Chapter 80

62 0 0
                                    

"Good afternoon po!" Nakangiting bati ko sa pasyente at sa magulang nitong kasama. Ngumiti din naman sa akin ang magulang at malaya kaming pinapasok sa room nila para matingnan ng mabuti ang pasyente.



"Nurse, mukhang okay na po ang anak ko. Kailan po kami pwedeng ma-discharge?" Tanong pa sa akin ni nanay at inabutan ko siya ng reseta bago ko ibahagi sa kanya ang balita na pinasasabi sa akin ni Dok para sa kanila.



"Kaya po ako narito ngayon para sabihin sa inyo na pwede na kayong ma-discharge within the day. Siguruduhin lang na maayos na po ang financial transactions po nila bago po umalis. Ang inabot ko po sa inyo ngayon ay reseta ni Dok, kinakailangan po siyang inumin within a month para thoroughly recovered na po siya sa kanyang sakit. Nakalista na rin naman po diyan kung ilang beses po siya iinom ng mga gamot sa bawat araw." Malumanay kong pinaliwanag sa kanya lahat para mas maintindihan niya. Inaasahan ko pa sana kung may itatanong siya pero mukhang naiintindihan niya naman lahat ng aking mga sinabi.




"Maraming salamat po, nurse." Sabi naman sa akin ng magulang at napansin ko ang pag-ngiti sa akin ng kanyang anak na babae.




"Maraming salamat din po sa pagtiwala sa amin. Ingat po kayo sa inyong pag-uwi at ako na rin po ay magpapaalam dahil may aasikasuhin pa po akong ibang pasyente." Sabi ko naman at nagpaalam na rin sila sa akin. Pagkatapos no'n ay umalis na ako sa room nila at tiningnan sa aking chart kung alin pa dito ang kailangan kong bisitahin. Bago pa ako makapunta sa isang pasyente ay naghanda muna ako ng gamot na kailangan niyang matanggap para maibsan kaagad ang sakit nito.



Since rounds ko ngayon, ilang oras na ang nakalipas ay paikot-ikot lamang ako dito sa hospital para lamang mabisita at mabigyan ng gamot ang bawat pasyente na nakaassign sa akin.  Nang matapos naman ako dito ay nananghalian ako kasama sina Gladys, Natasha, at Hannah.



Tanging pinag-usapan lang namin ay tungkol sa mga nagawa namin kanina tungkol sa rounds tapos si Natasha naman ay nagbahagi pa ng mga chismis na narinig niya sa ibang nurse. Hindi rin naman kami nagtagal dahil may mga iba pang nurse na hindi pa nakakakain. Nagkahiwa-hiwalay na rin kaming apat dahil may trabaho pa kaming kailangang ituloy.



Wala naman akong tigil maghapon. Tamang rounds lang ulit, encode, at tumulong sa mga preparation ng mga gamot at tools na gagamitin para sa operations. Halos ayon ang mga ginawa ko hanggang sa abutin na kaming lahat ng gabi. Since sa daytime ako, maya-maya rin lang ay dumating na ang ka-shiftmate ko at binigay na sa kanya ang chart sabay pinaliwanag na rin kung ano pa ang mga kailangang gawin. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa.



Habang kinukuha ko ang gamit ko sa aking locker ay narinig ko namang nag-ring ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at medyo nabigla ako nang makita ang pangalan ni Aiden. Kumunot pa nga ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit siya tumatawag sa akin ngayon. Matagal-tagal na rin pagkatapos ng huli namin pag-uusap.



Kinagat ko ang aking labi habang nag-aalinlangan kung sasagutin ko ba ito o hindi. Natatakot kasi ako na baka ibalik niya na naman 'yung nangyari sa amin dati. Ayaw ko na rin marinig mula sa kanya na gusto niya na ulit akong maging nobya niya at mangangako na naman na kung ano tapos hindi niya tutuparin. Pero naiisip ko rin naman na baka gusto niya lang makipag-usap ng ayos.



Sa kaiisip ko ng malalim ay biglang namatay ang tawag pero hindi na kaagad nagpalipas ng ilang segundo at tumawag muli sa akin. Pabalik-balik ang aking kamay dahil naguguluhan ako kung sasagutin ko ba o hindi. Huminga pa ako ng malalim at pinag-isipan ng maayos.



"Sasagutin ko ba siya o hindi?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa aking cellphone na patuloy pa rin ang pag-ring. Binigyan naman ako ni Aiden ng space pagkatapos ng huling away namin at sa tingin ko nasa matinong pag-iisip na siya ngayon. Kaso hindi ko pa rin alam e. Natatakot kasi akong magkaroon ng kaguluhan pa sa kanya.



A Connection Untold (Estrellas series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon