Chapter 11

18 2 0
                                    

"Damon"

"Hmm?"

"Alam na ni Genevieve na may boyfriend na ko, sinabi ko sakanya"

"What did she said?"

"Inaalam kung sino ka, pero sabi ko tsaka na kita ipapakilala sa kanila" sagot ko


"How about the guy?"


"H-hindi pa , humahanap pa ko ng tyempo para masabi ko sakanya"

"Okay"


Nandito kami ngayon sa office niya, 3pm nang matapos ang klase ko at nagulat ako nung sinundo niya ako at isinama dito sa office niya.

Kasalukuyan akong kumakain ng spaghetti habang nasa tabi ko si Damon na pinapanood lang ako. Sabi niya busog pa daw siya kaya hinayaan ko na dahil baka pag awayan nanaman namin.


"Uuwi ako ng 5pm Damon, hindi ako pwedeng magpagabi"


"Okay, ihahatid kita mamaya"

"Ang kalat mong kumain" sabi niya habang marahang pinupunasan ng tissue ang bibig ko.

Mabuti naman at alam niya na ang gamit ng tissue!

Parehas kaming nagulat nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang isang napakagandang babae.

"Sir pasensya na po nagpumilit pumasok si Ma'am" natatarantang sabi nung Secretary ni Damon.


"I said I don't need an appointment to see my boyfriend!" Bulyaw nung magandang babae sa kawawang sekretarya.

Huh? Hindi ba't sikat na artista to? Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya, Ang tangkad at ang kinis! Sobrang ganda at sexy niya pala sa personal!


"What are you doing here, Scarlett?" Bungad ni Damon sa bagong dating.


Pinagpatuloy ko ang pagkain ng spaghetti habang nakikinig sakanila. Nakalugay ang buhok ko kaya naiinis ko itong inipit sa likod ng tenga ko pero bumabagsak lang ulit.


"I'm here because I miss you Damon!" Sagot nung Scarlett


"You have nothing to do here, leave" madiin na sabi ni Damon at marahan na sinikop ang buhok ko para hindi makaabala sa pagkain ko ng spaghetti.


"Eat slowly baby" marahan na sabi ni Damon sakin at pinunasan ng tissue ang bibig ko.


"Who the hell is that girl?!" Gigil na sabi nung artistang babae.


"My Girlfriend" sagot ni Damon

"Really Damon?! Ganyan na kababa ang type mo? I bet you're just playing with her" sigaw ni Scarlett


"Shut the fuck up and leave Scarlett, insult my girlfriend again and you'll regret everything" madiin na banta ni Damon.

Mukhang natakot naman ang artistang babae kaya bahagya itong napaatras.

"I'll watch how you break and drop this girl, Damon" ngisi niya at tuluyan nang umalis.

"I'm sorry about that, please don't believe her"


"Girlfriend mo yung sikat na artista?"

"The fuck are you sayin'? You are my girlfriend Seleira"


"Okay lang naman sakin mag girlfriend ka ng iba habang nasa pekeng relasyon tayo, iexplain mo nalang sakanya---"


"Fucking stop" madiin niyang sabi at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok.


The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon