Chapter 77

52 0 0
                                    

"Mabuti na lamang at may ulam kaming binili nung isang araw kaya napaghandaan namin kayo." Natutuwang sabi ng tatay ni Chris. Nasa hapag-kainan kami ngayon at ang inihanda nilang ulam ay Caldereta.


Nakakahiya man pero hindi ko matiis na hindi kumain ng madami dahil gutom na ako at ang sarap ng pagkakaluto. Alam kong masarap magluto si mama pero mukhang panalo ngayon si Tito Antonio. Malupit pala magluto tatay ni Chris. Dito niya siguro namana ang pagkamarunong niya sa pagluluto.

"Maraming salamat po, tito at tita. Ang sarap po nito. Maaari po bang malaman ang recipe niyo." Sabi naman ni Gen at halatang sarap na sarap nga ito sa kanyang kinakain.



"Nako ineng, secret!" Panloloko naman ni tito Antonio at lahat ng mga taong nasa hapag-kainan ay napangiti. Siguro kapag nagtagal ako dito ng kaunti ay paniguradong malalaman ko na kung sino ang pinagmanahan ni Chris. Sa ngayon, ang masasabi ko lang ay kamukha ni Chris ang kanyang ina.


"Ahh secret po ba? Kaya naman po pala sa inyo lang ako nakakakain ng ganitong kasarap." Pagpupuri pa ni Gen sa mga magulang ni Chris. Mukhang siya pa lang ngayon ang may lakas na loob na makipag-usap ng komportable sa pamilya ni Chris. Samantalang ako naman ay dirediretso sa pag kain. Nabigla na lamang ako na maya-maya ay inabutan ako ni Chris ng tissue. Hindi ko alam kung bakit, pero napapansin ko na madalas kaming nag-aabutan ng pampunas sa mukha.


"May amos ka." Bulong niya sa akin. Katabi ko naman siya sa upuan kaya madali niyang nasabi iyon sa akin. Tinanggap ko naman agad ang tissue na iniabot niya sa akin at pinunasan ang aking labi.


"Salamat." Sagot ko at pinagpatuloy pa ulit ang aking pag kain, subalit bigla akong natigilan nang mapansin ko na halos lahat ng tao sa hapag-kainan ay nakatingin sa gawi namin ni Chris.


"Alam kong magkaibigan kayo, pero parang may spark talaga e." Nabigla naman ako sa sinabi ng panganay na kapatid ni Chris na babae. Dahil dito ay medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko at anong reaksyon ang dapat na ipakita ko. Napansin ko pang tinitingnan kaming parehas ni Chris ng mga mahal naming kaibigan at nakangisi pa sila.


"Anong nga ulit pangalan mo, ineng?" Tanong ni Tito Antonio sa akin.


"Sadie Marleigh Borromeo po." Sagot ko kay tito at tumango-tango naman ito nang marinig ang aking pangalan.


"E kahit pangalan maganda rin e. Bakit hindi mo na ligawan, anak?" Sabi pa ng ama ni Chris at inakbayan pa ito. Muntik pa akong mabulunan nang marinig iyon sa bibig ng ama nito. Bakit naman kailangan nilang kaming pagtripan? Mas nahihiya tuloy ako ngayon tapos si Chris pangiti-ngiti lang na may halong kahiyaan.


"Papa Antonio naman, magkaibigan lang po kami ni Sadie." Sagot naman ni Chris at nakahinga naman ako ng maayos dahil sa naging sagot niya. Alam kong may nararamdaman pa kami sa isa't isa pero hindi pa rin kami at sa tingin ay may kailangan pa kaming ayusin at linawin. Sa katunayan, gusto ko na rin magkaroon ng pagkakataon na makausap si Chris na kaming dalawa lang kaso mukhang malabo pa sa ngayon dahil nakalaan ang oras niya upang mas makilala ang kanyang pamilya.


"E mga hija at hijo, kamusta naman ang anak ko? Lalo ka na Neil, magkwento ka naman sa amin dahil tinuring kapatid mo itong si Chris at mas matagal ang inyong samahan." Sabi naman ni Tita Criselda sa amin.


"Kailangan ko po bang simulan noong baby pa siya?" Tanong naman ni Kuya Neil at willing naman ang ang buong pamilya na marinig iyon. Kitang-kita pa nga na excited sila sa pagbabahagi ni Kuya


"Noong baby pa po si Chris, ang masasabi ko po ay napaka-iyakin niya pong bata. Halos hindi na po kami makatulog araw-araw dahil iyak po iyan ng iyak. He always wanted attention and most of the time he's always hungry at kapag matakaw sa gatas ay madalas din naman pong nata---....nagbabawas." Natawa naman kaming lahat nang muntik niya nang mabanggit ang tae habang may kumakain pang tao.


A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon