CHAPTER 23

187 10 0
                                    

Umalis na si Mitsui para bumalik sa paaralan at ipaalam sa team na hindi na muna mag aaral si Mayuyu ngayong hapon dahil sa may problema ito pero hindi niya sinabi ang buong kwento ,si Kogure naman ay gustong puntahan at kamustahin ang girlfriend niyang si Mayuyu pero huwag na daw siyang mag alala sabi ni Mitsui nasa mabuti lang siyang kalagayan pwede naman din daw niya kausapin ito pero bukas na nga lang dahil sa balitang iyun ay umiiral na naman ang pagiging selosa ni Nanase kay Mayuyu dahil siya pa ang mas inaalala ni Mitsui kaysa sa kanya

"Humanda ka sa akin mamaya Ah Yu..."bulong ni Nanase

Samantala kamustahin naman natin si Mayuyu sa bahay ni Mitsui kasama si Tita Hikaru

"Maupo ka Miss"sabi ni Tita Hikaru

Umupo na nga si Mayuyu sa sofa

"Maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili..."mahinahong sabi ni Tita Hikaru

"Ako nga pala si Mayuyu Anzai, ang second manager ng team nina Mitsui second year na ako sixteen years old at nag aaral ako sa Shohoku High School"pakilala ni Mayuyu

"Hmm... So ibig sabihin ikaw yung tinutukoy nina Ryota at ni Hisashi sa akin na nagustuhan ni Hisashi pero dineadma niya na ito dahil may boyfriend na siya, tama bs na ikaw yun?"tanong ni Tita Hikaru

"Sobra naman kayo sa akin Tita ni Mitsui hindi ko naman alam na may pagtingin sa akin si Mitsui nung mga oras na yun"- Mayuyu

"Hindi Tita ni Mitsui ang itawag mo sa akin, parang wala naman tayong pinagsamahan saloob ng fifteen minutes, ako nga pala si Hikaru Mitsui DelaTour you can call me Tita Hikaru 30 years old"

Tumayo naman si Tita Hikaru para kumuha ng tsaa sa mesa

"Gusto mo bang uminom ng tsaa? Galing France yan"- Tita Hikaru

Pumayag naman si Mayuyu binigyan na siya ng tsaa nung pag tikim niya pa lang ay bigla niya ito hindi niya agad nagustuhan ang lasa

"Yak! Iba pala ang lasa ng tsaa pag galing sa ibang bansa"sabay lagay ni Mayuyu ng tasa sa mesa dahil hindi niya ito nagustuhan

"Huwag kang mag alala , magugustuhan mo din yan pag tagal"

Si Tita Hikaru ay hinamon si Mayuyu ng one on one judo fight

"Hinahamon kita Miss Mayuyu ng one on one judo fight"hamon ni Tita sabay pose nito na pang judo ang istilo

Nagulat si Mayuyu dahil sa sinabi ni Tita Hikaru at napatayo ito

"Ano ho?! Mag jujudo tayong dalawa?!"

"Oo pwera na lang kung tatanggi ka ibig sabihin ay naduduwag ka"

"Hindi naman ako sa naduduwag pero hindi na ako nag lalaro ng judo"

"Bakit? At kailan ka pa huling gumamit ng judo?"

Dahil sa tanong sa kanya ni Tita Hikaru ay biglang naalala niya ang nakaraan niya na hindi maganda kay Mitsui nung gabing nag seselos si Mitsui at muntik niya na ito masaktan at magawan ng masama dahil dito ay hinawakan ni Mayuyu ang kanyang ulo dahil ayaw niya nang maalala yun

"Ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?"

"Hindi naman Tita Hikaru. Tumigil na ako sa paglalaro simula nung nainjury ako sa tuhod at pinapangako ko na nung mga oras na iyun sa sarili ko na hindi na ako mag lalaro kahit na kailanman"

"Ang masasabi ko sa iyo Mayuyu, kahit na nainjury ka man na wala sa oras, isipin mo na lang na naging pagsubok iyun sa iyo at total nasa maayos ka naman ding kalagayan ay pwede ka na ulit sumali o gumamit ng judo, ako nung 16 years old din ako gaya mo ay lagi ako naging champion sa lahat ng tournament pero tumigil na ako simula nung nag asawa ako, alam mo ,kung ako sa iyo bumalik ka sa pag jujudo kung saan ka mas maligaya pero kita masisisi desisyon mo yan at sa tingin ko katulad ko ay sikat ka rin na manlalaro kahit hindi na kita nakikita mag judo natutuwa ako dahil nakilala kita"sabi ni Tita Hikaru

Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon