Chapter 12

43 3 1
                                    

"Damon itigil nalang kaya natin tong pagpapanggap natin?"



Nandito kami ngayon sa office niya, kala ko kanina ihahatid niya na ko sa bahay pero sabi niya hindi pa daw ako pwedeng umuwi hanggat hindi kami okay.


Nakaupo ako sa sofa ng office niya habang palakad lakad naman siya sa harap ko.

"Why? Is this about Scarlett? I swear baby, she's not my girlfriend or something! Kung gusto mo ipapabanned ko siya sa kompanya para hindi na ulit siya makapunta dito." Huminto siya sa tapat ko at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok.

"H-hindi naman iyon ang dahilan Damon"

Bahagya niyang niluhod ang isang tuhod niya at pinantayan ang paningin ko.


"What's your reason? Come on say it. Anong problema hmm?" Marahan niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.


"K-kasi nagaalala lang ako sa image mo, mashado kang mataas Damon. Maraming naghihintay na magkamali ka para mapabagsak ka ng mga kalaban niyo sa business" mahina kong sabi bago umiwas sa titig niya.


"Kahit peke lang ang relasyon natin malaking kahihiyan kapag nalaman nilang may girlfriend kang---"


"Stop" madiin niyang sabi

"If you're going to insult yourself Infront of me, you better just shut that pretty lips of yours and listen to me"

"First I don't fucking care what other people will say because you are the only thing that matters to me"

"Second no one can pull me down because I am Damon Alexander Whitlock, don't underestimate me baby."


"Lastly, They can't hurt you because I will protect you from everything"

"S-sigurado ka bang okay lang na ituloy natin to?" Tanong ko


"I am very sure, Seleira. And please stop avoiding me, don't do that again baby.  Sabihin mo sakin lahat ng gumugulo sa isipan mo, paguusapan at aayusin natin hmm?" Malambing na sabi niya.

"O-okay, sorry hindi na mauulit"

Lumipas ang mga buwan at hindi ko namalayan na second semester na pala kaya mas lalo akong nabusy sa eskwelahan at trabaho.


Si Damon naman ay consistent sa paghatid sundo sakin sa eskwelahan. Minsan kung may oras ay lumalabas kami para kumain, minsan naman ay sa nasa office niya kami.

"Seleira tumataba ka, mukhang magaling mag alaga ang boyfriend mo ha" nangingiting sabi ni Genevieve.

Nandito kaming tatlo nila Dylan at Genevieve ngayon sa Cafeteria para maglunch.

"Boyfriend?!" Gulat na singit ni Dylan


"Hindi mo alam? May boyfriend na si Seleira, ilang buwan na din sila" sabi ni Genevieve

"A-ahhh oo Dylan, may boyfriend na ko---"

"Akala ko ba ay wala pa sa isip mo ang pagnonobyo?!" Inis na tanong ni Dylan.

"H-hindi ko din inaasahan na mahuhulog ang loob ko sakanya. D-dylan pasensya na---" hindi na ko matapos tapos sa sinasabi ko kakasabat niya.

"I don't believe you, siguro sinasabi niyo lang to para tigilan kita" bakas ang sakit sa boses ni Dylan.

"T-totoo Dylan"

"Ano namang mapapala ni Seleira kung gawin niya yon Dylan? Tanggapin mo nalang na masaya na siya sa iba" pagsabat ni Genevieve

The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon