Chapter 79

33 0 0
                                    

"Nurse Sadie." Tawag sa akin ng isang doctor mula sa isang room ng pasyente at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Sa totoo lamang, nagulat din ako nung tinawag niya ako at medyo naguguluhan kung bakit tinawag niya pero wala naman na akong magagawa dahil kailangan kong sumunod.



"Please help us prepare the operating room. We'll be starting the surgery to remove the tumor from that woman." Sabi sa akin ng doctor at agad naman akong tumango sa sinabi nito. Matapos ang usapan namin ni Dok ay agad akong kumuha ng mga tools na kailangan para sa surgery at nilinis ang mga iyon. Sumunod ang isang nurse sa akin at tumulong na rin ito.



Pagkatapos no'n ay naidala na rito ang pasyenteng magpapasurgery. Nasulyapan ko pa na nakatingin ito sa akin at nginitian ko naman ito bilang pagbibigay assurance na maililigtas namin siya. Tumango naman siya nang makita ang assurance ko at nag-sign of the cross na rin para gabayan siya ni Lord.



Tinulungan ko na rin ang ibang doctor na magsuot ng mga face mask at gloves matapos nilang maghugas ng kamay para sa surgery na gaganapin. Nang matapos ang mga kailangan i-set ay balak ko na sanang umalis dahil mukhang hindi na ako kailangan sa operation room pero pinigilan ako ng isang doctor.



"Nurse Sadie, forgot to remind you that you're with us. Please join use with the operation. We appreciate the assistance." Sambit naman ng doctor sa akin at tumango na lang ako sabay suot ng face mask, bouffant, at gloves pagkatapos ay lumapit na rin ako sa pasyente.



Nang makapagsimula na kami ay syempre inuna muna turukan ang surgical patient ng anesthesia bago nilang simulang guhitan ang sinapupunan ng babae para kanilang hiwain gamit ng scalpel na inabot ko sa isang doctor. Medyo ramdam ko ang panginginig ng aking kamay dahil bigla kong natandaan ang nangyari sa huling surgery na ginanap namin. Ang tanging panalangin ko na lamang ay sana hindi na iyon maulit.



"Nurse Sadie, your hands are trembling. Relax lang hindi na mauulit iyon." Sabi ng nurse na nakasama ko na rin sa huling surgical operation noon at napangiti ako rito dahil nakatulong iyon sa pagpapakalma sa akin. Hindi na din dapat ako natatakot ngayon dahil kapag natakot ay baka ako na ang maging dahilan ng pagkamatay nito which is hindi ko talaga matatanggap iyon.



Nang mabuksan na naman ng mga doctor ang sinapupunan ng babae ay tumulong ako sa pag-control ng dugo nito habang hinahanap nila ang tumor. Habang ginagawa ko pa ito ay maya't maya ang tingin ko sa medical ventilator para matingnan ang respiratory rate nito.



Maya-maya ay natuklasan na nila ang tumor ang isang tumor sa sinapupunan nito at tumulong ako sa pag-adjust ng ibang parte nito para magkaroon sila ng maganda view sa tumor na ito. Inabot naman ng isang nurse ang isang tool na pwedeng makatulong sa pagtanggal nito. Nakapanood lamang ako rito habang tumutulong pa rin sa pag-control ng dugo hanggang sa bigla ko na lamang nakita na bumaba ang oxygen rate nito.



"Doc, the oxygen rate is going low. Approximately you have thirty seconds to retrieve it quickly." Kalmadong sabi ko sa isang doctor at dali-dali namin silang gumawa ng paraan para maibalik ang normal respiratory rate nito. Sa tingin ko naman ay normal kabahan sa ganitong sitwasyon pero ang mahalaga ay huwag magpanic.



Nakahinga naman ako ng maayos nang maibalik na sa normal ang respiratory rate nito kaya naman pinagpatuloy ang ulit ang operation nito at makalipas ng mga kwarentang minuto ay nakahinga ako ng maayos nang matanggal ng isang doctor ang tumor sa sinapupunan nito.



"Thank you Lord!" Sabi ko na lang sa sobrang tuwa ko nang matanggal nila ang tumor na iyon. Tinapik naman ako ng doctor sa aking likod ng dalawang beses at nakangiting nakatingin sa amin lahat.


A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon