CHAPTER 27

224 13 3
                                    

Shohoku High School...

Sa susunod na linggo na ang pasko ay wala na munang pasok simula bukas

At ngayong biyernes ay huling praktis nila ngayong taon kung kaya't mas pinag igihan ng team na mag training ng mag training para sa next month dahil hindi biro ang makakalaban nila

Ang mga kaibigan ni Hanamichi ay dumating na para panoorin ang team kasama sina Haruko, hindi rin mawawala ang ang Rukawa's power rangers, ang mga boyfriends ni Mitsui ay dumating na rin para ichicheer si Mitsui

"Mitchi boooooooyyy..."sabay cheer ng mga boyfriends ni Mitsui sa kanya

Si Mitsui ay naiirita na sa kanyang mga kaibigan

"Bakit kaya ang papangit ng cheering squad mo Mitsui?"sabi ni Miyagi

"Hayaan mo na lang sila, nakakahiya!"sabi ni Mitsui ni hindi makatingin kina Hotta

"Galingan mo Mitsui!"cheer naman ni Mayuyu

Bigla na lang nabuhayan si Mitsui dahil sa cheer sa kanya ni Mayuyu

Binati ni Hotta si Mayuyu

"Mayuyu kamusta naman yang pilay mo?"tanong ni Hotta

"Eto medyo masakit pa rin dahil sa nangyari"sagot ni Mayuyu

"Pwede naming sugurin yang nanakit sa iyo!"sabi ni Hotta

"Hindi na siguro nga na coma na yung iba sa kanila"biro pa ni Mayuyu

Agad namang dumating si Nanase para kausapin ang kapatid niya

"Ah Yu bukas nga pala...."naputol ang pag uusap ni Nanase kay Mayuyu dahil sa may kumausap pala sa kakambal niya

"...sino sila Ah Yu?"pabulong na sinabi ni Nanase kay Mayuyu

"Ah Se ito nga pala si Hotta at ng mga kaibigan niya, Hotta ito nga pala si Nanase ang kakambal ko"pakilala ni Mayuyu sa dalawa

"Kamusta"sabi ni Hotta

"Hello"🤝sabi naman ni Nanase

"Di mo sinabi sa akin na may kakambal ka pala Mayuyu"sabi ni Hotta

"Hindi ko ba nasabi sa iyo? Pasensya ka na bihira lang kasi tayo magkita eh tsaka nakalimutan ko"sabi ni Mayuyu

Sumulpot sa pag uusap nina Hotta at Mayuyu itong si Aota

"Ano ba ang nangyari jan sa kamay mo?"tanong ni Aota

"Wala..."sagot ni Mayuyu habang nakakunot ng noo

"Sino siya Hotta?"tanong ni Nanase

"Siya si Tatsuhiko Aota ang captain ng judo club"sagot ni Hotta

"Siguro ginamitan mo ng judo ang taong nang asar sa iyo noh, anong judo style kaya ang ginamit mo? Shoulder throw, Hip wheel,Small outer reap at kung ano pang judo techniques yung kalaban, kaya ka napilayan?"sabi ni Aota

"Paano kung sasabihin  ko sa iyong oo ginamitan ko nga ng judo ang nakaaway ko bakit may magagawa ka ba?!"pasupladang tanong ni Mayuyu kay Aota

Natawa lang si Aota sa kanya sabay napa cross arm ito

"Hahaha sinasabi ko na nga ba gumagamit ka pa rin ng judo sa pang araw araw, Mayuyu, isipin mo yang injury na yan attempt lang yan o pagsubok lang yan sa buhay mo at tandaan mo ang sasabihin ko once a judo player always a judo player nananalaytay sa dugo natin ang pagiging judo master.....!"sabi ni Aota

"...Ano ba ang pinagsasabi ng wirdong yan?"bulong pa ni Nanase

"Ewan ko nga eh"sagot ni Hotta

" Ano ba ang gusto mong palabasin ha?😕"tanong ni Mayuyu

Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon