Chapter 70

42 0 0
                                    

"Oh my gosh, you are not gonna believe this. Zayden's new music video will be released after ten minutes! And it will be broadcasted at all the billboards in Manila. So you better wait for it party people, his coming back again with his new love song, 'When Two Hearts Met.'" Nanonood ako ng live ni Justine at medyo naiinggit ako kasi gusto ko makita ng personal ang event na iyon. Magaganda ang nagagawa ni Zayden na musika at nang malaman na may bagong album siya ay gusto ko pakinggan iyon. Sa inggit ko na lamang kay Justine ay nag-comment ako sa live niya na 'Hoy ang daya mo naman, dapat nag-aya ka.'


"Hala, Sadie. Sensya na marecakes, masyado akong naging excited sa music video ni Zayden kaya nakalimutan na kita." At napailing pa ako na may ngisi sa aking labi nang marinig ang sagot ni Justine. Talagang binigyan pa ako ng peace sign at tumawa. Pinakita niya rin na kasama niya si Jazmine at ramdan ko rin ang pagka-excited niya.


"Ano baby, excited ka na makita si tito Zayden mo?" Tanong ni Justine sa kanyang anak at nakita ko itong tumango.


"I'm excited, daddy. But I can't see here, there are so many tall people." Natuwa naman ako nang makita ko ulit si Jazmine. Nakasuot siya na white shirt at naka-denim jumper shorts. White ang kulay ng shoes nito at galing pa sa nike. Nakaayos sa ponytail ang buhok nito at may design na ribbon na kulay rosas ang kanyang pamuyod. Napakagandang bata, ang sarap panggigilan.


Napansin ko namang binigay ni Justine ang cellphone niya kay Jazmine at isinakay niya ito sa kanyang balikat para makakita siya ng maayos. "You can see it na?" Tanong ni Justine at tumugon naman si Jazmine ng 'opo'.


"Ikaw na muna bahala sa live Jazmine. Dapat 'yung makikita ang kabuuan ng music video." Rinig ko pang sabi ni Justine sa kanyang anak at nagkasundo naman silang mag-ama. Nak-kyutan ako sa kanilang mag-ama kasi ang close nila. Sa bagay, paano naman sila hindi magiging close e kung lumaki si Jazmine sa alaga ng kanyang tatay.


"Anong pinapanood mo Sadie?" Tanong sa akin ni Lola habang nananahi na naman ng tela.


"Music video lola, gusto niyo manood din?" Umiling naman si Lola sa akin at pinagpatuloy ang kanyang pananahi. Nang makalipas ang sampung minuto ay nakita ko na sa live na nagsisimula na 'yung video mula sa billboard. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil nakakaramdan na ako ng excitement para sa bagong kanta ni Zayden.


"Five."


"Four."


"Three."


"Two."


"One!!" Pagpatak talaga ng one ay kahit ako ay napasigaw na rin. Sobrang daming tao rin ang nag-countdown kaya grabe na ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa excitement para sa kalalabasan ng music video ni Zayden. Napansin ko pa ngang nagitla si Lola sa pagsigaw ko kaya nag-peace sign na lang ako sa kanya na may malawak na ngiti sa aking labi.


"Hi everyone! Before we start the music video. I just wanted to introduce to you the very special person, the  reason why I've come this far. The person who has the strong personality. The person who has full of hopes and dreams in her life. She's a woman who doesn't give up easily and will stay with you no matter happen. So Maddie, if you're watching this, this song is really for you. I love you baby, and I always will." Napakagat ako sa aking labi at grabe ang paghampas ko sa sofa namin dahil sa kilig. Napansin ko ulit na tumingin sa akin si Lola at nakataas ang kilay nito na para bang nagtataka kung bakit ako ganito.


"Sensya na, lola. Kinikilig lang." Napailing na lang si Lola sa akin at pinagpatuloy ulit ang pagtatahi niya ng tela.


After nga ng introduction ni Zayden ay nag-pop up na iyong first scene ng music video niya. Ang alam ko sa New York iyon kinuha kasi kaya nga pumunta sina Aaron doon para mag-shooting kasama si Zayden. Kasunod ng scene na iyon ay mga videos at pictures nila ni Maddie. Na-realize ko bigla na habang pinapanood ang video na ito ay hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Nakakakilig ang love story nila at mapapasabi ka na lang na ang sarap ma-inlove. Actually, I consider both of them as one of the sweetest couple. Lahat ng videos at pictures nila na nakita ko sa music video ay tumatak sa puso't isipan ko at nakikita ko na rin ang sarili kong naiiyak sa tuwa.


A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon