13

269 5 1
                                    


"Oh, by the way, Jenwel.. what course are you taking?" tanong ni Atty. Chavez.

"Business Administration po sa La Salle." sagot ko.

Tumango naman ito. "That's great. Maganda rin ang business ng family niyo." nakangiting sabi nito. "Ethan, anak, take some rest naman. Christmas break, oh." baling nito kay Ethan.

"Ayan, sige, Mommy, pagsabihan mo 'yan. Hindi rin nakikinig sa akin, e." sabi pa ni Levi.

"Masama ba mag-aral nang mag-aral. Kuya?" nakasimangot na tanong ni Ethan. "Mom, kaya ko naman. Don't worry about me. Hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko." baling nito sa mommy nila.

I was listening to them while eating. Kinakausap din naman nila ako. They are asking me about my goals and other stuff, about myself but not so personal. I like how considerate their parents are. At makikita mo talaga kung paano nila itrato ang isa't isa bilang pamilya.

"What do you want? Juice or water?" tanong ni Levi sa akin.

"Water na lang," sagot ko sa kanya.

Pinagsalin naman niya ako ng tubig sa baso. Napansin ko na pinagmamasdan kami ng parents at kapatid niya kaya medyo nailang ako. Nakangiti ang Mommy ni Levi habang ang kapatid at Daddy niya ay nakangisi, nang-aasar. Nagkatinginan ang Mommy at Daddy nila at napangiti sa isa't isa.

"Kuya, ako din water, please?" inabot ni Ethan ang baso sa Kuya niya, nang-aasar ang tono ng boses nito.

Nakasimangot si Levi nang kunin ang baso ng kapatid at salinan ito ng tubig.

"Masaya kami na dinala ka dito ni Levi," Atty. Chavez told me. "Akala kasi namin wala na siyang susunod na dadalhin dito after his ex. My son was really heartbroken at masakit din para sa akin na makita iyon." malungkot na sabi ng Mommy niya.

Napatingin naman ako kay Levi. He gave his mom a small smile. "Mom, I'm okay."

Tumango naman ang Mommy niya. "Levi is kind naman, diba, hija?" nagsalita si Dr. Chavez.

I nodded. "Yes po. Medyo masungit lang po minsan." sagot ko. Natawa naman sila, siguro ay sujmasangayon din sila na masungit si Levi. Totoo naman kasi!

After eating we went out sa pool area. Si Ethan ay nasa kwarto niya dahil kulang pa raw ang tulog niya. Nakaupo kami ngayon ng Mommy niya malapit sa gazebo habang si Levi at ang Daddy niya at naglalaro ng billiards.

"That's one of their bonding." Biglang sabi ni Atty. Chavez. "Levi and his Dad often go out on weekends, lalo na nung bata pa si Levi. They will spend time together, minsan ay kasama nila si Ethan. Hindi kasi mahilig lumabas ng bahay si Ethan kaya madalas ay nandito lang siya sa bahay." pagkekwento ng Mommy ni Levi.

Sinabi niya sa akin ang pagkakaiba ni Levi at Ethan. Si Levi, maraming kaibigan at marunong makisama, mahilig lumabas at gumala, hindi napipirmi sa loob ng bahay habang yung kapatid niya ay kabaliktaran niya. Palaging nasa loob lang ng bahay si Ethan at bihirang lumabas lalo na kung hindi naman kailangan. Hindi nakakatagal si Ethan sa labas ng bahay. School-Bahay lang ito kaya minsan ay kailangan pang pilitin na sumama sa kanila lumabas.

"We didn't lack communication because that's the most important in a family. I want my family to keep close to each other kaya noon pa lang sinasabi ko na sa kanila 'yon. Kapag may hindi pagkakaintindihan, pag-usapan. If they are having a problem about something, they could tell us.  We're going to listen to them and won't let them suffer alone." sumulyap sa akin ito at ngumiti. Gumanti ako ng maliit na ngiti.

Nakinig pa ako sa mga sinasabi niya. Pareho naming pinapanood ang mag-ama na masayang naglalaro ng billiards. Sumulyap sa akin si Levi at nagtama ang paningin namin. Ngumiti siya sa akin bago muling sumargo.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon