Chapter 33

28 0 0
                                    

"Uhhh...guys? Are you okay? Mukhang stress na stress kayo ah? Daming gawain?" Concern naman na tanong sa'min ni Thalia. Halos nakahalumababa kaming apat at pinagpapahinga ang aming mga ulo.


"Red, Green, Yellow, Blue, Indigo, Pink..." Rinig kong bulong ni Aaron sa sarili niya at halatang sobrang lalim ng iniisip nito. Si Thalia naman ay napakunot ng noo dahil sa pinagbubulong ni Aaron. Kahit ako nga rin ay nagtataka.


"Hoy! Pinagsasabi ko mo diyan?!" Iritadong tanong ni Gen kay Aaron dahilan kung bakit nagitla naman ito at sinimangutan si Gen.


"Bakit ka galit diyan? Sorry na! Dami ko kasing iniisip. Pucha ang dami ko pang gagawing artworks. Mageedit pa ako ng pictures." Reklamo pa ni Aaron at hinilot-hilot pa nito ang dalawang gilid ng ulo nito.


"Akala mo ikaw lang? Dami ko rin gagawin e." Sabi pa ni Neil na nakasandal na ngayon ang ulo sa balikat ni Gen at nakapikit. Si Gen naman ay nakatulala na at nakakrus pa ang mga braso nito sa kanyang dibdib.


"Don't worry, kakayanin naman kahit sobrang hirap. It's not that bad to rest for a while." Medyo mahina-mahinang sabi ko pero pakiramdam ko ay sapat na iyon para marinig nila.


"Gusto ko ng gumaraduate haha." Nakangiting sabi pa ni Gen at nadala naman kami sa motivation na iyon. Lahat kami ay gustong gumaraduate at iyon ang nag-iisang motivation kung bakit kahit gaano kahirap, kakayanin para sa pangarap.


"Same!" Thalia said with a smile on her face too. I know everyone would be successful someday, basta ga magsisikap ay magtatagumpag ka.


Pero habang pinag-iisipan namin yung mga gawain pa namin, may isa pa rin talagang gumugulo sa'kin that makes me really worried. Simula kasi ng malaman ko yung sitwasyon ni Eliza, I often visit her at her house. Kasi nakakatakot, at a very time like that, nakakatakot na baka kung anong maaaring gawin ni Eliza sa sarili niya sa sobrang sakit na nararamdaman nito.

I suddenly checked the time, Alas tres na pala ng hapon. Akala ko pa naman magmermeryenda kami dito pero mukhang wala ng mga balak dahil sa sobrang lalim ng mga iniisip except kay Thalia na chill na chill pang umiinom ng kape habang nagbabasa.


"Ano tara na?" Pag-aanyaya ni Aaron sa'min. Even Aaron doesn't have the mood to make some jokes or what. Tumango naman na sina Gen, Neil at Thalia habang ako naman ay nakahalumbaba lamang at nakatingin sa kanila.


"G na akong umuwi. Next time mga guys, kapag natapos natin lahat gala tayo." Nagsitayuan naman kaming lahat at napangiti sa narinig ni Neil. Gala na naman. Pero Iyan naman yung dahilan kung bakit kami nakakagawa ng magagandang memories tsaka mas nagiging close pa talaga kami.


"Hoy New York tayo mga bhie." Sabi pa ni Aaron at natawa naman ako kay Aaron dahil umakto pa itong bakla. Akala ko pa naman ang seryoso ng lalaking ito, pakitang tao lang pala.


"Greece tayo." Suggest ni Thalia. Well, maganda rin sa Greece. As a matter of fact, gusto kong puntahan lahat.


"No! Korea tayo, madaming mga oppa." Sambi pa ni Gen at napailing naman ako. Buti na lang open si Neil sa mga ganitong bagay. Kahit ang daming crush ni Gen, He's really open to it, kumbaga may tiwala ito kay Gen na siya lang ang mahal nito kahit madami man itong crush na ibang lalaki.


"Payag ka nun, Neil. Pinagpapalit ka sa mga oppa?" Pang-aasar pa ni Aaron kay Neil but Neil just smiled.


"Hindi syempre. Pero alam ko namang mas mahal ako ni Gen kesa sa mga iyan. I can be her oppa, Philippine Version." Natatawang sabi pa ni Neil at hinalikan naman ito ni Gen sa pisngi.

A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon