25

375 2 0
                                    


"Hi, baby," nakangiting bati sa akin ni Levi nang sagutin ko ang tawag niya.


Nasa mall siya ngayon at hindi ko alam kung bakit pa siya tumawag sa akin dahil dito rin naman ang deretso niya sa condo ko.


Ngumiti ako sa kanya. "Hello. Bakit ka napatawag?" I asked.


"I just wanted to see you," he said.


Natawa ako. "Makikita mo rin naman ako mamaya. Dito ka uuwi, diba?" sabi ko.


"Naglalambing lang," sagot naman niya kaya pareho kaming natawa.


We talked habang naglilibot siya sa mall. Galing din kasi siya sa group study nilang magkakaibigan. Malapit na kasi siyang grumaduate, ngayong taon na rin 'yon. Malapit na rin ang bakasyon namin at hindi ko pa alam kung anong gagawin namin. Busy na rin kasi madalas si Levi because he needs to prepare for Law School pero hindi naman siya nawawalan ng time sa akin. He still makes time for me. 


"Baby, look," Levi said and showed me a small shoes.


Hindi ko alam kung bakit siya nasa kid's section. He even showed me a bottle for babies! Pati yung crib at iba't ibang gamit ng mga baby. He said it was cute and he wanted to buy it pero sabi ko, wala pa naman siyang anak kaya hindi rin magagamit. Hindi na rin naman magagamit 'yon ni Raia dahil malaki na rin si Raia.


"Babies are this small?" manghang tanong niya habang pinapakita sa akin yung socks ng baby. Kumikinang ang mga mata ni Levi habang nakatingin sa cute na medyas ng baby. "They are cute,"


Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. When he was on his way here we ended the video call and I started to cook dinner na rin since he will sleep here. It's been months and I'm getting better. Hindi na muna ako nagpupunta sa mga club. Bihira na. Nagpunta ako nung birthday ni Fiona dahil hindi naman kasya lahat ng kaibigan niya sa condo niya kaya sa club ginanap. 


They made sure to keep me safe naman. I am thankful for them kasi hindi naman nila ako pinabayaan, especially Levi. He stayed with me the whole party. We also celebrated Christmas and New Year together. Kapag may inuman kaming magkakaibigan ay madalas sa condo na lang. Nagi-guilty nga ako na nag-aadjust pa sila para sa akin.


Okay lang naman sa akin na sa club kami uminom. Okay naman na ako. Wala namang mangyayari kung dadamdamin ko pa 'yon. Pero sabi naman nila mas mabuti na yung nag-iingat kami. Mas mabuti na 'yon para safe kami. Siguro banda banda diyan makakapag club na ulit kami. 


Nakakamiss din kaya!


"Hello there, my beautiful baby," Levi kissed my cheeks after I opened the door.


He went inside and put his bag on the couch. Ako naman ay bumalik sa kusina dahil hindi pa tapos yung niluluto ko. Sumunod naman sa akin si Levi at yumakap sa bewang ko. He sniffed my hair before resting his head on my shoulder.


"Pagod ka?" I asked him. Tumango naman siya. "Okay, kumain muna tayo then pahinga na," sabi ko.


He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon