Chapter 5

21 0 0
                                    


"Seleira please just this one, gustong gusto kang makilala ng little sister ko" pangungumbinsi ni Dylan.



Limang araw na ang lumipas matapos ang game nila Dylan. Nandito kaming tatlo ngayon sa Cafeteria ng school para magtanghalian. Normal naman para sakin ang mga nagdaang araw, eskwelahan-trabaho-bahay. Madalas wala si papa kaya hindi kami nagkikita sa bahay sa tingin ko ay dumadating siya pag wala ako at agad ding aalis.



Pero may kakaiba akong napapansin sa kinikilos ni Genevieve. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napapansin ang mga bagay na to noon.

"Busy ako Dylan alam mo namang nagtatrabaho pa ko pagkatapos dito sa eskwelahan" sagot ko

"Oo nga naman Dylan, wag mo ngang ipressure si Seleira. Ipapakilala mo sa kapatid mo para maguilty si Seleira na bastedin ka?" ni Genevieve

"Wag ka ngang mangielam Genevieve!" Inis na singhal ni Dylan.

Nakita ko ang dumaan na sakit sa mata ni Genevieve ngunit mabilis din siyang nag iwas ng tingin.



"R-restroom lang a-ako" utal na sabi ni Genevieve at mabilis na umalis.

"Bukod sa busy ako ay pasensya na Dylan pero ayoko talagang sumama" diretsahang sagot ko kay Dylan. Tumayo na ko at naghandang umalis para sundan si Genevieve.

"S-seleira---"

"Magsorry ka kay Genevieve dahil nasaktan mo siya, hindi maganda ang ginawa mo kanina. Tapos na kong kumain babalik na ko sa klase ko" sabi ko bago nagmamadaling umalis.

Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom sa Cafeteria at hindi nga ko nagkamali. Pagpasok ko palang ay nakarinig na ko ng hikbi sa dulong cubicle, alam kong si Genevieve ito dahil kabisado ko ang boses niya.

Nagmamadali akong umalis nang tumigil ang hikbi at bago pa bumukas ang dulong pintuan.



Lutang ako habang nasa klase, totoo nga ang lahat ng sinabi ni Damon. Gusto kong isipin na nasaktan lang si Genevieve dahil masakit naman talaga ang sinabi ni Dylan. Pero sa nagdaang limang araw ay napapansin ko din ang sakit na dumadaan sa mga mata niya kapag hinahawakan ni Dylan ang kamay ko o di kaya ay inaakbayan ako.

Totoong gusto niya si Dylan at napakawalang kwenta kong bestfriend para hindi mapansin ang nararamdaman ng kaibigan ko.

Pagkauwi ko ng bahay galing sa trabaho ay napagdesisyonan kong tawagan si Damon. Sinagot niya naman ang tawag sa pangalawang ring palang.

"H-hello?"


[What took you so long to call? You just realized everything?"]  Sabi niya sa kabilang linya.

"B-busy ka ba?"

[I'm actually on a meeting right now, but it's okay. What do you wanna say?"]

"U-uhm kung hindi ka busy bukas ay pwede ba tayong magkita?"

[Okay, I'll clear my schedule tomorrow]

"Hala wag! Sabihin mo nalang kung kailan ka hindi busy para hindi ako makaistorbo"

[Seleira you are never a disturbance to me and you will never be]

"S-sige bukas, itetext ko nalang sayo kung saan at anong oras bye!"

[Hey---]

Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na binaba ang tawag.



Kinabukasan ay napansin ko ang pag iwas samin ni Dylan, hindi siya sumabay samin maglunch sa Cafeteria. Hindi din ako sanay na tahimik si Genevieve dahil madalas ay siya ang nangunguna sa kwentuhan at asaran. Sa palagay ko ay hindi pa nagsosorry sakanya si Dylan.

The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon