CHAPTER 3

342 13 4
                                    

Nakarating na ang team ng Shohoku sa Ryonan station at patungo na nga sila sa Ryonan High School habang papunta na sila ay ang malalim ang iniisip ni Rukawa

"Matatalo ulit kita Sendoh..."bulong ni Rukawa sa sarili na parang handa na siyang tatalunin si Sendoh

Si Hanamichi naman walang ibang iniisip kung hindi tatalunin sina Fukuda ,Uozumi at lalong lalo na si Sendoh

Maya maya ay nasa Ryonan High School na ang team at pumasok na sila sa gym maraming napatingin sa kanila kahit ang janitor ng Ryonan High School ay napatingin rin dahil sa tangkad nila

"Ang tangkad ah"sabi ng manlalaro ng Ryonan habang siya ay naglalampaso ng sahig

Biglang nagsalita si Hanamichi ...

"...Ahhh talo ka sa akin Sendoh at Fukuda ,ikaw na rin bakulaw!😆"biglang sambit ni Hanamichi na parang akala mo kung kaya niya talaga si Sendoh , Fukuda at si Uozumi

Dahil sa ginawa niya ay nakatikim tuloy siya ng bukol kay Captain Akagi

"Huwag kang magyayabang dito!😤"sabi ni Akagi kay Hanamichi

"Opo sir...😖"sabi naman ni Hanamichi habang tinatakpan niya ang bukol niya gamit ang kanyang mga kamay

"Ahhh ito pala ang Ryonan High School. Medyo malawak ahh"Sabi ni Mayuyu sa sarili

Pagkamamaya ay dumating na rin ang mga manlalaro ng Ryonan pero may isang tao na naman ang late sa team nila

"Grrr... Nasaan na naman kaya ang batang yun!? Hikoichi tinawagan mo na ba siya sa cellphone mo?"tanong ni Coach Taoka kay Hikoichi

"Opo Coach at nag text na din ako sa pager niya pero hindi siya sumasagot"sagot ni Hikoichi

Nagtataka si Mayuyu kung sino ang tinutukoy nila na nalelate na member ng Ryonan kaya nagtanong siya kay Ayako

"Ayako sino ba yung taong tinutukoy ni Coach Taoka?"tanong ni Mayuyu kay Ayako

"Ah yung ace player nila hindi pa kasi siya nagpapakita, sa tingin ko lagi naman yun late pero magaling yun"sagot ni Ayako

Nang makita ni Coach Taoka si Coach Anzai ay binati niya ito at sinabing...

"... Magandang umaga sa inyo Coach Anzai ang masasabi ko sa team niyo ay mas lalo pa itong gumagaling hindi katulad noong mga nakaraang taon pero sa pagkakataong ito ay babawi kami kahit practice game lang ito"- Coach Taoka

"Ahh naiintindihan ko Coach Taoka at mas umiprove ang team niyo hohohoho..."sabay ngiti ni Coach Anzai kay Coach Taoka

Kinamusta ni Coach Taoka si Mayuyu

"Ikaw ba yung anak ni Coach Anzai? Ang laki mo na ah?"

"Oo nga po eh Tito, ang bilis ng panahon😅" nahihiyang sabi ni Mayuyu

Nagpaalam muna si Mayuyu na pumunta muna sa mga kasamahan nila at pumayag ang dalawa

Habang nag uusap sina Coach Taoka at Coach Anzai ay pumunta si Hanamichi kina Ayako at Mayuyu, habang nag uusap ang tatlo ay pumunta si Hikoichi kina Hanamichi at kinausap nito

"Sakuragi! Excited na ulit ako para sa laban natin kaso nasa bench pa rin ako hindi pa kasi ako masyadong magaling eh pero huwag kang mag alala sa susunod siguro magiging starting player ako!"sabi ni Hikoichi

"Talaga Hikoichi? Wahahhahaha mukhang matagal pa yan at isa pa tatalunin ko ulit ang Ryonan hindi lang sa practice game pati na rin sa elimination game pero kapag nakasali kayo sa interhigh mas tatalunin namin kayo at uuwi kayong luhaan"sabi ni Hanamichi habang siya ay nagyayabang

Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon