Chapter 40

50 0 1
                                    

Right now I'm with Chris. Nakatayo lang kami at parehas nakatitig sa kawalan habang kumakain ng binatog. I just really want to talk but what should I say? Wrong move kapag si Eliza ang pinag-usapan baka maiyak lang kaming dalawa dito.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pumayag na samahan siya. Maybe to comfort each other...pero sa paanong paraan? Kailangan talaga may masabi ako sa kanya, para rin siguro gumaan yung pakiramdam namin kasi sa katunayan, ang bigat pa rin talaga.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kawalan. It's really awkward talking to him like I need to take some courage to face him because I'm feeling kinda shy with him by my side. Tamang patingin-tingin lamang sa paligid pero kapag haharap na kay Chris ay naiwas kaagad ako. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa kanya? Like nasaan na si Sade walang hiya-hiya at feeling close?


"I was about to talk to Justine but..." Narinig ko pa itong bumuntong hininga at dahil doon ay napatingin na ako sa kanya. My eyes softened when I saw his serious yet lonely expression. I think he's still having a hard time, I mean I'am having a bad time too pero mas malaki ang impact sa kanya. Just imagine a bestfriend betrayed you, the father of your love's child and with that, she died. Sinong hindi magagalit at malulungkot doon? Masakit iyon sa pakiramdam ng isang tao.




"But it looks like I'm still not ready..." Hindi ako umimik ngunit seryoso akong nakikinig sa mga sinasabi nito. Napatingin na lamang ako sa plastic cup na may laman pa rin ng kaunting binatog kaya naman kinain ko na lamang iyon kasi baka lamigin pa.


"To forgive him?" I said while looking at him and he immediately nod. Nakailang segundo pa ako bago magsimulang magsalita kasi nag-iisip pa talaga ako ng sasabihin.


"Tara maglakad." Sabi ko ba at nangungunang maglakad sa kanya. Nahihiya talaga ako sa kanya at hindi ko rin talaga alam kung bakit. Siguro ang dami na ring nangyari sa aming dalawa. Katulad na lamang ng hindi na kami nagpapansinan dati, yung pagtago ko ng sikreto ni Eliza at siguro dahil alam niya ring may gusto ako sa kanya.


So habang naglalakad nga ako ramdam ko na rin naman na sumusunod na rin sa akin si Chris pero nananatili itong nasa likod ko. Feeling ko mas awkward kung nasa likod ko siya so binigyan ko siya ng space at hinintay ito para nasa tabi ko ito habang naglalakad. We're really covered with silence, no one dared to talk but I got this weird feeling when his handa brushed against mine so decided to hold my other hand so that it will not happen again.


"Nakakapanibago." Sambit ni Chris kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. I was to avoid facing him again when I met his gaze but his smile stopped me.


"It is kinda unusual for you that I'm not the noisy Sadie, am I right?" He nodded and suddenly scratched the back of his head.


"But I understand you." Sabi pa nito.


"How have you been these days?" I suddenly asked. Hindi ko rin kasi talaga siya nakikita sa school so I decided to ask him that.


"Ayun...mabigat pa rin sa pakiramdam. Hindi siya mawala sa isipan ko. We're just together just for a short time and I really wanted that to be extended pero wala ng pag-asa. Wala na si Eliza, wala na yung babaeng unang minahal ko ng higit pa sa sapat. Nakakabigla, Sadie. Hindi pa rin talaga nagsisink in sa akin. With that, I'm not really doing well with my studies kahit anong pilit ko. Bakit kasi kailangan niya pang mawala? Bakit kailangan pa akong traydorin ng kaibigan ko?" Tumingin siya bigla sa itaas at halatang pinilit na ngumiti. I'm actually worried about him so I decided to tapped his shoulder and tried my best to give him my best smile.


"Huwag mong pigilan, Chris. Mas bibigat sa pakiramdam kapag pinigilan mo." I said and he started crying in front of me. I gave him my handkerchief and he immediately accepted it.


A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon