15

303 4 0
                                    


"Aalis ako mamaya, Dad." 

"Paskong pasko, aalis ka? Marami tayong bista mamaya, Jenwel Fhaye." kunot noo, masungit na sabi ni Mama. 

"Saglit lang po ako." sabi ko at tumingin kay Daddy.

Tumango siya sa akin. "Be back before dinner." he said. "My friends are on their way here." he added before standing up after wiping his mouth.

After ko kumain ay dumeretso ako sa kwarto ko to change my clothes. I wear a white dress and a white sandals. I also wear a hair clip. Puting puti ako ngayon maliban sa sling bag ko na kulay cream. Matagal akong nakatitig sa sarili ko sa salamin. Kaya ko ba? 

Kaya ko naman siguro, 'no? Kinaya ko ngang umamin kay Levi, e. Speaking of.. ayos naman kami ni Levi. Hindi naman awkward.. sana. Pero nilinaw naman namin sa isa't isa, e. I like him and it's fine with him. Sana lang ay walang magbago sa pagitan namin. 

I am already tearing up hindi pa man ako nakakaalis. This familiar feeling that I hate. Kahit na hirap na hirap aong pangalanan ang emosyon  na nararamdaman ko. Parang ayaw ko nang tumuloy pero alam kong kailangan ko rin ito. 

May mga bisita na sa baba, sobrang dami nga nila! Halos mapuno na ang sala at ang bawat sulok ng bahay namin sa sobrang daming bisita. Lumapit naman ako sa iba kong kakilala. Dito ko na sa baba hihintayin si Levi. 

"You look lovely, Jenwel." Drake said.

Ngumiti ako. "Thank you, Drake." sabi ko naman. 

"I'm with my cousin nga pala." sabi niya. "I'll introduce him to you." he said before calling his cousin. "This is Liam Alvarez, my cousin. Liam, this is Jenwel Fhaye, my friend, daughter of Mr. Salazar." 

I smiled. "Hi, nice to meet you, Liam." Nakangiting sabi ko.

"It was nice to meet you, too, Jenwel Fhaye." he said before offering his hand to me. Tinanggap ko naman iyon.

Sandali akong nakipag kwentuhan sa kanila. Liam is also from Ateneo and he's taking Legal Management, too! Blockmates pa nga yata sila ni Tom! Nagpaalam ako sa kanila nang maka receive ng message kay Levi na nasa labas na siya. 

"Hey," bati ko sa kanya nang lumabas ako. "You want to come inside  muna?" tanong ko.

"Pagbalik na lang natin," he said. Tumango naman ako at pumasok sa loob. "Puting puti, ah." sabi niya.

I rolled my eyes. "Tara na." sabi ko. 

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya. I didn't look at him and told him when are we going. 

Natahimik siya habang nasa biyahe kami. Natahimik din ako dahil hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dumaan muna kami sa market para bumili ng bulaklak. He even bought flowers, too. And finally, we're here. Inalalayan ako ni Levi na bumaba ng kotse niya. Nauna akong maglakad palapit sa puntod habang siya ay nakasunod lang sa akin.

Umupo ako at inilagay ang bulaklak sa kalapit ng lapida ng Mommy ko. Sobrang tahimik ng paligid at mahangin din. Si Levi ay lumapit sa akin at inilagay din ang bulaklak na binili niya. 

Jenina Terese A. Salazar

I couldn't say anything. I was just staring at her grave. Maliwanag ang kalangitan pero hindi ganoon kainit. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga sasabihin ko kay Mommy. Matagal na siyang wala at matagal na rin akong hindi dumadalaw sa kanya. Simula nung ilibing siya, ngayon lang ako pumunta sa kanya. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon