26

13 1 2
                                    




"Ano ba ang clingy mo!" Asik ko kay Justin na halos daganan ako. Kanina pa ako umuusog papalayo, lapit siya ng lapit.

Mula kahapon ang weirdo ng ikinikilos nila. Halos hindi na ihiwalay ang mga sarili samin. Panay din warning na wag masyadong makipagclose at wag masyadong maging mabait sa group A.

"Stell kapag may biglaang pumasok yari talaga tayo. Papunta na yung feelers niyo" suway ni Joei kay Stell na kanina pa nakabackhug sakanya kahit nagmamarkings kami ng sayaw.

Kahit si Ken ay nasa gilid lang ni Niko nakikisayaw din.

Ngayon ko lang nakitang magpakaclingy si Josh at Pablo. Kadalasan maingat silang kumilos pero mula kahapon ang weird talaga. Tinatanong namin si Tine baka may nasabi si Pablo sakanya o may kasalanan 'tong mga 'to kaya sobrang kukulit ngayon.

Bukas na pa naman ang performance namin. Ayos na ang lahat. Sinisigurado nalang namin na plakado na ang choreo. Hindi pa kami makapagsimula dahil ang aga aga. Nandito silang lima.

"Diba may Freeda ka? Umalis ka nga diyan!" Pilit kong iniaalis ang mahigpit na pagkakayakap ni Jah sakin. Mababali na ata ang mga buto ko. Nasa sahig pa naman kami!

Nung nakaraan ni hindi kami magtinginan lahat dahil umiiwas kaming paghinalaan pero heto sila ngayon.

"Ano ba kasi talagang nangyari? Bumitaw nga muna kayo at mag-explain" reklamo din ni Jazrich dahil nakapulupot sakanya si Josh.

"Bumabawi lang kami. Bawal ba maglambing?" Ani ni Stell na mas hinigpitan ang yakap. Si Joei muka nang nayuping hotdog.

"Eh hindi naman ganito maglambing sakin ang isang 'to" turo ko kay Jah habang tinutulak ang noo niya palayo "hindi nga ako inaasar eh" Ngumiti lang si Justin sa ginagawa ko saka ikiniskis ang pisngi niya sa pisngi ko.

Parang tanga rin kaming nakangiti kahit naaasar. Parang nung nakaraan lang may paiyak iyak pa kaming nalalaman.

"Ano ba kasi meron? Paulo?" Lingon ni Tine kay Pablo. Napabuntong hininga ito bago magsalita. "Yung group A kasi gusto daw kayo asawahin"

HA????

"A--asawahin?" Lahat kami ay napahagalpak sa tawa sa sinabi niya. Jusmiyo parang nung nakaraan lang narinig kong kaya gusto nilang magdebut para makajowa ng magagandang artista tapos kami?!

"Anong nakakatawa?" Simangot ni Ken samin bahagya pang kinurot si Niko sa braso. "Lumayo kayo ha?" Aniya na sinilip pa ang muka nito.

"Kung umakto naman kayo parang andali niyong palitan" iling ni Jazrich. Nakalimutan ata ng mga 'to kung sino sila.



"Guys tara na" tawag pansin ng isa sa staff ng SB19. Hindi manlang nabother sa ginagawang panglalandi amp may iba nang nakakita! Agaf tuloy lumabas dahil para kaming nasa Luneta.

"Andiyan na ang mga kabag" ika ni Joei. "Punta na kayo dun baka tumirik ang mata kapag hindi kayo nakita agad"

Napahawak ako sa bibig ng ikiss ni Stell, Ken, Josh at Pablo ng lantaran sa labi yung apat. Ayieee!

"Punta kayo dun samin ha?" Pahabol pa nila bago tuluyang lumabas. "Jah!" Tawag nila sa katabi kong kabibitaw lang.

"Kung makangiti ka naman diyan akala mo ikaw ang hinalikan" pangaasar niya sakin. Ay bawal makishare ng kilig?

"Kiss mo nga ako sa pisngi" aniya sabay inilahad ang pisngi sakin. Kapal naman ng muka neto. Inirapan ko lang siya at umambang tatayo.

"Hindi yan titigil, ikiss mo na Ria" panunudyo ni Stell. Bumuntong hininga ako saka dahan dahang inilapit ang lips ko sa pisngi niya.

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon