Chapter 13

42 2 0
                                    

"Isang shot lang girl, dali!" Pagpipilit pa sa'kin ni Gen. Pero umiling ako.


Natatakot kasi  ako kapag nalalasing ako. Hindi ako aware sa mga ginagawa ko kapag lasing like the last time muntik ko ng halikan si Aaron pero buti na lang at pinigilan ako non.


"Ayaw ko nga Gen! Okay na ako sa spaghetti. Hoy Neil! Ang sarap ng spaghetti niyo ah." Sabi ko pa kay Neil habang iniikot ko ang aking tinidor sa spaghetti.


"Our mom did that. She's really a great cook." Proud pa na sabi ni Neil at inakbayan nito si Gen.


"Oh si Eliza pala ay narito." Sambit ni Gen at napalingon naman ako sa tinuturo nito. Nakita ko si Eliza at kasama nito ang buong Estrellas. Zayden was maybe texting, Kuya Benj is having a shot and Justine and Chris are both entertaining Eliza. Epal talaga si Justine.


Napatingin pa ako sandali sa letter na ibibigay ko kay Chris at nagdadalwang isip kung ibibigay ko iyon sa kanya o hindi na. Pero sayang naman kasi kung hindi ko ibibigay.


"Uyy dali na, Sadie. Isang shot lang e. Sayang e. The night is wonderful tsaka minsan lang toh." Sabi pa ni Gen habang inaabot nito ang isang maliit ng basong alak. Napatingin pa ako kay Aaron at tumango naman ito.


"Okay lang na uminom ka pero huwag sosobra. Kasi nakakatakot ka kapag nalalasing. Mamaya kung sino ang halikan mo diyang lalaki. Lagot ako kay Tita." Sabi pa ni Aaron at tinanggap ko na ang alak na hawak ni Gen at dirediretso ko iyon ininom.


"'Yan!" Tuwang tuwa na sabi ni Gen at nakita ko ring kumuha ng isang shot si Thalia. Knowing Thalia. Akala niyo inosente lang 'yan at alam lang ay magbasa ng libro pero hindi. Malakas ring uminom si Thalia pero hindi kaagad nalalasing.


"Pahingi pa nga ng isa Gen." Sabi ko pa rito at napatingin sa'kin si Aaron. Hindi ko ito pinansin at uminom pa ng isa. Ganito kasi kapag nakainom na ng isa, sunod-sunod na. Hanggang sa malasing ako.


"Ay dahan-dahan girl. Hindi natin sure kung mahahatid tayo ni Neil ngayong gabi kasi for sure maglalasing iyan." Sabi pa ni Gen at pinisil pa ang pisngi ni Neil.


"Punta lang akong CR." Sabi ko pa kasi nakaramdam ako ng pag-iihi. Tumayo kaagad ako at dali-daling naghanap ng CR.

Napahilamos naman ako sa aking mukha nang mapagtanto ko na hindi ko alam kung saan ang CR dito. Bakit naman kasi biglaan ang pag-iihi ko? 'Yan nagpipigil tuloy ako.


"Uhmm Excuse m—" Magtatanong sana ako sa babae kung saan ang CR kaso nilayasan kaagad ako.


I tried to approach other girls. But they are busy dancing and talking with other girls. Yung iba naman snob. Napakamot pa ako sa aking buhok dahil naiinis na ako sa mga tao dito tapos nagpipigil pa ako. Shuta naman oh. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Chris na ngayo'y palapit sa'kin.


Everything went slowmo when he's walking on his way to me. Those messy hair, I would love to touch that. His brown eyes, the nose then to his lips. Dalawang shot pa lang naiinom pero parang ang manyak ko na.


"C-chris." I stuttered pero nilagpasan lamang ako nito. But I stopped him by helding his arm.


"What is it?" He said.


"Nasaan ba CR dito?" Tanong ko sa kanya at nagpipigil na lang talaga ako ngayon.


Bumuntong hininga pa ito saglit at sinenyasan niya akong sundan siya. Napakagat pa ako sa labi ko  habang sinusundan si Chris. Iniisip kung ibibigya na yung love letter o hindi.



A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon