36

8 1 0
                                    

R I A

"Oh Stell sa'n ka pupunta?" Untag ko kay Stell na kaaga-aga ay nakaayos at mukang may pupuntahan.

"Bibili ng peace offering saglit" ngumiti siya pagkatapos ay tiningnan ang wrist watch. Napatango nalang ako dahil muka siyang nagmamadali. Weird.

"Oh ang aga mong magising ah?" Puri sakin ni Pablo. Magkasunod sila ni Tine na bumaba ng hagdan, sinamaan ko ng tingin si Tine at muka nanamang nasosobrahan siya ng kakakwento kay Pablo about samin. Mamaya ikwento niya kay Pablo na naihi ako sa kilig literal nung---basta!

Siguradong ang laki ng eyebags ko! Pano ba naman natulog kami kagabi sa mini theatre room, nakatulog ako sa gitna ng movie. Ang pisteng Jah saka nagdecide na tumabi kung kailan nakapatay na lahat ng ilaw! Mukang slenderman letse talaga!

Pinagtawanan pa ako dahil pa raw akong tilapiang inahon sa tubig sa pagkakagulat. Isa pa, hindi ako nakatulog ng maayos dahil magdamag siyang nakayakap sakin.

Mukang mahihirapan na akong makaahon nito. Ang sabi ko pa naman ay cherish the moment nalang dahil alam kong masasaktan lang ako sa dulo. Justin De Dios seryoso?

Pero mukang nahuhulog na ako ng tuluyan at hindi na makakaahon pa.

Maya-maya pa ay nagising na rin sila. Pinakahuling pumunta sa lamesa si Niko at Ken. Sarap ba human heater?  Kung makapagyakapan wagas eh.

"Bakit namamaga mata mo?" Siniko ako ni Jazrich. Naagaw niya ang atensyon ng lahat kaya tumitig sila na para bang sobrang interesante ng isasagot ko. Greenminded ba ako o concerned lang talaga sila?

"Si Justin kasi hindi tuloy ako nakatulog---" hindi ko na natapos ang reklamo ko dahil bigla silang lahat nagtawanan. Maski si Joei na kagabi pa umaakto ng kakaiba ay napatawa rin ng malakas at nakipag-apir pa kay Niko. Ano bang sinabi ko?

Ay shet.

"Hindi 'yon ganon!" Padabog kong inilapag ang kutsara sa lamesa. Tumango-tango sila ngunit halata sa mga mukang hindi kumbinsido. Mga bastos!

"Good morning!" Biglang nagsalita ang pamilyar na boses sa likuran ko. Humalik pa siya sa pisngi ko saka hinila ang upuan na bakante sa tabi. Tumikhim ang mga lalaki at inapiran si Jah. Ang engot naman ang laki pa ng ngiti ni hindi niya manlang tinatanong kung para saan!

Ayoko nang magdeny dahil kung hindi ako magmumukang defensive, itutwist naman ni Justin depungal!

Lahat kami ay napalingon nang pumasok si Stell sa dining area na may dala-dalang bouquet ng tulips. Nakakasilaw ang mga ngiting bumaling siya kay Joei na halos ingudngod ang sarili sa lamesa. Sana all!

"Mahal pwede ka bang makausap saglit?" Nakangiting aya niya kay Joei habang iginagaya ang ulo sa direksyon ng veranda. Wala namang nagawa si Joei kundi sumunod dahil sa matindi naming paninitig sakanya.

Nangangati talaga akong malaman kung bakit ang weird nila. Halos ngatngatin na ako ng tipaklong sa sobrang sweet ni Stell sakanya pero kahapon para silang nagkakailangan.

Wala sa sariling sumunod ako sakanila para makichismis. Wala manlang sumaway sakin? Baka busy sa pagkain hahaha!

Napaigtad ako nang biglang may huminga sa gilid ng leeg ko. Inikot ko ang paningin sa magkabilang gilid. Kaya pala walang sumasaway dahil nakikichika rin.

"Usog" minouth ko kay Jah. Wala akong pakialam kung maamoy niya ang inalmusal ko masyado siyang malapit ngunit hindi parin gumalaw.

"Mahal sorry" masuyong ani ni Stell. Nakatanaw sa veranda si Joei habang yakap yakap ang bouquet. May affair bang naganap?

"S-saan naman?" Bakas ang matinding pagkailang ni Joei sa tono ng pananalita niya. Anong meron? Nilingon ko si Justin baka sakaling may alam siya tutal kaclose niya ng husto si Stell. Wrong move. Nakatitig siya sa muka ko kaya paglingon ko halos maghalikan na kami God!

"Sorry mahal. Baka nabastos kita sa ginawa ko kahapon" nanlaki ang mga mata kong ibinalik ang atensyon sakanila. "Hindi ko sinasadya, malaki ang respeto ko sayo kaso--"

Tumikhim si Joei bago pa man matapos ni Stell ang sasabihin. Kj naman nito.

"Ayos na 'yon kasalanan ko rin naman" umikot siya para harapin si Stell. Lumambot ang expression ng muka niya nang makitang nalukot ang muka ng bebelabs niya.

"Ayan ka nanaman sa ngiti mo akala mo ikaw yung sinusuyo" malakas na kulbit sakin ni Jah. Na-out balance at naumpog tuloy ako sa glass door. Focc ang sakit!

Pagtingala ko ay pareho nang nakatingin sakin si Joei at Stell. Nagpanggap akong may pinapagpagang langaw habang dahan-dahang umaatras.

"Ria!!" Sigaw ni Joei kaya napakaripas kaming lahat papaalis sa unit. Shuta kasing Justin 'to! Magkakabukol pa ako ng wala sa oras!

Gulat akong tumingin sa wrist ko nang hawakan ako ni Justin. Iginaya niya ako papuntang elevator. Ang lalaki ng hakbang konti nalang makakaladkad na ako. Maawa ka naman.



Saglit kaming naglalakad sa kung saan. Nagpatangay na lamang ako sakanya dahil ayoko pang bumalik sa itaas kaagad. Baka pagtulungan nila ako hahaha!

Huminto siya sa isang duyan na nakasabit sa pagitan ng puno ng niyog. Pinagmasdan ko lang siyang umupo at magstretch. So ano pati dito magiging display ako?

"Ano pang hinihintay mo diyan?" Nang-aasar siyang ngumiti habang itina-tap ang hita niya. Uupo ako diyan? Hindi ko abot haha!

Inirapan ko siya sabay umupo sa gilid niya. Matagal kaming nakatitig lang sa dagat at mga taong dumadaan. I love how serene the surrounding feels. Sana ay ganito nalang habang buhay.

"Gusto ko 'yang ganyang ngiti mo" sinilip pa niya ang muka ko. Ayan nanaman tayo sa ngiti kaya ako nauumpog eh!

"Ngumingiti din naman ako sayo ah" pilit kong pinagmumukang casual ang pananalita ko kahit na pahigop ako ng hangin. Baka maturnoff pa 'to sa amoy ng hininga ko.

"Pero hindi gaanong genuine" sumandal siya sa duyan kaya nilingon ko siya "ngumingiti ka sakin pero hindi kagaya ng ngiti mo kapag kinikilig ka kila Joei at Niko"

Natahimik ako sa sinabi niya. Buong akala ko wala lang sakanya at isa rin siyang sumasabay lang sa agos dahil puro couple na kasama namin.

"Pakiramdam ko naghohold back ka" kinuha ni Justin ang kamay ko, pinaglaruan niya ang mga daliri ko saka  nagpatuloy "may ikinakatakot ka ba?"

Naitikom ko ang bibig. Ito ba ang pinaparamdam ko sakanya all this time?

"Anong ibig mong sabihin?" Linga ko sakanya. Ngumiti siya ng malungkot ngunit hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"Pakiramdam ko kasi nagpipigil ka. Para bang hindi mo siniseryoso lahat ng sinasabi ko" he squeezed my hand.

"A-akala ko kasi go with the flow ka lang" huminga ako ng malalim "kaya ganon rin ang ginagawa ko. Ang isip ko pa ieenjoy ko nalang lahat" tumango lang siya sa sinabi ko.

"Kaya ba minsan wala lang sayo kahit hindi kita suyuin dahil akala mo, nangtritrip pa rin ako?" Lumungkot ang expression ng muka niya "ganon ba talaga kababaw ang tingin mo sakin?"

I was dumbfounded. Hindi ko makapa kung anong sasabihin ko. Almost 1 month na kami pero ngayon niya lang inopen up sakin ito. Am I being an asshole?

Pinapangarap ko lang 'to dati, bakit hindi ko magawang enjoyin?

"Dahil pinapangunahan ako ng takot" pagdidiretsa ko. Napatingin siya sa mga mata ko. Lately literal na panglalait lang or jokes natatanggap ko kaya mas lalo kong pinanindigan ang enjoyin nalang. Although his kisses tells me otherwise.

Lahat ng sama ng loob ko pati na rin ang amusement ay sinabi ko sakanya. Hanggang sa kusa nalang na parang mga puso namin ang nag-uusap. Ew korni hahahahaha!













***

Iaayos q to soon hehe

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon