13

11 1 0
                                    





Jazrich's POV


Days went on so smoothly. 

I moved in with them. Para silang nagsilbing kapamilya na matagal ko nang hinahanap.

Minsan medyo kinakabahan ako kasi puro nalang kami kasiyahan. Kahit pagod sila magpursue ng career, pagod sa trabaho at school works or let's just say na pagod silang lumaban sa buhay. They remained optimistic.

Unlike me. All my life I'm succumbed by sadness. I felt like sobrang bigat ng buhay ko.

They basically taught me how to live through the pain.



"Ano iniisip mo?" Usisa ni Niko. Hindi pa nakuntento, sinilip pa ang mata ko gamit ang isa niyang mata.

"Wala. Ikaw baka pagod na si Ken kakatakbo sa isip mo" asik ko sakanya. Pinalo niya ako sa hita sabay lumingon sa mga kasama namin. Ouch.

"Bakit ka ba nag-iisa nanaman dito sa sulok?" Aniya. Saka pabagsak na umupo sa tabi ko.

"Pagod ako eh" tipid kong sagot sakanya. Umismid siya sa sinabi ko ngunit hindi na uli umimik.

Tahimik lang kaming nagmamasid sakanilang lahat. Tila hindi nila napansin na nawala kami sa circle. Busy mag-asaran eh.

Huling araw ng practice naman na at kabisado na namin pati mga pwesto namin. Ayos lamg sigurong tumambay tutal nandito na kami nagpapractice sa mas malaking studio nila.

Naagaw ni Joei at Stell ang atensyon ko. Nung mga nakaraan kasi nakikita ko silang nagbubulungan. Pasimpleng ngingiti si Joei pero biglang magbabago ang ekspresyon kapag tumingin ang mga pinsan niya. Weird. Bipolar ata?

"Sa tingin mo ano kaya nangyari nung nagwalkout si Joei?" Si Niko. Hindi ko alam ang isasagot. Naglilihim din kasi 'yong isa. "Eh ikaw bakit kayo ganon ni Josh kalapit?"

Napalingon ako sakanya, nag-iisip ng sasabihin. Sa totoo lang wala din akong ideya. "Hindi ko rin alam" napamaang siya sakin.

"Eh bakit ganon 'yun sayo? Pinopormahan kana ba?" Bulong niya. Aamin ba ako? Wala naman sigurong masama.

"Wag kang maingay." Sumenyas akong lumapit siya baka marinig kami ng lahat. Aware ako na bawal pa sa boys ang magreveal ng relationship dahil kakasimula lang halos ng career nila. That's why I'm planning to keep this as a secret kaso mapagkakatiwalaan naman sila.



"We're dating" agad kong tinakpan ang bibig niya. Bayolente na kung bayolente. Halata kasing sisigaw 'to anytime soon.

Hindi ko talaga bibitawan ang bibig niya hanggang sa kumalma siya.

Hahawakan ko pa sana ng mas matagal kaso dinilaan niya kamay ko. Kadiri andaming laway!

"Ano!?" Pabulong niya akong sinigawan sa tenga. Tatalsik ata lahat ng tutuli ko.

"Yup. Bale isang taon na kami next month" lalo niya akong niyugyog. "Teka lang makakalas na mga buto ko sayo eh"

"Pano?!" Halos lumabas na eyeballs niya sa bungo niya ngayon.

"Matagal na akong trainee. Bumabalik lang ako" hindi kasi talaga ako nagtatagal no'n. I just love dancing. I do it to escape the world.

"Noon palang nanliligaw na siya sakin. Sabi niya hihintayin niya akong mag-18." Akala ko nga noon nagbibiro lang siya. He used to tease me na para daw akong puno at siya naman yung koala.

Kaso nung nag-18 ako bigla akong umalis ng walang paalam. Gusto kong ayusin ang buhay ko no'n. I chased mom and dad kahit may sarili na silang pamilya.

At 19, nakita ko siya right at my door, crying out of joy. Nasa probinsya ako noon. Saktong namamaalam sa relatives dahil nagpaplano akong tapusin na ang lahat.

But there he was. Crying uncontrollably because he found me.
Dun ko narealize na baka may chance pa ako sa buhay. May isang taong malulungkot kapag nawala ako.

"Hindi ko na siya pinatagal manligaw. Matagal na siyang naghihintay sakin eh" I smiled.

She was still inshock kaya hinayaan ko muna. Mukang tutulo na ang laway dahil kanina pa nakanganga.

Maybe that's why I'm desperate to have them around. They made me realize na kahit mahirap, ang sarap pala mabuhay.

"Si Ria alam ko may gusto siya kay Josh" siniko ko ng kaunti si Niko. Baka mastroke na.

"O-oo pero I think 'di naman ganon yun kalalim. Ina-idolize niya lang si Josh" mukang natauhan ito dahil umayos ng pagkakaupo. "Bagay naman sila ni Jah"

Tumango ako. May pagkamanhid nga ang isang 'yon. "Eh kayo ni Ken kamusta?"

"W-wala namang kami ah? I mean kakakuha niya palang ng number ko kagabi tapos---" defensive. Wait.

"Kinuha niya number mo?" Kaya pala nakangiti sa cellphone kagabi. Pareho sila ni Joei.

Scratch that, si Niko lang siguro ang dahil sa lovelife. Sinilip ko ng pasimple cellphone ni Joei.

Nanunuod siya ng animation na nagsasaksakan. Tapos nakangiti? It creeped me out. Si Ria busy kakapanuod ng nagtatanggal ng blackheads. Nanggigigil pa.

I guess si Ken lang ang hindi masyadong torpe? Nakwento sakin ni Josh ang lahat eh. Hindi ako magsasalita ng kahit ano. Mas fun kung magkakaaminan.


"Ria, subukan mo kayang sumagot" frustrated na ani ni Jah.

Kanina pa kasi siya hindi pinapansin ni Ria. Nakokornihan daw pero natatawa hmm...

"Bakit nanliligaw kaba para sagutin kita?" Pataray nitong sumagot. Tinawanan tuloy si Jah ng apat.

Tumayo lang si Ria saka tumungo samin. Hinigaan pa ako. Wala talagang poise hahaha!

"Joei. Isa ka pa" reklamo ni Stell. "Bakit?" Maang-maangan ni Joei.

"Hindi mo ba alam? Masakit maniko?"  Aniya habang hinihimas ang braso.


"Masakit pala mani mo eh. Ba't ka nandito" banat ni Jah.


"Gago ka talaga Jah"

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon