"Miss Salazar," my secretary called me. Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Ah... you have a meeting po tomorrow." Sabi niya at mukhang natakot pa nung tinaasan ko siya ng kilay.Hindi naman ako nangangain. Bumuntong hininga na lang ako at tumango bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa office ko. Pagkapasok ko ay hinubad ko na ang coat ko at umupo sa tapat ng table ko.
Hindi pa ako nakaka ilang minuto sa pagpapahinga may pumasok na agad na bruha sa loob ng office ko.
"Jenwel! I miss you!" Tumakbo sa akin si Eli. "Pasalubong ko?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gaga, sa Laguna lang ako galing." Sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. "Bakit ka ba nandito? May sarili kayong company, ah."
"Oh, bakit? Bawal?" Sumimangot pa siya. "Bisitahin natin si Fiona sa London," sabi niya sa akin.
Napaawang naman ang labi ko. "Parang anglapit lang ng London kung makapag-aya ka , ah." Sabi ko sa kanya.
She pouted. "Edi, siya ang pauwiin natin dito," sabi niya sa akin. "Let's drink later! Ilang linggo na akong hindi nakakainom," dagdag niya.
Naging madalas ang pag-iinom ni Eli simula nung maghiwalay sila ni Xhenlai. I can still remember those times kahit na ilang taon na ang lumipas. Sobrang sakit non para kay Eli kasi parang naulit lang yung nangyari sa kanya noon. I can still remember how much she suffered and she changed.. a lot.I nodded. "I'm always in kapag inuman ang usapan. I-text mo rin sila, baka sumama." Sabi ko.
Tumango naman siya. She stayed at my office at nakipag kwentuhan sa akin. Ganito naman 'yan, kapag walang ginagawa sa akin dederetso o 'di kaya kay Tom. Naalala ko, umamin si Tom nung lasing siya! Gagi, biglang umamin kay Eli!
I was staring at Eli, remembering how broken she was when they broke up. Nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya. Mas malala pa nga ako. I was drowning myself in tears and alcohol. Inom lang ako nang inom, nilulunod ang sarili sa alak at lungkot pero hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko.
In the past years, I became more stronger. Stronger and braver. I was devastated from what happened and I can't forget, I can't move on, I can't accept that it happened. I want to be mad at the world, they were cruel. They turned their back against me. They left me behind. They shut me out. I was alone... and broken.
Do I regret meeting him? No. Do I regret loving him? No. Do I regret giving him everything? No. Do I regret choosing him? No. Do I regret expecting something from him? Yes. I regret expecting that he will also love me the way I loved him. I regret expecting that he's different from all the boys I've met.
When you love someone, you can give them the love they deserve but don't expect that they will return the love you gave them. That's my biggest mistake, expecting something from someone just because you give them something special.
"Kita kits na lang mamaya," Eli stood up at nagpaalam na aalis na.
I nodded. "Alright. Mag-ingat ka sa pagddrive." I told her.
She smiled. "Yes, Miss C.E.O." She giggled.
Natawa na lang ako at napailing. I continue my work and ilang oras na akong nakatutok sa mga papel sa harap ko so I decided to go out to buy some coffee. Medyo malayo nga lang ang coffee shop sa company namin so I need to bring my car. Grabe, hassle! Bibilhin ko na lahat ng coffee shop dito sa Manila at itatayo mismo dito sa harap ng company para hindi ko na kailangang lumayo.
BINABASA MO ANG
He Stole My Heart (Heart Series #3)
RomanceSelfish, harsh, and rude. That's how Jenwel's family describe her. Her past mistakes, bad reputation, and the impulsive decisions she made in the past, are the only things that her family sees. A good heart but never been seen. Craving for time, lov...