9

12 2 0
                                    

Walang katapusang lakaran.

Tapos na kaming mag-apply sa ALS (Alternative Learning System) para naman kahit papano hindi kami mabehind sa studies, tuwing sabado lang naman hindi kailangang pumasok araw-araw. Siguro kakayanin namin 'to.

Pumasok si Niko sa foreign language, si Joei sa dressmaking at ako naman cookery. Yes I do the cooking, yes I do the cleaning.

Para ready sa future namin ni Josh. Hindi ko siya gugutumin mga kapwa kong nasa ihawan, pangako!


Naghanap kami ng part time job. Nakakahiya naman kasi kay tiyo kung aasa lang kami. Sinwerte kaming tatlo na makapasok sa isang convenience store. Nagjanitress ako, yung dalawa naman nasa cashier. Gusto kasi namin na magkakasama parin dahil bago lang kami sa Manila.

Nagshoot na kami ng audition video saka isinubmit ang form online with individual pictures. Ang effort rin pala ng gano'n. Buti nalang may tigpi-50 na bonggang outfit sa shopee haha!





Awa ng Diyos lahat kami naanyayahan sa face to face audition.
Wala na kaming ibang dapat gawin kundi ang ibigay lahat ng kaya namin.


---







"Ria, no offense ha?" Putol ni tito Benjie sa masayang usapan namin.
Wala pa man eh nag-iimagine na agad kaming magiging successful artists kami. Ganon lang! Manifest manifest bawal nega.




"Ano po 'yun?" Maiksi kong sagot bago sumubo ng pagkain. Mukang kailangan ko nang magdiet. Baka sakupin ng pisngi ko ang screen.






"May talent ka naman. I mean buo ang boses mo pero sa tingin ko hindi ka gaya nila" turo niya kay Joei at Niko gamit ang kanyang tinidor.


Hindi ko alam isasagot ko kaya naghintay nalang ako ng susunod niyang sasabihin. Nagtinginan lang din kaming tatlo. Kanina pa kasi nananahimik si tito, bigla lang siyang nagsalita.

Naramdaman ata niyang speechless ako kaya siya nagpatuloy. "Wala kang ganito masyado" bahagya niyang ti-nap ang baba gamit likod ng palad.

Hindi raw ako ganon kaganda. Napatigil kami sa pagkain, parang lahat yata ng lakas ng loob ko at pangarap, naglaho na parang bula.

"Concerned lang naman ako sayo. Baka kasi matanggap yang dalawa tapos malungkot ka ng husto. Alam mo naman ang ganyang industriya. Hindi ka sisikat kung 'di ka mukang manika sa ganda" mahabang paliwanag ni tito nang mapansing  natahimik kaming tatlo.

Tiningnan ako ni Joei at Niko na may bahid ng lungkot at awa ang mga mata.

Ngumiti lang ako ng matamis. Ayaw kong panghinaan din sila kung sakaling magpaapekto ako ngayon.

"Ayos lang po 'yun tito. Hindi ho ba maiinspire sila sakin? Kahit na hindi ako sobrang ganda ay sumikat ako?" I said genuinely.










Nakahiga ako ngunit 'di ako makaramdam ng antok. Iniisip ko ng mabuti 'yung sinabi ni tito. Hindi ko kinonsidera 'yon sa totoo lang. Ang akala ko kasi, sapat na ang talento. I worked hard to improve. Kaya alam ko sa sarili kong deserving din ako.

Isa pa, maganda naman daw ako sabi ni mama hehehe tsaka isa pa dapat matulog na ako. Baka magkaeyebags ako talagang 'di na ako tatanggapin.


Bahala na ang Panginoon. May tiwala ako sakanya.







--




Gusto ko narin pong ishoutout yung hayop na tapsilugan...

Gusto ko narin pong ishoutout yung hayop na tapsilugan...

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon