42

17 2 6
                                    


J O E I


"Susunduin ba nila tayo?" Kumapit sa braso ko si Tine habang naglalakad sa terminal ng airport. Grabe isang oras mahigit lang ang byahe pakiramdam ko maghapon akong umupo.

Pinipigilan pa sana kami ng staff para sa upcoming christmas party kaso pinagalitan kami nila tita at mama hahaha! Wala rin naman sila do'n.

"Oo, kalma ka lang" natatawa kong nilingon si Tine na mukang kiti-kiti sa halu-halong emosyon. Mula kaninang nagtatravel kami, wala siyang ibang bukambibig kundi mameet ang parents namin.

Gusto niya raw malaman kung saan namin namana yung "uniqueness" naming tatlo. Although alam kong pang-uuto lang 'yon at talagang "kabaliwan" ang tinutukoy niya.

"Hala nakakahiya!" Impit na tili ni Niko na hinablot ang saklob ng hoodie ko para itago ang muka niya. Taka akong napalinga sa paligid.

What the heck?!

Kanya-kanyang hawak ng poster ang mga tatay namin habang nagsasayaw sa "kiss me more" na tumutugtog sa bluetooth speaker nila.

Welcome home popstars! Basa ko sa poster ni papa. Ano kami si Sarah Geronimo?

Ang tahimik na si Jazrich ngayon ay tawang-tawa at niyuyugyog si Ria'ng itinaklob rin sa ulo ang buong bonnet niya. Kanya-kanya ng bulungan ang mga tao sa paligid. Pilit tinutukoy kung artista ba kami o ano.


"Tita!" Sigaw ni Tine sabay patakbong sumalubong kila mama. Wala kaming nagawa kundi sumunod sakanya. Nakakahiya at nakakatuwa at the same time.

"M-ma! Tara do'n tayo magkwentuhan sa jollibee libre namin kayo!" Pilit na itinatago ni Ria ang hiya habang mahinang inaakay ang ina at ama papalabas.

Aba itong si Tine at Jazrich inagawan ako ng mama at papa hahahaha! Silang dalawa pa ang nakahawak sa mama ko! Mabuti naman at nagkapalagayan agad ng loob. Ang akala ko mahihiya pa ang dalawa.











"Pogi pwede bang pagdugtungin namin 'tong mga lamesa?" Sigaw ni tito sa isang server. Nag-aalangan naman itong ngumiti saka siya tinulungan sa pagkuha ng mga upuan "nandito kasi mga anak naming girlgroup"

Nagsayaw pa si tito kunwari kaya natawa kaming lahat. Nahihiya namang pinatigil ni Niko ang ama.




Ngiting-ngiti naming pinagmasdan ang mga nanay naming nagkukumahog na handaan iayos ang mga pagkain namin. Maski si Tine at Jazrich mukang naaamaze kahit magulo kaming lahat. Nakakamiss!

"Nak may gravy ka na ba?" Tanong ni mama kay Jazrich na saglit na natulala sakanya.

"W-wala pa po" binuksan ni mama ang lid ng gravy saka iyon inilapag sa tabi ng plato ni Jazrich "thank you po"

Nakita kong kuminang ang mga mata niya nang tamaan ng ilaw. Halatang nagbabadyang tumulo ang luha pero malaki ang ngiti nito. I plastered a comforting smile nang mapatingin siya sa gawi ko.




"Oh eh kamusta naman kayo sa Maynila?" Tanong ni tita Remi, ang mama ni Ria. "Baka naman may boyfriend na kayo ro'n ha?"

"Pano mo naman nasabi 'yan ma?" Kabadong tumawa si Ria. Medyo kinabahan rin ako sa tono ni tita dahil mukang sure na sure siya sa hinala niya. Well totoo naman hehe!

"Bihira na kasi kayo magkwento at tumawag samin" nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may nagsumbong na sa amin.

Bago kami umuwi, pinaki-usapan muna namin si Jazrich at Tine na 'wag munang magbabanggit ng tungkol doon. Alam kong mali magtago ng sikreto ngunit baka hindi kami payagang bumalik lalo na kami-kami lang ang magkakasama.

Love At First Stan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon