CHAPTER 60

90 9 5
                                    

Kinaumagahan...

Gumising si Mitsui at hindi niya Maalala kung ano ang nangyari kagabi

Pagbangon niya ay hinawakan niya Ang ulo niya sa sobrang sakit

"Aray ang sakit naman ng ulo ko😵"

Pumasok si Yuzuki na may dalang pagkain at maliit na mesa

"Hello Hisashi! Breakfast in bed. Oh masakit pa rin ba Ang ulo mo? Marami Kasi ang ininom mo kagabi kaya ayan nasobrahan sa hangover. Sige na kumain ka na muna ginawa ko yan para sa iyo! At para gumaling ka na" masayang sabi ni Yuzuki kay Mitsui

"Bakit ka nandito? At ano ba ang nangyari kagabi?"

"Nakita kasi kita kagabi na lasing na lasing di kalayuan sa Bahay niyo sa may bakod lasing na lasing ka di ko nga alam kung bakit mo ginawa yun, paano na lang Kaya kung malaman ni Tita baka uusok ang Tenga niya"

Naalala na lang ni Mitsui kung ano ang dahilan kung bakit siya naglasing ay dahil Kay Mayuyu

" So ibig sabihin hindi pala si Mayuyu yung kumausap at humatid dito sa Bahay kagabi... " Bulong ni Mitsui sa sarili

"-At isa pa, nagulat nga ako sa sinabi mo sa akin kagabi na mahal na mahal mo pala ako, dapat matagal mo nang sinabi sa akin yan ng hindi ka na naglalasing"

Tumingin si Mitsui kay Yuzuki at sabay sabi na " Hindi Ikaw Ang tinutukoy ko"

"Hah?" Yan lang ang masasabi ni Yuzuki dahil nasaktan siya sa mga narinig niya

"Sorry pero Hindi Ikaw Ang tinutukoy ko"

"What do you mean? So hindi nga ako?" Biglang ngumiti si Yuzuki at napaupo siya sa gilid ng kama ni Mitsui

"Ahahaha akala ko talaga, ako yung sinabihan mo kagabi, napahiya ako dun ah! Talagang masakit pala noh sa dibdib na umasa ka pala sa taong di ka pala talaga niya gusto?" nakangiting sabi ni Yuzuki ay tumutulo na Ang kanyang mga luha sa sakit na naramdaman

Humingi ng sorry si Mitsui at sinabing"pasensya na Yuzuki pero yun ang totoo"

Humingi ng sorry si Mitsui at  sinabing"pasensya na Yuzuki pero yun ang totoo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumayo si Yuzuki nakangiting umiiyak at tila bay nagagalit na rin siya

"HISASHI, PASENSYA NA PERO HUWAG MO NAMAN SANA AKO PAASAHIN. Andito naman ako sa tabi na kaya kang damayan at alagaan saan ba siya sa panahon na lasing ka at walang tumutulong sa iyo, gaya ngayon, diba ako lang? Mahal kita Hisashi, Masaya ako dahil gusto ka nila Tita at Mama sa akin pero sa Ikaw hindi sana bigyan mo Ako ng chance na mahalin ka! Pero kung ayaw mo, ayos lang sa akin"

Umalis si Yuzuki at hinabol siya ni Mitsui pababa na sana ng hagdanan si Yuzuki ng pinigilan siya ni Mitsui

" Yuzuki! Pwede naman nating pag usapan to... "

************************************

Si Mayuyu naman ay hindi nakatulog buong magdamag, nakahiga lang siya sa kanyang kama namamaga at pulang pula ang mga mata sa kakaluha at nakataklob lang siya sa kanyang kumot at yakap yakap niya ang kanyang aso na natutulog na si Ah Shi

Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon