CHAPTER 10

242 13 10
                                    

Kinagabihan sa gym ay umuwi na ang team ng Shohoku maliban kay Mitsui gusto niya munang mag praktis mag isa

Habang abalang abala si Mitsui sa pagpractice ay may iniisip siya sa sarili

"Kailangan kong galingan sa pag shooting ng three points ng sa ganon ay hindi lang kami maging top 2 sa distrito gaya nung nakaraang season dapat maging no. 1 kami ng dahil sa akin at ng sa ganon ay matutuwa si Coach kahit si Mayuyu rin"bulong ni Mitsui sa sarili habang nag shoshoot siya ng three points ,ng sinubukan niya ulit mag three ay hindi na ito pumasok sa ring

Hanggang ang bola ay lumabas sa gym at sakto naman na kakadating lang ni Mayuyu sa gym at ang bola na nagpagulong gulong sa harapan at kinuha ito ni Mayuyu

Saka kinausap niya si Mitsui at sinabing...

"... Gabing gabi na ah nag pagpractice ka pa rin, bakit nararamdaman mo ba na nilalamangan ka na ng ibang ka teammates natin?🤨"tanong pa ni Mayuyu sabay itinaas niya ang kanyang kilay

Si Mitsui ay biglang namula dahil nakausap niya si Mayuyu at parang medyo kinabahan si Mitsui pero hindi niya ito pinapahalata

"Ahh... Eh... Bakit pa ano ba ang pakealam mo at ...? At saka ako lang naman ang laging nag tithree points sa atin maliban kay Rukawa at ganon din kay Kogure"sambit pa ni Mitsui kay Mayuyu

"To be honest medyo na guilty ako sa mga ginawa ko sa iyo nung nakaraan ,pero hindi pa rin ako mag sosorry sa iyo"sabi ni Mayuyu kay Mitsui

"Ano? Medyo na guilty si Mayuyu sa ginawa niya sa akin? Si Mayuyu ba talaga ito?"tanong ni Mitsui sa sarili "ah... Sige kahit hindi ka na mag sorry ayos lang at saka kung yan lang ang sasabihin mo pwede ka nang umuwi "

Ang bolang hinahawakan ni Mayuyu ay dinribble niya ito at pumunta siya sa three point area, si Mitsui naman ay napatayo lang sa gitna ng court at tinitignan niya si Mayuyu

"Huh. Sigurado ka bang kaya mo yan baka mababali lang ang buto mo?"asar ni Mitsui sa kanya

"Huwag mo nga akong mamaliitin? Hindi mo ba alam kung sino ang kinakausap mo"sagot naman ni Mayuyu

"Siyempre sino pa ba eh di si Mayuyu Anzai ang anak ni Coach Anzai na naging player ng basketball team at ng judo club"sabi pa ni Mitsui

"Watch and learn"sagot agad ni Mayuyu

Habang itinataas na ni Mayuyu ang kanyang mga kamay para ishooshoot ang bola ay napansin ni Mitsui na kaliwete pala si Mayuyu kung mag shoot ng bola, at shinoot na nga ni Mayuyu ang bola at nakapasok nga ang tres nito kaya itong si Mitsui ay napabilib sa ginawa niya

"Ang galing! Pero chamba lang yun"

"Alam ko kung ano ang nasa isip mo Mitsui, iniisip mong chamba lang ang ginawa ko "

"Manghuhula ka na rin pala ngayon"

"Hindi mo lang naman naitatanong Mitsui isa rin ako sa pinakamagaling na player sa kanagawa nung nasa junior high school pa ako pagdating sa basketball at naging MVP rin ako sa loob ng dalawang taon dahil sa pamatay kong galing sa tres at rebound at nakalaban ko na rin ang team ni Haruko Akagi pero hindi sila laging nakakaabot sa finals ano gusto mo bang mas gumaling pa sa tres?"tanong ni Mayuyu kay Mitsui

Dahil dito ay hindi ma express ni Mitsui kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon dahil masayang masaya siya dahil tuturuan siya ng crush niya kaya pumunta siya sa haeapan ni Mayuyu at sinabing...

"... Ako pa ang tinatanong mo niyan? Syempre naman"sabay ngiti ni Mitsui na parang namumula siya"Ang swerte ko naman si Mayuyu nga talaga ito mas lalo akong ginaganahan pag ikaw ang tuturo sa akin" bulong pa niya sa sarili

Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon