CHAPTER 63

88 7 1
                                    

Mito's POV

Nang malaman namin na may kasintahan na si Mitsui medyo nalungkot kami para sa kaibigan naming si Mayuyu,dahil Ang bilis namang magpalit ng kasintahan ni Mitsui, hindi namin sila masisi kung bakit ganon na lang matapos Ang relasyon nila

Pero sana ang hiling man lang namin sa kanila bilang kaibigan namin sila ay masaya na sila para sa isa't isa at hindi din sasaktan ni Mitsui si Yuzuki dahil sa totoo lang, nag aalala ako para sa kanya

Nasa gilid nga pala kami ng gym at kakatapos lang ng klase dinig na dinig namin sa labas ng gym ang talbog ng bola at sigaw ng kanilang manager na si Ayako

Syempre habang naglalakad pa kami ay di na rin maalis sa amin na pinag usapan namin uli ang apat

"Grabe di pa rin ako makapaniwala, may kasintahan na agad si Mitchi ng ganon ganon lang" sabi ni Ohkusu

"Gwapo din naman Kasi si Mitchi kaya di maalis sa kanya na hinahabol din siya ng mga kababaihan si Nanase nga naging crush si Mitchi si Yuzuki pa kaya na di natin kilala" sabi naman ni Noma

" Sa tagal ba naman ng pagmamahalan nina Girl Labo at Mitchi ngayon lang ako nasaktan para sa kanila nyihihehehe..."Napaluha namang sabi ni Takamiya sabay punas nito sa kanyang mga mata at pisngi

" Hay naku dapat maging Masaya na lang kayo para sa kanila dahil ginusto nila yun" sabi ko naman saka pinagpatuloy na namin ang paglalakad

Pumasok na kami sa gym at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapansinan Ang dalawa pero nakakalungkot nga talagang tignan...

Nag tipon tipon Ang buong team para sa araw na ito siya nga pala nag absent muna si Akagi hindi ko nga alam kung bakit

-----------------------------

Napansin ng team na wala ang kapitan nila

"Nasaan ba si Gori?" Tanong ni Hanamichi

"May sakit Kasi si Kuya kailangan niya daw muna magpahinga" sagot ni Haruko

"Nagkakasakit din pala ang mga gorilla?🤔" Taka ni Hanamichi

" Tandaan niyo sa unang linggo ng susunod na buwan ay mag sisimula na ang laban pero wala pang anunsyo kung sino ang magiging kalaban natin at pag igihan niyo, sa makalawa nga pala ay may laban tayo, at bibisita sa atin ang team ng Josei High School"paalala ni Coach Anzai

" Nanalo ang Josei ng first place ulit at sumunod sa kanila ang Shimizu Higashi High School hindi natin alam kung sino sa kanilang dalawa Ang makakalaban natin sa inter high"karugtong ni Mayuyu

" Basta pag igihan natin at huwag tayong magpapadaig sa kanila"sabi ni Ayako

" Hindi ba taga Josei High School si Mayuyu? "Sabi ni Takamiya

" Oo doon siya nag aral ng isa't kalahating taon lang at judo team ang pinasukan niyang club" sabi ni Haruko

----------------------------

Kinabukasan...

Naaaaaaag lunch break muna, si Mayuyu ay nasa gilid ng building papunta na sana siya sa waiting shed ng makita niya na naglalakad papasok ng building si Yuzuki at tila ba may hinahanap siya

Naaaaaaag lunch break muna, si Mayuyu ay nasa gilid ng building papunta na sana siya sa waiting shed ng makita niya na naglalakad papasok ng building si Yuzuki at tila ba may hinahanap siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon