CHAPTER 26

214 15 7
                                    

Tomorrow...

Shohoku High School...

Si Mayuyu ay nag aaral na pero malungkot pa rin siya dahil umalis na si Mitsui

Sa gym naman ay binalita ni Kogure na wala na silang relasyon ni Mayuyu wala silang reaksyon sa dalawa pero kahit papaano ay nalulungkot din sila dahil nag hiwalay na sina Mayuyu at Kogure

Pagpasok pa lang ni Mayuyu sa gym ay naka bandage ito para medyo mapabilis na ang paggaling ni Mayuyu

"Mayuyu, buti na lang at pumasok ka na"sabi ni Kakuta

"Mayuyu total wala naman si Mitsui sa team ay mas pag iigihan na namin ang pagpractice dahil ang susunod na kalabanin natin ay ang Kainan High"sabi naman ni Kuwata

"Galingan niyo..."malumanay na sabi ni Mayuyu sa kanila at umupo muna ng saglit si Mayuyu sa bench

Silang lahat ay tinitignan si Kogure para kausapin niya daw si Mayuyu

"O sige guys ako na ang kumausap kay  Mayuyu"sabi ni Kogure

Pinuntahan ni Kogure si Mayuyu para kausapin

"Mayuyu, bakit malungkot ka?"tanong ni Kogure

"Hindi naman..."sagot lang niya

"Mayuyu, kilala na kita ayaw mo lang na nakikita ka naming naaawa sa iyo, dahil jan din sa ginagawa mo ay mas lalo lang kaming maaawa at magtataka sa iyo pwede mo naman sabihin ang lahat niyan sa akin, amin dahil kaibigan mo kami"sabi ni Kogure

Pumunta ang dalawa sa labas para mag usap

"Bakit ganon pabigla bigla nang desisyon si Mitsui? Ni hindi man lang siya nag paalam sa akin?"napaluhang sinabi ni Mayuyu "sa tingin ko... Kasalanan ko ito eh kung hindi ako nag amin sa kanya kahapon pa lang eh di sana nandito pa rin siya hanggang ngayon!"dagdag pa ni Mayuyu

"Mayuyu wala kang kasalanan sa nangyari ok? Kaya huwag mo na siya munang isipin, ang basketball na lang,ang team pati na rin ang pamilya mo ang iisipin mo, balita ko nagkabati na kayo ni Nanase kaya pagtuunan mo na lang muna ng pansin ang kakambal mo"sabi ni Kogure

"Siguro tama ka nga Kogure kahit mahirap kakayanin"sabi ni Mayuyu

At pumasok na silang dalawa sa gym at kahit mahirap para kay Mayuyu na mawala si Mitsui ay iniisip niya na nanjan naman ang mga kaibigan at pamilya niya para sa kanya

Pagsapit ng hapon ay sumabay nang umuwi sina Nanase at Mayuyu at may  naisip na namang pakulo si Nanase para mapaligaya si Mayuyu kahit papaano

"Ah! Ah Yu halika!"sabi ni Nanase

"Bakit Ah Se ano bang meron?"malumanay na tanong ni Mayuyu

"Total kahit kailan hindi pa tayo naka subok na mag pasyal or kumain ng kung ano ano sa labas hindi ba parang sister bonding?"tanong ni Nanase

"Ahh... Oo"

"Halika mamasyal muna tayo ng sandali!"

"Pero baka magagalit sina Mama at Baba!"sabi ni Mayuyu

"Hindi sila magagalit ako lang ang bahala"sabi ni Nanase sabay hila nito kay Mayuyu at marami na nga silang pinuntahan sa Yokohama city sa Kanagawa at marami rin silang pagkain na binili gaya ng:

Takoyaki:

Takoyaki:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon