CHAPTER SIX

115 8 0
                                    

HAIZEA FERRER

Nandito ako ngayon sa kwartong ibinigay ni Tito Richard. Kakaalis niya lang kanina pa, kaya ayun iyak na naman ng iyak ang mga babies niya daw kuno.

Malake ang bahay ni Tito kung tutuusin maganda ang kwartong ito. Pero di'hamak na mas maganda parin yung kwarto ko sa dati kung bahay.

Kinuha ko na ang maleta ko at kinuha lahat ng gamit ko. Bago ako pumunta sa pintuan at siniguradong lock 'yon. Para sigurado.

Inilabas ko si cat ang aking pinakamamahal na Katana. Kinuha ko narin ang sniper ko at pumunta sa bintana sinipat ko pa ito. Umangat ang sulok ng labi ko.

Nice view

Saktong nasa gate nakatutok ang bintana ng kwarto ko. Napailing pa ako ng maalala ko kung bakit dito naka-pwesto ang kwarto ko.





"Z, Nakikiusap ako. Bantayan mo ang mga anak ko" Naiiyak na pakiusap ni Tito. I looked away. Iniiwasan ko ang mga tingin niya.

"Ano ba kasing katarantaduhan ang ginagawa mong matanda ka?." I scolded without facing him.

"Z, Kukunin nila saaken ang mga babies ko, Z. Hindi ko kakayanin, sila nalang ang natitira saaken. Paano nalang kung mawala sila sa piling ko, Z?. Mamamatay ako Z!. Para akong mawawalan ng kaluluwa, naputulan ng isang paa, nawalan ng kuko." Madramang sabi nito. Tsk. Matanda nga naman. Itinaas ko nalang ang kamay ko.

Umiling ako. "Fvck---Fine." Pagsuko ko dito.




Now. I know it's all fuck up!. Eh hindi ko naman kilala kung sino-sino ang kalaban ni Tito Richard.

Napalingon ako sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Mabilis akong bumalik sa kama at tinakpan ng kumot ang nilatag ko. That it's not suitable for young kiddos.

"Anong kailangan mo?." Tanong ko pagkakabukas ko palang ng pintuan, medyo naka silip lang ako kunti. May lalakeng naka puting boxer ang nasa labas. Napakagat pa ito ng labi at namumula ang tenga.

"Uh. Pwede bang maki-ligo?." Tanong nito. Ngayon ko lang din napansin na may bitbit itong mga tabo, tuwalya, shampoo, at sabon. May pang scrub pa itong dala.

Tumaas ang kilay ko. "Wala kabang banyo?." Tanong ko.

Napalabi siya. "Nasira kasi ang gripo ng kwarto ko. Ayaw din nilang makishare ng banyo, uh. Kaya dito nalang ang last option ko. Uhhm. Okay lang naman kung ayaw mo. Hehe" sabi nito at tatalikod na sana paalis na sana nang tawagin ko ulit.

"Pasok" utos ko dito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto ng kwarto ko.

"Ha?..."

"Sabi ko pasok, dito ka maliligo diba?. Pasok, Bilis." Masungit na sagot ko, pero hindi parin siya gumagalaw na kinatatayuan niya kaya hinatak ko siya papasok.

"Ah, Salamat. Hehe" Nagkakamot sa batok na sabi niya at nagtatakbo papasok sa banyo ko. Pagkarinig kung nag lock na siya ng kwarto napailing nalang ako. Kala niya naman may gagawin akong masama sa kaniya.

Nang makasigurado akong hindi na siya lalabas mabilis kung hiniklat ang kumot na nakatakip sa mga gamit ko. Isa-isa kung sinalansan ang mga damit ko sa Cabinet at nilagay naman sa shoe rack ang mga sapatos ko. Inilagay ko narin sa ilalim ng kama ko ang Katana ko isinama ko narin ang Sniper Gun ko.

Nang masigurado kung ayos na ay. Tinawagan ko si Tito.

"Hello?"  Sagot ng kabilang linya. Hindi ako nagsalita.

"Hello?, Hello?. Sino 'to?. Ikaw ba si owwSIC? Papatayin mo ba ako?."

Napakunot ang noo ko. Sino na namang OwwSIC?.

"Pinagsasabe mo?." Maangas kong sagot sa kanya.

"Ay, Hehe. Wazup, Z?. Napatawag ka? May problema ba d'yan?."

"Wala naman Tito. Matanong lang. Nag-aaral ba 'tong mga babies mo?." Tanong ko at pumunta sa bintana.

"Oo naman Z!, mga matatalino 'yang mga junakis ko eh."

"Okay. Anong grade na ba to?." Tanong ko.

"Z. Mabuti pang sila nalang ang tanungin mo. Hehe. Ba-bye"

"He-hello?. Tito?. Bastos na matandang 'yon." Inis kung saad ng babaan ako ng telepono.

Napalingon ako ng maramdaman kung may nakatingin saaken. Napataas ulit ang kilay ko ng makita iyong lalakeng naka puting boxer. Nakaputing boxer ulit ito.

"Tapos na ako. Hehe, Thank you. Ako nga pala si Luke Lorenzo. My mother is from---."

"Italy, I know." Napayuko ito at tumango.

"Sinabe ni Daddy?." Tanong niya. Tumango ako.

"Oo. Tinanong ko."

"Close ba kayo?." Tanong niya. Tumango ako. "Oo. Bakit mo naitanong?." Sagot ko.

"Eheh. Since close kayo ni Daddy. Uhm, pwede bang makitulog dito?." Nagbaba siya ng tingin. Nagsalubong ulit ang kilay ko.

"Sira din ba yung kama mo?." Tanong ko. Umiling siya.

"Hindi kasi ako sanay na matulog mag-isa. Usually kasi magkatabi kami ni Titus. Pero gusto niya raw mapag-isa." Nakayukong paliwanag niya.

"Are you afraid of the dark?. Aren't you?." Tanong ko. Umiling siya.

"Takot lang akong mag-isa." Sagot niya. Naawa naman ako.

Dahil alam ko ang pakiramdam na mag-isa.

Badass BabysitterWhere stories live. Discover now