16

294 4 3
                                    


"Where are you going?"


Napatingin ako kay Daddy. Patay. I'm wearing a black leather pants, black turtle neck top, and a black leather jacket. May dala akong helmet na black din. I'm also wearing a boots. May dala akong bag dahil susunduin ako ni Nathan. Nag-text kasi siya sa akin kagabi na may karera raw sa highway kaya sabi ko sasama ako. 


Motor ang gagamitin ko. He will let me borrow one of his motorcycle since I don't own one dahil hindi naman ako nagpapabili kay Daddy. He knows that I do racing and he's not okay with it pero wala naman siyang magagawa.


"Saglit lang, Daddy. May motorcycle racing sa highway." sabi ko.


Agad na kumunot ang noo niya. "Racing? Makikipag-karera ka?" tanong niya. "That's too dangerous. Fhaye, I told you to stop that, didn't I?" istriktong sabi niya.


Umiling ako. "It's dangerous kapag hindi nag-iingat, Daddy." sabi ko. Angtagal naman kasi ni Nathan! "Come on, Dad. I can take care of myself. Hindi naman po ako mamamatay sa pakikipagkarera." I told him.


Alam kong pipigilan niya ako pero hindi ako magpapapigil. 


"Jenwel Fhaye." he called my name in his very strict voice. 


I pouted and simply rolled my eyes. "Dad, if you're going to stop me, alam mong hindi ako makikinig sayo." I told him. "I'll come back safe, Dad." sabi ko bago lumabas ng bahay nang makita ko ang sasakyan ni Nathan. 


"Jenwel Fhaye!" malakas na tawag ni Daddy sa akin.


Itinaas ko lang ang kamay ko para magpaalam. Nakangisi akong sumakay sa kotse ni Nathan. Napailing na lang siya at mukhang alam na ang nangari sa loob ng bahay. Dumeretso kami sa bahay nila dahil naroon ang motor na gagamitin namin. He parked his car on their garage bago kami bumaba. Malaki ang bahay nila Nathan, malaki ang garahe nila dahil sa mga sasakyan nila. He's Dad is a racer, too, when he was young.


"Margs is already there," he said kaya tumingin ako sa kanya.


Hinagis niya sa akin ang susi ng motor na gagamitin ko. Lumapit ako sa isa sa matataas nilang motor at sumakay doon. Sinuot ko ang helmet ko at nakasabit pa rin sa balikat ko ang bag ko. I started the engene and started to twist the handgrip to make a noise. Ngumisi sa akin si Nathan bago tumango.


He also wear his leather jacket, may t-shirt siya sa loob at naka pants and shoes din. Sinuot niya muna ang helmet niya at sumakay na sa motor na gagamitin niya. Sinenyasan niya ako na maunang lumabas kaya nag-drive na ako palabas. Agad naman siyang sumunod sa akin at sinubukang habulin ang bilis ko. 


Medyo maraming sasakyan at tao kaya medyo bumagal ang pagpapatakbo namin. Pero nang makarating kami sa highway ay doon na ulit bumilis ang pagpapatakbo namin, nilalampasan ko ang mga sasakyan. Maraming tao na manonood dahil talagang inaabangan nila ito.


"Oh my, Jenwel!" tumakbo palapit sa akin si Margaux.


Ngumiti ako ng malaki. "Uy, bebe Margwoks!" pang-aasar ko sa pangalan niya.


Sumama agad ang mukha niya at niyakap ako. "Ngayon lang ulit tayo nagkita, ah?" sabi niya. "I saw you sa bar kaso may kasama kang guy and hindi mo rin maririnig if tatawagin kita." 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon