18

9 2 0
                                    

Beh umusog ka.

Ayaw paawat ah? Hindi ko alam kung nanadya 'tong mga 'to. May bakante pa naman sana sa likod kaso pinuno ng bags. Pati mismong coin purse pinaupo.

"Diyan kana sa frontseat, kausapin mo si Jah para hindi antukin" si Stell. Napansin atang nagkakalkula ako kung pano ko ipagkakasya sarili ko sa natitirang space.

Kainis! Naiilang ako ewan ko ba! Hindi naman totoong nagseselos ako. Hindi ko nga siya bias eh. Isa pa, aalipustahin nanaman ako neto magdamag.

3 hours lang naman 'yung drive papuntang Laguna!

"Hi babs" bungad sakin ni Justin pagbukas ko ng pinto.

Babs ng babs sexy naman ako ah. Pakafeelingero neto palibhasa payatot.

"Hello babs!" Pekeng ngiti ko sakanya. Ngumiti lang siya ng malaki saka pinaandar ang sasakyan.

"Yun oh may tawagan na!" Pumalakpak pa si Stell sa likuran "kayo na ba?" Aniya na ikinagulat ko.

Akala ko sa natural causes ako mamamatay, sa inggit lang pala. Minamassage ni Stell sa pisngi ni Joei ang kung anong skincare na nasa muka niya rin. Wala pa nga sa location eh.

"Hindi ah" tanggi ko. Alam kong ang feeling feeling ko ngayon dahil ako pa may gana hahaha!

Dati sa posters at pictures ko lang sila kinakausap. Ngayon dinideny ko na. Bakit ba.

"Ano ba meaning ng babs?" Si Ken. Opposite sides sila Niko nila Stell at Joei.

Yung dalawa may sarili nanamang mundo sa likuran.

"Pogi pero medyo BABoy" natatawang ani ko. Witty ko shet.

Lately pakiramdam ko talunan ako kahit sa mga asaran. Kailangan kong bumawi. Pero pano?

Am I maturing?

"Babi" nawala train of thoughts ko sa malakas na "ayiee" nila bilang response sa sinabi ni Jah. Bugok ba 'to? Mantritrip na nga lang ipapangalandakan pa. Proud paasa yern?

"Tanggal angas niya eh" si Jazrich. Inapiran pa siya ng dalawa. Aba natututo na ah. Masyado na silang maraming alam kailangan ko na silang itumba.

"May ingredients na ba kayo ng pangbarbecue" Pag-iiba ko ng usapan. Parang tanga naman kasi. Nananahimik ako eh, kapag ako pinapaasa lang nito sasakalin ko kayo isa-isa.

"Wala pa pala" odiba ang galing.

"Daan muna tayong puregold tsaka pahingi akong pera pambili. Wala akong pera" masungit kong asik sa driver namin.

Ipinark niya kaagad sa puregold. Naghihintay pa ako na bigyan ako ng pera siyempre. Mahirap lang ako kaya kung sakin sila aasa baka bumili lang ako ng tsitsiryang barbecue flavor.

"Mm" aniya. Dalawang libo?! "Ang laki naman nito!" Iba talaga kapag bigtime na.

"Ikaw na po magbudget mommy, ibili mo ng side dishes or dessert kung may sosobra" kalmado at malambing kunwari na ganti ni Jah.

Ah so ganitong labanan? Siyempre hindi tayo papatalo. Nagmumuka na akong engot dahil sa tatlong babae dito. Masyadong gina-grab ang chance para maasar ako pabalik.

"Okay po daddy Jah" Nagflying kiss pa ako. Narinig ko pa silang inasar si Jah pero bumaba na ako.

Wala pa atang balak na samahan ako? Ipinagkulong ko sa mga kamay ko ang muka ko habang sumisilip sa bintana nila Ken at Niko "hoy mga babae samahan niyo ko!" Tinted glass kasi yon. Bahala kung magmukang ewan.

Natanaw ko pang nagulat sakin si Ken pero yung mga pinsan ko napahagalpak pa sa tawa.


"Bakit ang init ng ulo mo" nagpipigil ng tawang tudyo ni Joei. Tatlo silang bumaba para tulungan ako mamili.

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon