa isa sa mga kwarto sa bahay ni Tito Richard. Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog.
"Tulog mantika." Iling-iling kung bulong at bumangon na at dumiretso sa banyo ng kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba na ako at tinungo ang kusina.
I must prepare breakfast, for them and for me self.
Hinalungkat ko ang ref. nila at tinignan kung anong mga laman nun. Mabuti naman at kahit papaano ay may lamang mga stocks.
Mabilis ang kilos ko sa pagluluto, hindi niya naitatanong pero mahusay ako sa ganitong bagay, kahit saan mo ako ilagay kayang-kaya kung gawin. Exept sa pagiging mabait.
Eggs
Ham
Hotdog
Tocino
Bread
Hmm. Ano pa ba?. Should I cook, Caldereta?, Afritada?, Adobo?, Sinigang.
"Hey"
"Ay Kaserolang may gata!." Napatalon ako sa gulat at napahawak pa sa dibdib ko ng hinarap ko ang tarantadong nanggulat saaken at handa na sanang patikimin ng good morning kick ko.
"Lintek na-Ohhh, Hey." Nagpilit ako ng ngite ng makita ko si Luke na may namumungay na mga mata.
"Ang aga mo yata?." Casual na tanong niya habang kumakain ng hotdog.
"May sariling alarm clock ang katawan ko" maikling sagot ko sa kaniya .
"By the way, Anong gusto mong ulam?." Tanong ko at bumalik ulit sa fridge nila.
"Gusto ko ng, Paksiw sana, tapos Bulalo." Sagot niya, napatango naman ako.
"Yung mga kapatid mo?" Tanong ko matapos kunin ang ingredients ng mga lulutuin ko, tinignan ko muna ang wrist watch ko. 5:39 palang ng umaga. Mahaba-haba pa.
"Hmm. Milk will do" sagot niya. Napatango ako. At kinuha ang ang isda sa freezer, tapos ay karne narin At isahang nilagay muna sa tubig para matunaw ang yelo.
"Expert ah?, Chef ka siguro no?." Tanong niya, umiling ako. "My dad wants me to take Business Administration." Maikling sagot ko sa kaniya.
"Wow. Astig 'yon ah!, Anong grade kana ba, Z?." Natigilan pa ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
"Fourth Year" sagot ko. "Astig, Parehas tayo ng grade" masayang sabi nito, umangat ako ng tingin at nilingon siya.
"Really?" Kunyareng may interes na tanong ko sa kaniya. Hindi ko na narinig na nagsalita pa siya dahil nagsimula na akong mag-luto at magsaing.
NANG matapos ako ay napatingin ako sa relo ko.
"Fvck!, 7:07 na?." Gulat kung tanong sa sarili ko. Mabilis akong pumunta sa taas at isa-isang kinatok ang mga kwarto nila. By the way, lumalamon na pala sa kusina si Luke. Matapos kung mag-luto ng mga gusto niya hindi na siya umalis sa ino-upuan niya.
"Gising na mga kupal!!" Hiyaw ko kada katok sa mga kwarto nila. Rinig na rinig ko rin na may mga nagsusumpa saaken. Napangise nalang ako.
Ako yata ang witch sa kwentong ito