Chapter 38

46 0 0
                                    

"Saan ka galing?" Tanong sa'kin ni mama. Kakauwi ko lamang galing school dahil pinuntahan ko si Chris doon. Well, actually, hinatid niya ako dito. Pero wala na rin siyang magpakita kay mama dahil nakakahiya at haggard siya tapos ang mga nito ay pugto.


"Mama..." Tumingin ako dito habang kinakaya ko pang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. My mother's eyes got softened when she saw my face. I know I looked miserable, alam kong mahahalata ito ni mama and I immediately hugged her so tight.


Seeing Chris that way really hurts me. Ano pa kaya kung nalaman niyang buntis si Eliza at ang ama ng anak nito ay ang matalik niyang kaibigan na si Justine? I even remember what Justine said last time, nakakatakot talagang magalit si Chris.


Pwede bang bumalik na lang sa panahon kung kailan masaya kaming lahat, yung araw na ayos pa yung dalawa, yung araw na walang taguan, walang lihim at walang nagawang pagkakamali. I just really wanted to go back to the time when I was really laughing with Chris, having  a small chitchat with him, helping him with his song lyrics, I even lectured him about how to court a girl, telling him some lines from the book tulad na lang yung 'I love you.' Tama naman ako na every love story has that line pero ito rin yung line na gustong sabihin in real life kay Chris.


Ang salitang 'I LOVE YOU'


Eight letters, three words, A simple sentence but the meaning is deep and sacred. Pwede kang pasayahin pero pwede ka ding paiyakin. 


Parang wala na rin siguro akong chance para masabi iyon. Maybe nakareserve na yung I love you ko sa ibang tao. Baka siguro dumating lang siya sa buhay ko para may matutunan ako. Well, Christopher Aurelius Escareal did taught me to be very simple na kahit gaano pa kataas ang estado mo sa buhay ay kailangan mo paring maging mapagkumbaba. He even made me realize that they are still guys who are really into old style kind of courting at tsaka iba talaga magmahal ang lalaking ito.


"Anak, bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni mama. Binigyan ako ni lola ng isang basong tubig. Tinanggap ko naman habang paupo pa lang kami ni mama sa sofa. Hinihimas nito ang aking likod para pakalmahin ako sa pag-iyak. Gumana naman, kumalma naman ako kahit papaano.


"Mah...Alam kong ang weird pero okay lang bang masaktan rin para sa kaibigan mo?" I asked pero mukhang hindi ito siguro naiintindihan ni mama.


"It's weird right? Pero mah, hindi ko talaga kaya...ayaw kong nakikitang nasasaktan 'yun." Dagdag ko pa.


"Alam mo anak, kung sino man yang kaibigan mo siguro ang swerte niya sa'yo. Siguro kung kaibigan mo ako Sadie, nagpapasalamat talaga ako at dinadamayan mo ako, na ayaw mo talaga akong nakikitang nasasaktan. To be honest anak, proud na proud sa'yo si mama. Kita mo yung ginawa mo kay Eliza, grabe yung pasasalamat ng ina niya sa'yo. Napakabuti mong kaibigan, ang sensitive mo pagdating sa feelings ng ibang tao and yet you didn't judge a person but encourage them to be hopeful. Just look at the woman you have become. Wala akong masabi anak, you're just the best daughter I ever had. Love ka ni mama anak. Tulungan mo lang maging matatag ang kaibigan mo. Alam kong pagkatapos ng lahat Sadie, magiging masaya rin siya." I hug her once again. I'm just really glad I have an understanding, supportive and strong  mother.


"He will receive happiness soon. He deserve it. Chris really deserves to be happy." I said.


*


"Uyy okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Gen. Tumango naman ako habang umiinom ng dutch milk. Sabi kasi nila pwede daw itong pampagising ng diwa lalo na kapag inaantok tuwing tanghali o hapon.


"Hindi." Simpleng sagot ko. Hindi na rin naman makakalusot yung pagsisinungaling ko about sa feelings ko. Nakakalungkot pa rin talaga e. Hindi talaga mapakali. Just like Justine's, halo-halo na rin yung emosyon ko.


A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon