32

404 9 5
                                        


"Hulaan niyo sino nakipagkita sa ex kanina.." 


Aries burst into laughter. Parang tawa ng demonyo!


Lahat sila ay napatingin sa akin dahil nasa akin ang nang-aasar na paningin ni Aries. He was giggling! Nakakairita naman 'tong tao na 'to! I tried to hit him pero nakaiwas agad siya. Bwisit ka, Aries Zarckeus! Sinasabi ko na nga ba, ichichismis mo agad 'yun! Kadarating pa lang namin, 'yun agad ang topic niya!


"What the fuck? Bro, ang speed mo naman?" Tom laughed. 


Umiling ako. "'Wag kayo maniwala diyan! Nagkita lang kami accidentally, okay?!" pagkaklaro ko. "Issue ka, ha!" I raised my middle finger kay Aries pero tinawanan niya lang ako. 


Alak na naman! Pero sino ba naman ako para tanggihan ang alak, 'di ba? Lakas mag-aya nito nila, akala mo ay hindi busy. Hindi ko na lang sila pinansin, umalis din ako sa table namin dahil nakita ko yung mga iba kong kakilala. I went to greet them. Nakipagkwentuhan din ako saglit sa kanila. 


I was laughing with their stories, medyo hilo na ako kaya nawalan din ako ng balance. May nabunggo tuloy ako! Agad akong humarap sa nabunggo ko para mag-sorry. 


"Oh, sorry-" natigilan ako nang makita kung sino ang nabunggo ko. 


He looked at me. "No problem. Are you okay?" he asked. 


Napatitig naman ako sa kanya bago dahan dahang tumango. Agad din akong umiwas at tumalikod sa kanya para ipagpatuloy ang pakikipag-usap ko sa mga kasama ko. But to my surprise, he sat at the couch! Sa kalapit ni Primo! Napatingin tuloy ako sa mga kasama ko nang isa isa nilang batiin si Levi! 


Oh, fuck, Primo's a lawyer!


"Bro, what's up!" Leo's voice. Kababalik niya lang dito sa table. "Oh, Jenwel's also here!" he held my waist and kissed me on the cheeks. 


I just smiled at him to greet him. Tangina, puro lawyer ang narito... Mga kaibigan din ni Levi, obviously. Humarap na lang ako ulit kina Syd at sa kanila na nakipagkwentuhan. Kaso napaka epal talaga ni Leo dahil tinawag niya ako, nasa kalapit niya si Levi!


"Single era is over for you, Salazar! Meet Levi," he introduced Levi to me. 


Of course, he would. Hindi naman niya alam na mag-ex kami dahil hindi ko pa siya kilala nung naging kami at nung naghiwalay kami ni Levi. Tangina na naman nitong match maker na 'to! Ako pa talaga ang nakitang target. Kung alam niya lang ang nakaraan namin nito, ay nako!


Our eyes met. Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman. Tangina... Ngayon lang ulit kami nagtitigan nang ganito katagal. I don't know what to say! Wala naman kasi sa plano ko na makipag-usap ulit sa kanya!


"It's been years... It's good to see you again, Jen.." he said!


Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Leo look shocked! 


"Yeah, it's been so long.." I couldn't say his name!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Sep 10, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Stole My Heart (Heart Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon