34

13 1 0
                                    

Jazrich's POV

"Something wrong love?" Alalang untag ni Josh. Nagpaiwan ako to buy something pero sumunod itong kumag na 'to sakin.

"Nothing I just want to buy that" turo ko sa matching necklaces that I saw earlier sa isang gift shop. It looks so unique yet they all match, just like us.

"You feel different lately" napalingon ako sa sinabing iyon ni Josh. Mag-aalala na sana ako na about 'yon sa relationship namin but he's grinning ear to ear. I can't help but smile sa itsura niyang yon.

"What do you mean?" I asked not looking at him. I'm busy admiring the beads sobrang shiny!

He hugged me from behind then he looked over my shoulder, probably because I wasn't paying much attention to him. "Naging masayahin ka"

"I am happy" nilingon ko siya. I kissed his cheek kaya mas lalo niyang idiniin ang yakap sa akin.

"You seem happier and that makes me happy too" natawa siya "kahit na mas madalas na sakanila yung time and attention mo" he pouted cutely. Umaastang nagseselos. Well true dahil mas nagbababad ako ng oras kasama nila. It feels overwhelming na kahit hindi puro saya at mas madalas ang pagod namin, we have each other. I've never had that before.






"Mahal ako na nga diyan mamaya. Masusugat ka pa niyan eh" saway ni Stell kay Joei na nagpupumilit buksan ang lata ng condensed milk.

Joei glared at him "kaya ko sabi!" The knife slipped! Muntik nang matamaan ang daliri niya! Agad na binitawan ni Stell ang hinihiwang gulay at ipinaubaya kay Ken at Niko.

"Akin na" hinablot niya ang kutsilyo kay Joei at marahang iginaya si Joei sa gilid "tigilan mo ang kakanguso mo, hahalikan ko 'yan!" he hissed at her. Joei smirked as if she's pleased everytime Stell is pissed. Masochist ba 'to?

"Oh my God napapaligiran ako ng couples" umastang kinikilabutan si Ria. Asan si Justin?

"Akala mo wala siyang boyfriend eh. Asan nga ba 'yon?" Biro sakanya ni Pablo, busy sila ni Tine magdurog ng graham crackers.

"Ewan! Hindi manlang tumulong---teka nga!" Reklamo ni Ria habang iwinawagayway ang hawak niyang malaking sandok. She banged on the door habang nakapameywang.

"Hoy lumabas kana diyan!" Muka siyang lunchlady. Lahat kami ay natatawang napailing sakanya. Pinihit niya ang doorknob saka nagsisigaw sa loob. Pfft! She's not usually like this baka red days? Hahahaha!

"Kahit kailan talaga ang dalawang 'yan hindi kumpleto ang araw na hindi nakakapagbangayan" Josh laughed heartily beside me.

"Langga tikman mo nga 'to. Baka pagalitan tayo ni inang Ria kapag naalatan ko" isinubo ni Niko ang daliri kay Ken. Hindi ba't batter 'yon ng raw chicken? OMG.

"Masarap naman ga, ano 'yon ba't malansa?" napadura si Ken sa sink. Natawa si Niko nang marealize ang ginawa niya. Pinrito sana muna niya para matikman ng maayos.

Naputol ang tawanan namin nang may marinig kaming bumagsak sa kwartong kinaroroonan ni Justin at Ria.

We all rushed to see what's happening. Nagitla kaming lahat nang sa nagisnan. They're on the floor, magkapatong kaso lumagpas ang ulo ni Ria at mukang nauntog sa sahig ang noo!

"Ano nangyari?!" Agad na tinulungan ni Stell si Ria na iniinda ang noo. Wala pang damit si Justin kaya napabaling ako kay Ria.

"Ayan kasi eh nakikipag-agawan sa towel, hiniram ko lang naman. Nadulas ako dahil galing ako sa cr" bumuntong hininga si Justin bago tumayo. Namumula ang kanyang leeg, maybe from the impact?

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon