CHAPTER 22

171 10 0
                                    

Nag aral na nga si Mitsui sa school ngayong araw at bigla siyang sinalubungan ni Nanase ng mahigpit na yakap kaya itong sina Hanamichi ay parang siya pa ang nahihiya sa ginagawa ni Nanase

"Hish namiss talaga kita ng sobra bakit hindi ka man lang nag aral kahapon nag aalala na tuloy ako sa iyo ,sa susunod pag nag absent ka sabihan mo ako OK para hindi na ako mag alala sa iyo"sabi ni Nanase kay Mitsui

"Grabe daig pa ang girlfriend kung makapagsalita itong iguana na ito"pabulong ni Hanamichi kay Rukawa

"Huwag mo akong kausapin gunggong..."sabay isnob ni Rukawa kay Hanamichi

"Ahhh si Rukawa pala ang kinakausap ko! Akala ko nasa tabi ko si Kulot!"pasigaw na sinabi ni Hanamichi

"Nandito ako sa kanang balikat mo Hanamichi 😒"sabi ni Miyagi

"Sa tingin mo hindi ko narinig yung pinagsasabi mo jan payaso?!"- Nanase

"Pwede ba Hanamichi na lang o Sakuragi ang itatawag mo sa akin?!"

"Paano pag sabihin kong ayoko,may magagawa ka ba dun huh payaso!?"

"Pigilan niyo ako baka di ko mapigilan ang sarili ko na pumatol sa kanya baka maka instant bukol siya sa akin!"

"Babae yan Hanamichi huwag mo na siyang patulan"- Miyagi

"Sa babae oo siya pero sa babaeng iguana,baka magdadalawang isip pa ako!?"

"Che! Basta Mitsui ha? Sa sabado mag dedate tayo, sa tingin ko mag eenjoy tayong dalawa lalo ka na! Sige bye na muna Hish mwah!"sabi ni Nanase kay Mitsui

Umalis na si Nanase at patungo na ito sa kanyang classroom

Sina Hanamichi naman ay kinausap si Mitsui tungkol kay Nanase

"Bakit kaya Hish ang tawag sa iyo ni Nanase?"tanong ni Miyagi

"Baka mukha kasing fish si Mitsui kaya ang tawag sa kanya ni iguana wahahahaha"

-----------------------

Oras na para mananghalian si Mayuyu ay pumunta sa CR hanggang sa bigla na lang itong nagulat dahil sa nakita niya sa kanyang palda

"Naku hindi ito pwede.... Bakit meron ako ngayon....? Ano ba ang gagawin ko? Isang malaking kahihiyan ito pag may nakakita sa akin..." Nanginginig na sinabi ni Mayuyu sa sarili

Sumilip lang muna siya ng sandali si Mayuyu kung may matatawagan ba siya na kanyang kaibigan kaso wala, wala naman si Ayako nasa gym na siya kahit si Haruko ay nasa gym na rin

"Naku wala silang dalawa sino kaya ang tatawagan ko kung boys naman nakakahiya grrrrr!!!!"

Hanggang sa may isang lalaki ay napadaan lang sa CR at yun ay si Mitsui, walang choice naman itong si Mayuyu kaya tinawagan niya ito

"Pssst. Mitsui..."

Hindi narinig ito ni Mitsui

"Pssst. Mitsuiiiiiiiii....."

Pero hindi pa rin ito naririnig ni Mitsui

Ang ginawa na lang ni Mayuyu ay humanap siya ng maliit na bato nang nakakuha na siya ay bigla niyang binato ang bato sa ulo ni Mitsui

"Aray! Parang may bumato sa akin ah sino kaya yun!?"tanong pa ni Mitsui sa sarili niya habang hinahawak niya ang kanyang ulo

"Nandito ako Mitsui!"pabulong na sinabi ni Mayuyu

"Mayuyu bakit mo naman ako binato?"namumulang tanong ni Mitsui

"Sorry lumapit ka nga"

"No! Hindi pwede nasa CR ka ng mga babae... Bawal ako jan"

Mr. MVP LoVeS Ms. Judo (Slamdunk FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon