Prologue

117 4 5
                                    

"I'm not going back to the Philippines!" I angrily shouted


"Seleira please, this is your biggest break! Mas sisikat ang mga designs mo pag tinanggap mo tong project na to" Oliver frustratingly said


"At Isa pa kasama mo naman ako doon, alam mong hindi kita pababayaan" He continued


He's my assistant here in Australia, he's a Half Filipino Half Australian . Dito na daw siya lumaki pero fluent din siyang magtagalog dahil sa mama niyang Pinay.


"I don't care, I won't accept it and that's my fucking final decision" pagtatapos ko sa usapan



"Fine, just think about it Seleira" He sighed in defeat




"Ipagtimpla mo ko ng kape Oliver Rodriguez" utos ko sakanya


"It's Olivia not Oliver you fucking bitch!" He shouted and rolled his eyes before walking away.



I chuckled because until now I can't believe that he's gay. I mean sobrang gwapo ng baklang to lalaking lalaki pero pumipilantik ang mga daliri.


Naaalala ko pa ang unang pagkikita namin dito sa Australia ni Oliver 5years ago. Umuulan nung gabi na yon, umiiyak ako habang naglalakad sa kalsada at muntik niya na ko masagasaan.


Simula noon lagi na siyang nakasunod sakin kasi tanga daw ako baka kung ano nanaman daw ang masamang mangyari sakin.


Ang laki ng utang na loob ko kay Oliver, tinulungan niya kong bumangon sa buhay kung hindi dahil sakanya baka sinukuan ko na ang sarili ko.


Alam ni Oliver lahat ng nangyari sakin sa Pilipinas kaya hindi ko magets kung bakit gusto niya kong bumalik sa lugar kung san ako nadurog.



Nilibot ko ang paningin ko sa Office ko, it's been 5years pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. I am now a Fashion Designer here in Australia with the help of Oliver.



Natauhan ako nang magring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller at nagtaka ng makitang ang mama ni Oliver ang tumatawag.


[Hija kamusta ka na anak?] Malambing na tanong ni Tita sa kabilang linya.


"Okay lang naman po Tita, kayo po kamusta?" I answered


[Okay lang din hija, kamusta naman kayo ni Oliver? Hindi naman kayo nagaaway?]


Palagi kaming nagaaway ng bitch niyong anak Tita, nung nakaraan nga nagsabunutan kami kasi pinag aagawan namin si Cha Eun Woo.



Pero hindi ko yan sasabihin kay Tita kasi bukod sakin wala nang nakakaalam na pusong babae si Oliver.



Nakita ko ang pagbukas ng pintuan ng Office ko at pagpasok ni Oliver dala ang kape.



"Bitch eto na ang kape---" pinutol ko ang ipit na pagsasalita ni Oliver sa pamamagitan ng pag ubo.



"E-ehem hindi naman po TITA, sobrang bait po sakin ni Oliver" pinagdiinan ko pa ang salitang "Tita" para malaman ni Oliver na kausap ko ang mama niya.


Nakita ko namang napasinghap si Oliver at napatakip ng bibig sa gulat.


[Sino yon anak? Hindi ba't si Oliver ang nagtitimpla ng kape mo? Bakit babae ang narinig ko?]


"Hahaha Tita lumabas po si Oliver para bumili ng tanghalian namin kaya sa iba ko po muna inutos" pinandilatan ko ng mata si Oliver at sinenyasan na manahimik.


[Ay ganon ba, anyway hija Balita ko ay may Project kayo sa Pilipinas?]


"Opo Tita"


[Kasama ka naman ni Oliver diba?  Alam mo namang sayo lang panatag ang loob ko hija kaya hindi ako magaalala sa anak ko habang nasa Pilipinas siya]


"A-ah opo Tita kasama po kong uuwi ng P-pilipinas" Wala sa loob na sagot ko. I can't say no to her, siya na ang tumayong nanay ko sa mga nakalipas na taon.


[Salamat naman kung ganon hija, osiya sige na baka busy ka sa trabaho at nakaabala pa ko. Magiingat palagi ha? Mahal ko kayo ni Oliver]


"Hindi po kayo abala Tita, kayo din po mahal namin ni Oliver" malambing na sagot ko bago ibaba ang tawag.


Napahilot ako ng sentido ng makaramdam ng pagsakit ng ulo.
I'm going back to Philippines huh? Tsk.

"Maraming salamat sa pagligtas sakin pero what the fuck ka bitch! Bakit ang bilis mong pumayag kay mama pero sakin kahit ata lumuha ako ng dugo hindi ka papayag!" He shouted

"Wag kang sumigaw bwisit ka sumasakit ang ulo ko at isa pa alam mo namang hindi ko kayang tanggihan si Tita" Sana lang tama ang desisyon kong to.

"Akina yang maleta mo ako na ang magdadala" sabi ni Oliver at hinablot ang dala kong maleta.


Nilibot ko ang paningin ko sa NAIA Airport, nasa Pilipinas na nga ko nararamdaman ko na ang init ng klima.


"Kukuha ba tayo ng condo o sa Hotel nalang tayo magstay?" Oliver asked

"Ikaw ang bahala" tipid na sagot ko


Tuloy tuloy pa din siya sa pagsasalita ng kung ano ano pero hindi ko na naintindihan dahil napako ang paningin ko sa di kalayuan.



Limang taon na ang nakalipas pero kilalang kilala ko pa din siya kahit nakatalikod.

Although he looks more matured now, mas lumaki pa ang katawan niya at tumangkad. His blue eyes got darker, his clenching jaw, his pointed nose, his thin but soft lips.

I gasped when I saw him laughed, nalipat ang tingin ko sa kausap niyang Magandang Flight Attendant.

He looks so happy with her, nakaramdam ako ng kirot sa puso nang makitang inalalayan niya ito at sabay na umalis.

Sabagay limang taon na ang nakalipas, hindi malabong may girlfriend o di kaya ay asawa't anak na siya.

Gusto kong maiyak sa naisip, limang taon na ang nakalipas pero pagkakita ko sakanya ngayon ay bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya noon. Hindi ko alam kung bumalik o hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko sakanya kahit nagkalayo kami.

Napagkasunduan namin ni Oliver na kumuha nalang ng Condo dahil mukhang magtatagal kami dito sa Pilipinas. Ayos lang naman sakin, mas panatag ang loob kong kasama si Oliver.

"Meeting kasama ang CEO? A-ano nga ulit ang p-pangalan nung CEO? Nagkamali ata ako ng dinig" Naguguluhang tanong ko kay Oliver

"Alexander Damon Whitlock" sagot niya kaya bahagyang nanginig ang tuhod ko at napasalampak sa sahig.

The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon